Pawis na pawis at hinihingal ang magkakaibigan habang tinatahak ang linya-linyang mga puno sa loob ng kagubatan. Nangunguna sa harapan si Luke, kasunod ay si Hal, habang bumubuntot sa likod nila Lea at Hannah si Jake. Karamihan ng mga gamit nila ay bitbit ni Jake sa dalawang malalaking bag. Mabuti na lang at nagagawang paliitin ni Hal ang mga gamit nila kaya naman di na sila nahihirapang magbuhat.
Biglang huminto si Hal kakya napahinto rin sina Lea. Sumilip ito at nakitang di gumagalaw si Luke at taimtim na nakikiramdam sa kanilang kapaligiran. Lumapit si Jake ---na walang bahid ng usual nitong kapilyuhan--- kina Lea at Hannah at dahan silang inalalayan palapit sa pwesto ni Luke at Hal.
Lumaki ang mata ni Luke nang unti-unti na niyang naririnig ang tunog ng isang makina mula sa taas ng mga puno malapit sa kanila.
"Shit." Mura nito at dali-daling sinenyasan ang mga kasama. "Sinusundan nila tayo. Kailangan nating magtago."
Nakakita si Luke ng maliit na kuweba mula sa magkakapatong na punong nabuwag at doon nila pinagkasya ang kani-kanilang mga sarili. Nangaligkig sa takot si Hannah at di napansing kinakagat na nito ang kanyang mga kuko. Napansin ito ni Lea at agad na sinaluhan si Hannah para pakalmahin.
Liningon ni Luke ang dalawa at nagkatagpo ang paningin nila ni Lea. Ngumiti si Lea kay Luke at agad naman itong sinuklian ni Luke. Hinawakan ni Luke ang kamay ng dalaga at pinisil ito na para bang nagsasabing magiging okay ang lahat.
Lumapit sa itaas nila ang tunog ng makina na napagtanto nilang isa palang helicopter. Mabagal itong lumilipad para makita ng maigi kung nasaan sila. Pinalipas muna nila ang ilang minuto at tahimik nila itong hinintay na makalagpas sa kanila. Binitawan ni Luke ang pagkakahawak sa kamay ni Lea at lumabas para silipin kung nakalayo na ang mga ito. Nang makasigurado ay nakahinga ito ng maluwag at ngumiti sa mga kasama.
"Safe na guys. Labas na kayo dyan."
Inalalayan niya si Lea na itayo si Hannah at tinapik naman sa mga braso ang dalawang lalaking kaibigan.
"Di ko inakalang agad nila tayong masusundan." Saad ni Luke. "May possibility na may naghahanap na rin satin dito sa loob ng gubat."
Napa-igting ng panga si Jake at napaisip. "Sinigurado ko naman na alisin ang trace natin at nag-lagay pa nga ako ng iba para malito sila."
"Wala naman tayong magagawa kung nahanap nila tayo. Sa ngayon kailangan nating humanap ng ibang daan dahil posibleng naghihintay sila sa harap kung saan tayo lalabas ng kagubatan." Sagot naman ni Luke.
"Pwede ba natin silang iwasan at humanap ng ibang lulusutan? May iba ka pa bang nakikitang daan palabas Luke?" Nag-aalalang tanong ni Lea.
Umiling si Luke at nakuyos ang hawak-hawak na mapang ibinigay ni Manang Weya. Isang daan lang ang binigay satin ni Manang Weya dito. Kung mag-iiba tayo ng daan, di tayo sigurado sa haharapin natin doon.
"Ako na muna. Iiikutin ko tong palibot sa atin tapos babalik din ako dito para ireport sainyo." Sambit ni Jake at umakmang aalis. Mabilis na hinawakan ni Luke sa braso si Jake para pigilan ito.
"Hindi! Ako na lang. Samahan mo na lang sila dito. Mas kailangan ka dito Jake."
"Mas malakas ako sayo Luke! Kung lakaran ang pag-uusapan mas maganda kung ako na lang. Di ako madaling mapagod." Aniyang Jake. "Atsaka mas komportable naman sina Lea kasama ka."
"Bakit ba di ka na lang sumunod Jake? Wala na tayong oras pag-isipan pa yan kaya wag ka na makikipag-kulitan!" Sigaw ni Luke.
"Guys"
"Bakit? Kung umasta ka parang karga mo kaming lahat. Pare-pareho lang naman tayo ng trabaho dito." Sagot ni Jake.
GUYS!"
Natigil sa pag-aaway ang dalawa nang biglang sumigaw si Lea. Tinignan nila ito at nakita ang namumutla at natatarantang mukha nito.
"Nawawala sina Hal at Hannah."
BINABASA MO ANG
The Green House
FantasyWhen you've spent most of your life running, you just wished there is some place where it would finally accept you as you are. Luke and his group of friends with their unusual set of abilities are feared and scorned for being different. When opport...