Isang gabi ay natagpuan na lamang ni Niel ang sarili na sinusundan na naman si Anayeli sa 24/7 night club. Day off ni Anayeli. Kaya wala na siyang nagawa pa na alibi para mag-overtime ito at kumain lang sa opisina. Agad niyang hinanap ang bading na bugaw doon para makiusap dito.
Dahil natatandaan siya ng binabae, agad naman siyang inasikaso nito. Kinuwento na naman nito kay Niel na nasabon na naman ni Mr. Chan si Anayeli. Dahil nga sa napakatagal na namang absent ng dalaga. At kasalanan naman ni Niel kaya hindi nakapasok si Anayeli ng ganoong katagal.
Naawa tuloy siya sa dalaga. Naisip niya na mali ata siya ng diskarte na ginawa. Kung bakit kasi nagbalik pa si Anayeli sa maduming club na iyon. Pero hindi naman niya ito masisisi dahil nga kailangan nitong magbayad ng utang. Kaya naman may namuo agad sa isipan ng binata.
"Can I ask you a favor? And what is your name by the way? I forgot to ask you the last time I've been here," tanong niya sa binabae na halatang nagpapa-cute sa kanya kanina pa.
"I am Madam Gandara sir, Gardo sa umaga, Gandara sa gabi!" pabiro nitong pakilala. "Sige sir, tell me what favor do you want," malandi nitong sagot sa kanya matapos magpakilala.
"Okay Madam Gandara, I want to talk to Mr. Chan. I want to meet him, now na!" utos niya dito. "I'll pay you and give you bonus kapag nagawa mo yan. At ayoko na malalaman ni Anayeli na nandito ako at pinag-uusapan natin siya. Maliwanag?"
"Sige po sir, stand by ka lang po dito at papasok ako sa office ni Mr. Chan," mabilis nitong pagpayag sa pabor na hiningi niya. Agad siyang iniwan ni Gandara sa pwesto niya.
Akala niya ay mahaba pang pakiusapan ang gagawin niya. Buti na lang at madali palang kausap ang Gandara na iyon. In fairness maganda nga itong bakla kahit sa malapitan, at hindi ito dugyot. Halata ding may manners and right conduct. Di niya iyon napansin noong una dahil nabigla siya kay Anayeli na sideline.
Muli siyang pumuwesto sa dilim. Nakikita niya na abala si Anayeli sa may counter. Halata ang lungkot sa mukha ng dalaga. Para itong manikang de susi na ngingiti lang kapag lalapitan ng mga babaeng kasamahan para ibigay ang bayad ng mga customers. Pag nakaalis na ang mga iyon ay balik na naman ang mukha ni Anayeli na malungkot at wala man lang liwanag sa mukha.
Napapansin niya iyon, dahil alam naman niyang masayahing tao si Anayeli. Maaaring sa mga tao sa club na iyon ay normal nilang nakikita si Anayeli na pilit ang ngiti. At natatakpan ng make up nito at disco lights ang lungkot ng mukha nito. Pero kay Niel ay hindi makakaligtas ang lungkot na iyon ng dalaga kahit pa magka-agwat ang pwesto nilang dalawa. Napuna niya na palagi itong tulala habang nag-aabang ng magbabayad.
Makailang minuto ay nagbalik na si Gandara mula sa taas ng club. Sinabihan nito si Niel na pumasok na sa office ni Mr. Chan. Sinamahan pa siya ni Gandara sa second floor ng club.
Bago siya kumatok sa office ni Mr. Chan ay iniabot na niya ang promise niyang bayad at bonus kay Gandara. Walang pagsidlan ang saya at ngisi ng binabae. Tinapik pa niya ito sa balikat bago tuluyang iwan nito. Kinilig naman si Gandara dahil nga wari'y tipo si Niel kanina pa, marahil ay nagpipigil lang itong lumandi.
Pagkapasok ni Niel sa office ni Mr. Chan ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa ng pakay. Gusto na talaga niyang maialis sa lugar na yun si Anayeli.
Hindi ito nababagay doon. Ito ang babaeng sobra niyang hinangaan noong kolehiyo siya. Kaya hindi niya maatim na panoorin lamang ito na nagtatrabaho sa loob ng maduming club na iyon.
Hanggang sa naisip na naman niya ang boyfriend ni Anayeli na pinababayaan ang dalaga na masadlak sa lugar na iyon. Walang kwentang lalaki! Sabi niya sa isip habang papalapit sa table ni Mr. Chan.
"Who are you, kid? Madam Gandara said you want to talk to me regarding Anayeli," tanong ng Intsik sa kanya nang makalapit siya sa table nito.
Mukhang mabagsik ang itsura nito. Ang mukha nito ay parang kasapi sa isang grupo ng sindikato. Ang kilay nito ay makakapal na hawig sa angry bird ang pagkakatubo. Malayo ito sa itsura ng anak na si Christian.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Ex-girlfriend - Niel Alcazar (Billionaire Descendants)
RomanceWARNING: Nakakakilig! He is a tricycle driver who turned into a Billionaire. He is a romantic young man who turns into a playboy. For him, a woman is just a toy, no value, and just for pleasure. Kaya naman naghanap ang dalawa niyang kapatid ng babae...