Kinabukasan, wala pang 7:00 AM ay nasa CT mall office na si Anayeli. Ngayon ang orientation niya. Kaya kailangan ay hindi siya mahuli kahit isang minuto man lang. Excited siya na kinakabahan sa bago niyang trabaho.
Excited dahil may bago na siyang trabaho. Kinakabahan dahil hindi niya alam kung paano siya tatratuhin ni Niel bilang secretary nito. Natatakot din siya na baka gawin din ng binata sa kanya ang mga ginagawa nito sa mga dating secretary nito.
You can do it Anayeli! Aja! Positibo niyang sabi sa isip.
Mga 7:30 ng umaga ay dumating na si Ms. Mildred, ang HR General manager ng CT mall office. Sabi nito sa tawag kahapon ay ito daw ang mag-o-orient sa kanya. Maaga pa naman, kaya niyaya muna siya ni Ms. Mildred na magkape. Libre naman ang kape doon sa office na iyon kaya sige go lang. Tamang-tama wala silang agahan ni Tantan kanina. Kaya babawi na lamang siya sa kape.
Binigay niya ang bente pesos niyang labis sa pitaka kay Tantan para naman makabili ito ng pandesal o kahit anomang pangpalipas ng gutom nito. Alam niyang napakahirap mag-aral kung walang laman ang sikmura. Kaya pinaubaya na lang niya dito ang bente pesos niya. Kaya naman niyang magtiis sa tubig lang kung kinakailangan. Swerte naman na may palibre ding tinapay si Ms. Mildred. Kaya tuwang-tuwa si Anayeli sa isip niya dahil nagkalaman ang tyan niya. Hindi siya mahihilo sa gutom during her orientation.
Sakto alas otso ay sinimulan na ni Ms. Mildred ang orientation niya. Panatag siya dahil wala si Niel. Ayon kay Ms. Mildred ay sa makalawa pa ito papasok sa opisina dahil meron itong business trip sa abroad.
Iba na talaga si Niel, pa-business business trip na lang. Samantalang dati trip to Luneta park lang sila palagi sakay ng tricycle nito. Patago pa yun. Natatawa niyang balik-tanaw sa isip.
But from the bottom of her heart, she is so happy for his achievements. Even though they separate ways, there's still a silver lining to their breakup. He settled his relationship with his family. And he pursues studying to become a very successful businessman like Mr. CT and his siblings.
She vividly remembers, Niel has no plans for the future, he is very contented sa pamamasada lang ng tricycle nito noon. For him, studying is just a compulsory obligation, that's why people need to study. And she's glad Niel changed his mindset, he graduated with a degree, at sa US pa nagtapos ang lolo mo. Pati IT ay natapos din pala nito, ayon kay Ms. Mildred.
Siya itong nangangarap noon na makapag-aral abroad. Pero siya itong hindi natuloy. Napahinto pa siya noon sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Napabuntong-hininga na lang siya ng mababaw nang maisip na naman ang pag-aaral niya ng Dentistry na hindi natuloy.
Natapos ang maghapon niyang orientation na punong-puno ng bagong kaalaman. Excited na siyang i-apply sa mga susunod na araw ang natutunan niya kay Ms. Mildred.
Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya si Tantan na kumakain ng fried chicken. Nagtaka siya dahil hindi naman aabot ang bente pesos nito sa friend chicken. At may nakalarang pang grocery sa harapan nito. Kaya napakunot siya lalo ng noo.
"Tristan, saan galing yang mga pagkain at grocery? May namigay ba ng relief goods, ang galante nila ha, ang dami," pagtataka niya habang hinahagod ng tingin ang mga iyon sa ibabaw ng mesa.
"May dalawa pong babae na nagpunta dito kanina Ate. May kasama po silang driver. Ang gaganda po nila at ang babait. Pinapasok ko po sila dahil sabi nila kaibigan nyo daw sila," excited na kwento ni Tantan kahit na puno ng manok ang bibig.
"Ano daw pangalan nila?"
"Umm, sa pagkakaalala ko po Cora at Teng, tapos yung driver Rufos daw ang pangalan. Binigyan pa nga po nila ako ng pambaon sa eskwela, good for 1 month daw po yun."
BINABASA MO ANG
Billionaire's Ex-girlfriend - Niel Alcazar (Billionaire Descendants)
RomanceWARNING: Nakakakilig! He is a tricycle driver who turned into a Billionaire. He is a romantic young man who turns into a playboy. For him, a woman is just a toy, no value, and just for pleasure. Kaya naman naghanap ang dalawa niyang kapatid ng babae...