Mag iisang araw na pero hindi pa rin ako pinapansin ni elly kahit na magkaklase kami. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si elly dahil iniiwasan niya ako.
Alam kong mali ako pero hindi ko talaga kaya na basta nalang kalimutan si raiden.
"Sorry na," malambing kong sabi kay elly. Alam kong hindi ako matitiis ni elly dahil tuwing nagaaway kami isang araw niya lang ako hindi papansinin.
Umupo ako sa tabi niya pero hindi niya ako tinapunan ng tingin.
Alam kong nagtatampo siya sakin kasi ilang beses niya ako pinagsasabihan na wag ng lapitan si raiden pero matigas ulo ko.
"Mindy, lagi kitang pinagsasabihan pero ang tigas ng ulo mo pinapaalalahanan lang kita kaya gusto kong iwasan mo si raiden dahil masasaktan ka lang alam mo naman na may iba siyang gusto diba? Ayoko lang na nakikita kang umiiyak ng dahil sa kanya." sabi ni elly sakin.
"Sorry." sabi ko nalang dahil hindi ko alam sasabihin ko.
Napabuntunghininga nalang siya.
"Hay nako, ang tigas talaga ng ulo mo alam kong hindi ka makikinig sakin pero kahit hindi ka nakikinig sakin nandito lang ako sa tabi mo lagi." ang sweet talaga ng bestfriend ko.
"Bati na tayo?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Alam mo naman na hindi kita matitiis."
"I'm sorry." ulit ko.
"Wala ka naman ako magagawa kung mahal mo si raiden pero sana kung alam mo nang masakit na tumigil kana." muling sabi niya.
"Tara na nga punta tayong canteen gutom na ako." sabi ko sa kanya kaya nagpunta na kami sa canteen.
Pero bago kami makapunta sa canteen biglang nagring cellphone ko.
*kring*kring*
Agad kong tinignan kung sino ang tumawag sa akin si mommy pala.
Nag paalam muna ako kay elly na sasagutin ko muna ang tawag at lumayo sa kanya konti.
[MINDY! ANO NANAMAN UNG NALAMAN KO NA NALATE KA KAHAPON! HINDI KA NAKAPASOK SA FIRST SUBJECT MO?]
"Yes mom kahapon, bakit?
[MY GOD! PINAGARAL KITA PARA HINDI MALATE]
" I see mom.kasi--"
[PABIGAT KA TALAGA SA PAMILYANG ITO! HINDI MO GAYAHIN ANG KAPATID MO! PURO SAKIT LANG NG ULO ANG DALA MO WALA KANG KWENTA!]
Mom, alam mo muntik na ako mabangga kahapon pero hindi na kita tinawagan dahil alam kong pagod ka. Mahina kong bulong sa cellphone ko, how i wish naririnig niya ako pero hindi tunog lang ng pagbaba ng tawag ang narining ko.
*toot toot toot"*
She hates me....
With that though, tumulo ang luha ko pero agad ko itong pinunasan.
I wanted to cry pero biglang sumulpot sa harap ko si raiden.
"Are you okay?" tanong niya.
I wanted to nod but i can't.
Tumingin ako sa likod ko kung nasaan si elly pero tinignan niya lang ako at tinanguan sabay iwan sa akin.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin palabas sa school. Hindi ko na tinanong kung saan niya ako dadalhin.
After 5 minutes dinala niya ako sa park. Malapit lang naman ang park sa school kaya madaling puntahan.
Umupo ako sa swing kaya sumunod siya sa akin.
"Ano problema? Pwede mo sabihin sakin."Tanong ni raiden.
Tumingin ako sa kanya na may malungkot na expression.
First time niya ako kinausap ng ganto ung walang bahid na pagsusungit.
Nagulat siya ng yakapin ko siya at tahimik akong umiiyak habang hinahagod niya ang likod ko.Kumalas ako ng yakap sa kanya at pinunasan ang luhang natira sa mukha ko.
"Si mommy at daddy ayaw nila sa akin."
"Pabigat dw ako sa kanila bakit daw hindi ko gayahin ang kapatid ko." nagulat siya sa sinabi ko pero nanatili lang siyang tahimik."
"They care about my grade more than me, eh kahit nga masagasaan ako wala silang pake basta ang mahalaga sa kanila ang grades ko hindi nila ugaling pakinggan ang explanation ko hindi tulad sa kapatid ko na pinageexplain pag may nagawang kasalanan hindi nila ugaling makipag bonding sa akin hindi tulad sa kapatid ko lagi nila kasama at binibili lahat ng gusto niya samantalang ako pinaghihirapan ko ang mga bagay na gusto ko." umiiyak na sabi ko.
" Sana hindi nalang nila ako pinanganak kung hindi rin nila ako kayang mahalin tulad ng kapatid ko. Bakit ba lagi nalang nila ako kinukumpara sa kapatid ko." muling sabi ko.
Tahimik pa rin siyang nakatingin sa akin na tila bang nagiisip kung ano ang sasabihin.
" Mahal ka nila siguro hindi lang nila kayang ipakita sayo." sabi ni raiden.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya ang alam ko lang ngayon ay nailabas ko ang hinanakit sa puso ko.
"Maraming salamat dahil nandito ka sa tabi ko kahit papaano masaya ako na nakasama ka." sabi ko kay raiden.
Tinignan niya lang ako at tumango.
Bigla kong naisip na may klase pa pala at malapit na kaming malate terror teacher pa naman next teacher.
Agad ko siyang inaya na bumalik na sa school.
Gusto ko man siya kasama ng matagal pero alam kong hindi niya naman ako kakausapin ng matino alam ko rin kaya niya lang ako kinakausap ngayon dahil may problema ako.
Hindi na din ako nagbangit tungkol sa kapatid ko dahil alam kong magagalit siya sakin pag nagsalita ako ng hindi maganda tungkol kay frey.
______________________________________
No softcopies
©SweetcandytotAll rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
BINABASA MO ANG
Until The End
De Todo(On going) "Sometimes, they never wanted to hurt you. They just didn't care at all." Mahal mo ako, ngunit isa itong kasinungalingan hindi ba? Itinapon mo akong parang basura,. Sinabi mo na mahal mo ako at minahal mo ako, ngunit hindi mo nagawa. P...