Chapter 2

5 1 0
                                    

Nandito kami ngayon ni elly sa canteen habang pasimple akong sumusulyap sa lugar kung nasaan raiden na mag isa lang na nakaupo sa isang sulok.

Bakit kaya hindi niya kasama ang kapatid ko? Tanong sa isip ko. Hindi ko nalang pinansin.

Napansin ko din na hindi pa siya kumakain kase isang bote lang ng tubig ang nasa mesa niya.

Nagpaalam ako saglit kay elly na lalapitan ko si raiden alam kong hindi niya ako papaalisin pero nagpumilit ako na gusto kong lapitan si raiden wala naman siyang nagawa.

Lumapit ako kay raiden dala ang lunchbox ko.

"Raiden, sana tanggapin mo." nakayuko kong sabi dahi nahihiya ako sa kanya habang inilalapag ko sa mesa ang lunchbox na may laman na pagkain niluto ko iyon para sa kanya.

Tinitigan niya lang ang lunchbox na nilagay ko sa mesa. Alam kong maraming nakatingin sa amin at
Hinihintay kung anong gagawin ni raiden.

"Umupo ka sa tabi ko." malamig niyang sabi sakin.

Nagulat akong napatingin sa kanya. Tinitigan niya lang ako na parang sinasabi sa titig niya na sundin ko siya.

Sinunod ko nalan siya. Nagulat talaga ako dahil first time ko lang siya makasabay kumain dito sa canteen.

"Eat." malamig niyang sabi sakin.

"Pero niluto ko yan para sayo." nakayuko kong sabi sa kanya dahil nahihiya ako.

"Eat." muli niyang sabi.

Wala na akong nagawa kundi kainin ang niluto ko na dapat para sa kanya. Kinikilig ako sa kanya dahil kaharap ko lang siya habang kumakain.

Masaya ako kahit papaano dahil sa ganap namin ngayon pero alam ko sa sayang nararamdaman ko may katumbas itong masakit na kapalit.

"Stop chasing me and stop loving me dahil kahit kelan hindi kita magugustohan."

Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya pinigilan kong umiyak sa harap niya dahil ayokong makita niya akong umiiyak.

Tinitigan niya lang ako hindi ko mabasa kung ano iniisip niya dahil mahirap itong basahin.

" Alam ko. " nakangiti kong tugon pero deep inside nasasaktan ako.

Alam kong hindi niya ako magugustohan dahil ang kapatid ko ang gusto niya simula bata pa kami.

"Ok lang sakin na hindi mo ako gusto hindi ko naman pinipilit na gustohin mo ako." nakangiti ko paring sabi.

"Damn it!hindi ka ba makaintindi? Stop loving me!you're so stupid." galit niyang sabi at tumayo na naiwan ako mag isa.

Linapitan ako ni elly.

"Ano nanaman sinabi sayo nung raiden na yun?." tanong ni elly.

"Ang tanga ko sobra." bulong ko alam kong narinig ako ni elly.

"Buti alam mo, tapos hindi mo pa rin siya titigilan?."

"Ang tanga ko kung ititigil ko ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi ko kaya. Kapag tinigil ko ang pagmamahal sa kanya parang itinigil ko na rin ang paghinga ko. I really can't stop loving him sorry." nakayuko kong sabi.

"Akala ko nagising kana sa katotohanan na hindi ka niya gusto! Fine edi cge mahalin mo yung taong walang pake sayo kahit nasasaktan kana!." irita niya sabi at iniwan ako.

Kahit anong gawin ni raiden kahit ipahiya niya ako hindi pa rin ako titigil na mahalin siya, saktan man niya ako ng paulit-ulit kahit itaboy niya ako ng paulit-ulit hindi pa rin ako titigil dahi mahal ko siya.

Pipilitin kong maging matatag sa harap niya kahit na lagi niya nalang ako sinasabihan ng masasakit na salita.

______________________________________

Sorry po kung mabagal ako mag update. Keep safe po sa inyo❤️😘

No softcopies
©Sweetcandytot

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon