PROLOGUE

53 10 21
                                    


ARABELLA.

Nandito ako ngayon sa 2nd floor ng JHS Building ng school namin. Dito kasi 'yung room namin naka-locate. Kakalabas ko lang din ng room since kakatapos lang ng 4th Subject namin.

Lunch time na namin at papunta na 'ko sa Canteen and kasama ko si Seya and Clark.

"Tara punta tayo sa may seaside mamaya! Nuod tayo sunset!" excited na sabi ni Seya.

"AYUN! May nag-aya din ng gala. G ako!!" Sagot naman ni Clark.


"Ikaw babaita! Sasama ka ah. 'Di pwedeng hindi. Tatlo na nga lang tayo e." sabay turo sa 'kin ni Seya.

Looks like wala akong takas and talagang sasama ako sa kanila. Anyways, ayos lang naman siguro mukha namang wala kaming quizzes bukas. I plan to study kasi pag-uwi ko ng bahay pero it's been a while nadin naman since umalis kami nina Clark.

"K fine. As if I have a choice." Nag-kibit balikat nalang ako at nauna sa paglalakad sa Canteen.

Pagkarating namin sa Canteen dumiretso muna kami sa table na usually inuupuan namin.

Umupo na 'ko at nag-volunteer naman si Clark at Seya na sila nalang daw oorder. Papasabay nalang ako ng order ko.


"Ano order mo, Ara?" tanong ni Clark sa 'kin.

"Order mo 'ko jowa." Pagbibiro ko.


"Mama mo order ng jowa."


"HAHAHAHAHAHA SUMBONG KITA KAY MAMA!" sabi ko.

"Luh, joke lang. Tita sorry po." akala mo naman maririnig ng nanay ko 'yan. Tss.

"Hahahahaha. Order mo 'ko ng Tapsilog then coke 'yung drinks." inabot-an ko siya ng 150 pesos as my payment. "Bigay mo sa 'kin 'yung sukli ah. Tatadyakan kita." Pahabol kong sabi.

"Gawa." Sabi ni Clark sabay tawa at umalis na kasama ni Seya.

"Tch." Bulong ko nalang sa sarili.

Nakita ko na medyo mahaba ang pila sa bilihan ng pagkain kaya nag-phone muna ako.

In-on ko data ko and nag scroll lang sa twitter pero biglang nag-notif ang messenger ko. Chineck ko 'yun and found out na minessage ako ni Matt.

Matt: Where are you?

Nag-reply naman ako.

Me: nasa canteen kasama si Seya at Clark.

Matt: puntahan kita.

Sineen ko nalang at 'di ko na ni-reply-an.

Nag-scroll nalang uli ako sa social media.

Wala pang 5 mins ay nakita ko na agad si Matt papunta dito kasama tropa niya na si Kenzo at Coby.

Tumayo ako at kinawayan sila. Agad nila naman akong natanaw.

"Hi Bella!!" Bati ni Kenzo sa 'kin.

"Shut the fuck up, Kenzo. Ako lang pwede tumawag ng Bella sa kaniya." Pagsusungit ni Matt. Natawa naman ako.


"Sungit neto. OA ah. BESTFRIEND lang naman. Pagmamay-ari mo?" Pang-aasar ni Kenzo. Mas lalo naman sumimangot si Matt.

AllureWhere stories live. Discover now