"tay, ano ba 'yan? malapit na birthday ko oh, tinatanong na ako ng mga mga kaibigan ko kung may party ba, at ang sabi ko meron. Meron akong 16 birthday party." 'pagmamaktol ko sakanya.
"anak pasensya ka na ha, wala ka sing pera ang tatay kaya pwede bang sa susunod na lang? pwede mo naman sabihin sa mga kaibigan mo na wala kang party anak eh." sabi ng tatay ko na nakangiti sa'kin.
"aba, nakakahiya naman kung babawiin ko sa mga kaibigan ko 'yun ah. gawan mo paraan 'yun. kailangan may party ako." pagdadabog ko.
Tanging pagaalangan lang ang nakita ko sa mga mata niya. wala akong pake basta gusto ko ng party sa birthday ko.
"Osige anak, gagawan ni papa ng paraan ha." sabi niya habang nag-iisip kung anong gagawin niya. Tumalikod na ako mula sa kanya. inisnob ko lang siya.
Sakto naman tumawag si Jenny sa'kin---ang mama ng boyfriend ko.
"Ice, si Timothy!" pasigaw na sabi ni tita, nag-crack pa ang boses niya. Ano kayang nangyare kay Tim?
"tita baket po? ano pong nang-yare kay Tim?" nagaalangan kong tanong ngunit bigla na lamang niyang pinatay ang call.
Kinakabahan ako, mukhang may nang-yareng hindi maganda sa boyfriend ko, kaya dali dali ako
Nakita ko naman agad na nag-text si tita kaya agad kong tinignan ang messages niya at mangiyak ngiyak ako.
From: Tita.
SU Hospital, Ice.
Nangatog bigla tuhod ko. Paalis na sana ako kaso tinanong ako ni tatay.
"Anak sa'n ka pupunta?" tanong niya.
"Pupunta sa boyfriend ko, baket?" inis kong tanong.
"Mag-iingat ka." paalala niya. Pero hindi ko na siya kinibo pa at tumakbo na palabas ng bahay dahil sobrang nagaalala na ako para sa boyfriend ko.
--
Nakarating na ako sa hospital kung saan nando'n ang boyfriend ko, mabilis kong tinanong ang room niya at agad naman ito sinabi ng nurse kaya napoatakbo na ako dahil gusto ko na siyang makita, at makausap.
Kumatok muna ako sa pintuan ng room niya tsaka na ako pumasok. Nakita ko agad ang boyfriend ko nakahilata sa hospital bed.
I asked his mom kung anong nang-yare, in-explain niya and kailangan daw ni Tim ng Heart Transplant.
nangatog ang mga binti ko nung narinig ko 'yun. Iniwan ko muna yung mom niya at pinuntahan ko siya. Niyakap ko siya at sabi ko, mag-dasal lang siya at makakahanap 'rin siya ng mag-donor sakanya. Medyo mahirap 'yon. Umiiyak na ako habang hawak ko kamay niya.
"h'wag kang umiyak, ikaw lang lakas ko taposiiyak ka pa, bakamang-hina ako niyan tapos hindi ako makarating sa birthday mo." he laughed.
"hindi magandang biro 'yan, Tim." I said.
"Sorry, ayaw kolang mag-alala ka eh. " nag-aalalang sabi niya.
"Eh ngayon pa lang nagaalala na ako eh." I said, sadly.
--
Lumipas ang isang oras ng pag-kwentuhan na'min. Kaya nagpaalam ako na pupunta muna sa bahay at kukuha ng gamit para ako magbabantay sakanya mamayang gabi, para 'rin makapag pahinga si tita.
--
Nasa bahay na ako, nakita ko tatay ko nag-kakape, 'di ba siya gagawa ng paraan para makakuha ng pera pam-paparty ko next week, tss.
YOU ARE READING
One Shot Stories
Short StoryHi, hello. enjoy reading. THIS IS A COMPILATION OF SHORT STORIES THAT I MADE.