Tinext ko girlfriend ko para mag-kita kami sa park na favorite na'ming pinupuntahan tuwing mag-d'date kami, It'treat ko kasi siya, nag-text kasi siya sa'kin kanina, gutom daw siya kaya sabi ko labas nalang kami at ayun pumayag naman siya.
Paalis na ako ng bahay para sunduin si Awi sa bahay nila kaso bigla siyang nag-text na h'wag ko na 'raw siyang sunduin, hindi sana ako papayag kaso nagpumilit siya kaya dumiretso na ako sa park, kung sa'n kami magkikita.
Nakarating na ako sa park kung nasa'n kami lagi tumatambay at magkasama nakaupo na ako sa favorite spot na'min dito at hinihintay ko na lamang siya. Dapat kasi sinundo ko na siya.
Nakita ko na siya na paparating kaya napangiti ako, ang ganda ganda talaga ng girfriend ko, hindi ko naisip ipagpalit o lokohin 'to dahil hindi siya worth it makaramdam ng sakit. Hindi siya worth it para saktan at ipagpalit lang sa iba.
Nakangiti siyang palapit sa'kin ako naman tumayo, akmang yayakapin ko siya kaso biglang mayr'ong dumating na isang lalaki at biglang hinigit ang bewang niya kaya napaharap si Awi sakanya, hinalikan ng lalaki si Awi, nagiinit ako gusto kong manapak. Sino siya para halikan sa noo ang girlfriend ko?!
"Hi, babe." Nakangiting sambit ng gagong 'to. teka? BABE?! SERYOSO BA SIYA?! GIRLFRIEND KO ANG TINATAWAG NIYANG BABE?! HINDI NIYA BA ALAM NA MAY BOYFRIEND NA SI AWI AT AKO 'YON? NAGDIDILIM PANINGIN KO DITO SA LALAKING 'TO.
"Hello, babe." Malambing na tugon ng girlfriend ko. teka? fvck! Napatingin sa'kin ang lalaki.
"Babe? Sino siya?" sabayy tingin nilang pareho sa'kin.
"Babe, kaibigan ko po siya." Nakangiting sabi ni Awi sa lalaking 'yon. KAIBIGAN AWI? BOYFRIEND MO'KO. Gusto kong sumigaw sa harap nila at pagsusuntukin 'yung gagong lalaki na 'yun pero nanahimik ako, hinayaan ko lang na sa harap ko sila mag-usap, hindi ako gumalaw tinitignan ko lamang sila.
"Uy pre." nakangiting sabi ng lalaki sa'kin, saka pa nakikipag-kamay. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin at ngumiti ako ng pilit saka nakipag-kamay sakan'ya. "Pre, alagaan mo si Awi ha, h'wag mong pababayaan." Pilit ngiti kong tawag sakanya.
"Oo naman pre. Mahal na mahal ko 'to eh." Saka niya hinalikan ang noo ni Awi sa harap ko. Fvck! Ang sakit. Ba't gano'n. Tinignan ko si Awi, hindi niya ako matignan sa mata ko.
"Sige pre, una na ako. Bye, Awi. Pre ingatan mo ah, bubugbugin kita 'pag sinaktan mo 'yan. Sana maging masaya kayo." Isang pilit na ngiti nanaman ang pinasilay ng aking mga labi sa harap nilang dalawa.
Wala naman akong magagawa kun'di magpaubaya na lamag, siguro mas masaya siya 'don. Kase kung mahal niya ako hindi niya ako lolokohin.
"Awi, mahal na mahal kita, Sana maging masaya ka." Bulong ko sa hangin.
Sana, maging masaya ka.
YOU ARE READING
One Shot Stories
Krótkie OpowiadaniaHi, hello. enjoy reading. THIS IS A COMPILATION OF SHORT STORIES THAT I MADE.