PLANET: Earth
YEAR: 3031
Hospital in Quezon City, Philippines
"SIGURADO ka bang hindi sasablay iyong mga kinuha mo?" I asked Iris.
She rolled her eyes at me. Iris has a faint scar on her right ear which resulted from her chaotic behavior years before, siya kasi ang pinaka-warfreak sa aming organisasyon. She also has a narrow face just like Acacia's, ang pinagkaiba lang ay she has long, thick, black hair and she wears a vivid lipstick all the time.
"They're desperate enough to accept my offer. Don't worry, malapit na iyon," she assured me.
At exactly 5:30 in the morning, uuwi sa Quezon City sina Juan Galang at Cardo Vergara. Galing sila sa isang meeting sa China. And at exactly 6:16, the game will start. Nandito kami sa isang ospital sa Quezon City na kung saan ay nakabihis ako bilang isang doctor at si Iris ay nurse naman. Naghihintay kami sa dalawang target. I looked at the clock and it's already 6:15. Isang minuto nalang ang natitira.
"Code blue!" Narinig naming sigaw ng isang residente. "Gumising kayo, may nangyaring aksidente doon sa isang malapit na intersection. We need immediate assistance, kung sino ang free, proceed na kayo doon." Ginising niya ang ibang nurse na natutulog at nagtungo na kami ni Iris sa emergency room. Dinala namin ang mga kakailanganin na apparatus. Nang makarating na kami ay agad naming hinanap sina Juan Galang at Cardo Vergara.
Una naming nahanap si Galang at may nag-aasikaso na sa kanya na nurse.
"Kami na dito. What's the situation?" Tanong ko.
Tumingin ito sa akin na parang nagtataka.
"Akala ko po si Doktora Alvarez ang pupunta," anito.
"Importante pa ba iyan? I asked you what the situation is," I said.
Nanatili parin syang tahimik habang tinitingnan ng maigi ang aking mukha.
"Bilisan mong magsalita, marami pa tayong mga pasyente!" Sigaw ni Iris.
"Ay, um . . . Sorry po Dok. There's a sudden and severe drop in blood pressure po," the nurse said.
"Okay, kami na dito, asikasuhin mo ang ibang pasyente."
"Pero-"
"Just fucking go," kalmadong sabi ni Iris.
Nang makaalis sya, we immediately close the cubicle curtain and prepared the syringe kung saan ilalagay ang potassium chloride. When this enters the body, the heart cannot take it and it will cause cardiac arrest and death within a minute of injection. After preparing the syringe, we injected it into his veins.
Aalis na sana kami nang may tumawag kay Iris. Sinagot niya ang tawag at tumango siya. Pagkatapos ay binaba niya ito.
"Nandito ang NBI," sabi niya.
I raised my eyebrow. Bakit nandito sila? It's just a normal accident. They're surprisingly early, yung nearest police station at officers lang ang dapat nandito.
Tumango lamang ako. Sinimulan na naming hanapin si Vergara at nang mahanap namin siya, may mga nurses at Doktor na ang nag-aasikaso sa kanya. We looked at each other and nodded. Pumunta roon si Iris and she used an electric shock device para mapatumba ang mga nag-aasikaso kay Vergara. Lumapit ako doon and I prepared the syringe.
"I'll be at the parking lot, bilisan mo dyan." She used a hospital bed at pinatong ang mga katawan ng mga nurses at Doktor doon and she covered it with cloth. She needs to move those bodies into another room.
After the preparation, I injected the potassium chloride into Vergara's veins. At nang matapos ako, tinaggal ko ang wig na suot ko at kinuha ang mga gamit at nagmamadaling pumunta sa parking lot. The hospital hall was crowded with people. Yumuko ako at nagmamadaling maglakad, ngunit may nabangga ako at nabitawan ko ang mga gamit na hawak ko. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling pulutin ang mga ito.
"Pasensya, Dok," sabi ng isang baritonong boses.
I looked at him and a pair of stern hazel eyes greeted me. He has thick eyebrows, perfect lips, and a softly shaped jaw.
Tumango lamang ako. Pagkatapos kong pulutin ang mga gamit, nagmamadali na akong pumunta sa parking lot. Sumakay ako sa wrangler kung saan naghihintay sa akin si Iris. Pumunta muna kami sa isang malapit na dump site at sinunog ang mga gamit na ginamit namin kanina. Habang sinusunog ang mga ito, I called Mistress Emilia.
"Completa," sabi ko.
"Buena."
-END OF CHAPTER 2-
Completa – Complete
Buena – Good

BINABASA MO ANG
Toxic
Action"No mercy." - Mistress Emilia Toxic Organization- from the word toxic, this organization is indeed a venomous one. Young girls were trained to fight, steal, kill, and survive. Mistress Emilia, the leader of this organization is a 90's villainess...