02

30 2 13
                                    


I am now walking towards my car. Naging mabilis lang ang araw na 'to kasi wala naman masyadong ganap. Habang nag lalakad ako, hawak ko parin yung bote ng tubig kahit wala na itong laman.

"Mag iingat daw ako" i whispered to myself then i giggled. Nakakakilig kahit masungit.

I was about to go inside my car when my phone vibrated. Nag chat pala si Bea sa group chat namin.

Bea-uty:
Hoy tara!

Poleng:
Utang na loob Bea, first day na first day oh. Pero saan tayo iinom?

Bea-uty:
Sasabihin ko sana mag mall tayo pero sige nomnom nalang.

Me:
Hey! bawal ako. susunduin ko si Ocean.

Selene-a Gomez:
wag na inom. overnight nalang kila Txu.

PauPau:
g!

Me:
huh? bakit samin?

Bea:
teh wala kang magagawa, desisyon kami. see u!

Me: argh fine! dala kayo foods ah

After that, I called my mom para ipaalam na mag o-overnight kami sa bahay.

[yes? what is it] mom asked through the phone. No hi? no hello? i sighed before answering her.

"Uh mom, sa bahay matutulog sila Bea tonight. Uuwi ba kayo mamaya? Magluluto ako" i asked her. Para naman pag uwi nila may kakainin sila.

[Yeah, okay lang na sa bahay sila matulog tonight. No, di ako makakauwi ngayong gabi. Pati na rin daddy niyo.] she responded.

"Ah sige. uh mom about Ocean-"

[I need to go, Nami. Loveyou!] she said bago ako babaan.

I smiled. Okay lang 'yon. Busy lang siguro siya. I hope na makakain sila on time ni dad.
Pumasok na ako sa kotse ko at nag drive paalis papunta sa school nila Ocean. While driving, I called Ocean dahil malapit na ako sa school niya.

"Yes, baby. yup. malapit na ako." i said

"Ate! wag ka nga gagamit ng phone pag nag d-drive!" he said bago ako babaan. Aba! may pinag manahan ah.

I drove faster para makarating agad sa school nila. Nang makarating ako, nandoon na siya sa gate ng school nila. May kausap siyang babae na siguro classmate niya? mas maliit lang nang kaunti sa kanya yung babae. When Ocean saw my car, he said goodbye to the girl and ran towards the car.

"Who is she? girlfriend mo?" I asked him when he got in to the car.

"No! she's my... friend." He said before looking outside the car, hiding his smile.

"Crush mo siya? c'mon Ocean! tell me! I'm your ate!" i asked him again.

"No, ate! I'm too young for that!" he responded. i nodded at him while still smiling.

"Okay, sabi mo eh" I said before driving again. Kawawa naman si baby girl, na friend-zoned. May kuya kaya siya?

We had a conversation while I'm still driving pauwi sa bahay. Wala naman daw siyang assignment ngayon dahil first day palang. At kung meron man, nagawa niya na daw agad 'yon. Yabang ah.

Nang makarating kami sa bahay, pinababa ko na ng kotse si Ocean kasi ipa-park ko pa 'to. Nakita kong may naka park na din doon na dalawang kotse kaya sure ako na nandito na yung mga bruha.

Nang makapasok ako sa bahay, nakita ko agad sila Bea. Nasa sala sila habang nanonood ng movie sa tv. Nakahiga sila Paula at Pauleen sa sahig, si Selene naman nakaupo lang sa sofa. Samantalang si Bea ay nakahilata sa sofa habang naka kandong sa kanya si Ocean.

NardaWhere stories live. Discover now