Kabanata 4

1 0 0
                                    

Napayuko ako ng napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga kapwa estudiyante habang naglalakad ako papuntang Almuni Hall.

"Siya iyan. Kilala yan dito sa University dahil may shares sila dito sa campus."

"Grabe naman. Parang di naman kapani-paniwala yung nangyari."

"Kapwa din pala ang gusto? Sayang crush ko pa naman."

"Pare, ligawan ko kaya? Cute naman eh."

"Shh... Hinaan mo lang boses mo baka marinig ka. Mabait yan pero nakakatakot kung magalit."

Rinig kong bulong-bulungan ng mga ito. Bulong pa ba yan? Eh, rinig na rinig ko baka naman gusto nilang bigyan ko pa sila ng mic? Binilisan ko na lamang ang lakad ko.

Mabuti nalang at nandoon na ang partner ko sa isang project. Kailangan ko lang naman ibigay ang parte ko para siya na ang magfa-finalize nito.

Tinungo ko ang kinauupan niya at kinulbit ito. Napatingin din naman siya sakin at ngumiti.

"Zen."

"Rose, ito na yung kalahati ng project natin. Mabuti nalang at natapos ko ito kagabi." Napakamot ako sa aking ulo ng maalala ko ang ginawa kong pagmamadali para lang matapos ito.

"Haha. Mabuti naman. Sige kukunin ko na to para matapos ko na ito bago ang deadline. I'll message you kapag may hindi ako naintihan sa ginawa mo." Sabi niya habang kinukuha ang folder sa akin.

"Sige. Una na ako. May gagawin pa kasi akong importante, Rose." Tumango siya at doon na ako umalis. I texted Mang Kanor kung nandito na siya and he said yes kaya lakad takbo ang ginawa ko papuntang field.

Malapit na ako sa sasakyan namin ng nakasalubong ko si Ray. Nakakunot ang noo niya. Oh boy, I know what's going to happen next kaya bago pa niya maibuka ang bibig niya tinakpan ko ito sa abot ng makakaya ko. The struggles when you are small.

"Sa sasakyan tayo tutal pauwi ka na lang din naman. Tapos ka na sa practice niyo diba?" Pilit na ngiti ko dito. Nakuha niya din ang gusto kong iparating.

"Oo, kakatapos lang ng practice namin sa swimming. Let's go."

Pawis na pawis ako pagkapasok namin sa sasakyan.

"Care to explain what's happening?"

"He-he. Ano ba ibig mong sabihin? Yung scandal ba na lumabas ngayon? Ah, kilala ko yung babae eh kasama--" Naputol ang pagpapalusot ko ng makita ko ang nangangalaiti niyang ekspresyon.

"He-hehe."

"Zen, you know that's not the answer and explanation that I want to hear. Now, spill it."

"Te-teka. Wag dito. I'll explain sa bahay, okay?" Uwing-uwi na ako nami-miss ko na ang higaan ko.

"Fine. Dideretso ako mamaya sa inyo." Ma-awtoridad niyang sabi bago bumaba ng sasakyan.

"Mang Kanor, alis na po tayo." Pinaandar na nito ang sasakyan. Naramdaman ko na nagva-vibrate ng sunod sunod ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa aking bag. I opened my facebook account and sabog ang notification ko.

Halos lahat ng mga kakilala ko sa campus ay tina-tag ako. I clicked one of the notif. and dineretso ako non sa isang private page ng University kung saan ang mga estudiyante lang ang mga members doon kaya most of the post here are rants about the Professors and kung ano-ano pa.

Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. People will post some false issues and paniniwalaan iyon ng halos lahat. Tama nga ang duda ko dahil ako ang Hot Topic ng page na ito ngayon. I immediately turned off my phone. Ayoko munang basahin ang mga sinasabi nila it'll give me negative thoughts.

The Choice (Machiavelli #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon