Kabanata 2

5 0 0
                                    

Finally! Nakauwi na din ako. Next time I will do everything para lang matanggihan ang alok ni Ray na samahan siyang mag-mall. Sobra pa siya sa babae kung makapag shopping.

Pagkapasok ko ng bahay I saw Kuya Ozin watching sports news. Napabaling ang tingin niya sakin.

"Bakit ngayon ka lang, bunso? Saan ka nagpunta? Alam ba nina Mom and Dad na na-late ka ng uwi? You know you still have your curfew right? Good thing may inasikaso sila ngayon sa kompanya. Kumain ka na ba?"

I just jokingly rolled my eyes at him. "Mall with Ray. Yes, I texted them earlier and yes I know and yes kumain na ako ng dinner, Kuya." I really hate and love this side of him. Sobra pa kina Mom kung makapag tanong. I kissed his cheeks bago umakyat sa taas papunta sa kwarto ko.

I didn't realize na sumunod pala siya sakin. "You're with Ray, again? Kahit kailan talaga bad influence yang kaibigan mo. Kapag nagpasama ulit sayo iyon tumanggi ka na, ha?" He shaked his head in disappointment.

"He's my kababata, kuya. Parang di mo naman kilala ang best friend ko. Kung tutuusin kayo pa nga ang close noon ewan ko nalang ano nangyari sa inyo. Why did you become so distant with each other ba, kuya?" I ask in curiosity.

"We didn't! Ahm ano--it's just that marami na kaming nakilala na mga bagong kaibigan as time passed by and we have misunderstanding sa--hey, I'm the one who's asking! Whatever, basta next time umuwi ka ng mas maaga, okay?" And with that lumabas na siya ng kwarto ko. He really avoids chitchat when the topic is my best friend. Linapag ko muna ang mga gamit ko bago pumunta ng bathroom para maglinis ng katawan.

Nakahiga na ako sa kama ng napaisip ako sa nakita ko kanina noong nasa shop kami na pinuntahan namin ni Ray. I saw them, Static Craig Villarreal and the unknown girl. Nagbabasa ng libro sa 2nd floor ng shop. Magakatabi sila pero hindi ko naaninag ng maayos ang mukha ng babae dahil hinila ako ni Ray papunta sa kung saan.

I rarely saw him hanging out with someone lalo na kung babae kaya na-curious ako kung sino ang kasama niya. Noong nakita ko siya sa may mural ng field mag-isa lang siyang nagbabasa.

He's really aloof kaya madaming intimidated sa kanya. He's also not from a rich family and nakapasok siya sa University na pinapasukan namin through Scholarhip. A lot of our professor's praised him for his intelligence kaya minsan I can't help but to admire him.

Someday, I'll have the courage to approach and talk to him.


The Choice (Machiavelli #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon