Kabanata 16

8K 129 23
                                    

I can feel the stickiness of my body. I can even feel it on my face. The kitchen is messy and there are lots of flour on the marble table. Some water spilled on the table making it more messy and looks dirty.

I sighed heavily and removed some flour on my hands. Pinagpag ko iyon at mabilis na hinubad ang aking apron. Kahit na may suot na apron, hindi pa rin noon naprotektahan ang suot kong damit.

"Damn it. May nakadikit pa," I murmured. "Ihatid niyo na lang sa school 'yang mga 'yan pag maayos na. Kaunti na lang ang natitira sa school kaya don't be late," bilin ko sa tatlong cook na pinadala ni Papa.

Tumango ang mga ito. Iniwan ko sila roon at umakyat sa aking silid upang magpalit. I just went home to guide the cooks. Paubos na kasi ang tinda namin sa school at marami pang customers. The students are really fond to pizza.

I wore a pink sweetheart top. I partnered it with my boyfriend jeans. I combed my hair using my fingers before I went out. Mag-iisang oras na ako at hindi rin ako nakapagpaalam kay Fear. My white stilettos is the only noise I heard as I went out.

"Pakibilisan na lang po, Kuya. Ihatid mo rin po sila Ate sa school mamaya, ihahatid nila ang pizza," sambit ko sa driver nang makapasok na sa loob ng sasakyan.

Tumango lamang ito sa aking utos at tahimik na nagmaneho. Hinalungkat ko kaagad ang aking telepono sa loob ng aking bag nang maalala si Fear. For sure he's looking for me since halos isa't kalahating oras na akong wala sa school.

Babe:
Where are you?

You went home for the pizza?

It's more than an hour, should I fetch you?

I smiled upon reading his texts. I can feel the tingling feeling on my stomach. His simpe texts always gives me different kinds of emotions. Tanging siya lang ang nakakagawa noon. Wala nang iba.

I wonder if I'll meet someone like him. Iyong taong ipaparamdam sa akin ang ganitong kasiyahan? He always fill the gap I have inside me. Hindi ko na makuhang humiling pa ng kung ano sa panginoon. He makes me feel contented.

Ara:
Papunta na ako there. Just wait for me.

Huminga ako nang malalim at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan nang huminto ito sa tapat ng school. Halos wala akong makitang mga students doon, siguro ay abala sa programme o booths.

"Ingat po kayo, Kuya!" bilin ko sa driver.

Diretso ang lakad ko patungo sa loob ng school. I smiled at the guard as I walked past him. Rinig ko kaagad ang ingay at namataan ang iba't-ibang booth na abala sa kani-kanilang  mga gawain.

A smile touched my lips when I saw Fear walking towards me. Mukhang hindi niya pa ako napansin noong una dahil halos matigilan siya nang mamataan ako. I saw him inhaled.

"Where are you heading?" nakangiting bungad ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

Ngumuso ako nang hulihin niya ang kanang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri. Bahagya niya pa akong hinila papalapit sa kaniyang katawan dahilan ng paghuhuramentado ng aking puso. I can feel my heart amplifying wildly.

"Captain!" Ngiti ng lalaking kasamahan niya sa basketball team at lumapit sa amin.

Fear raised a brow as he pulled me again closer to him. He held the small part of my back while he's facing the guy who neared us.

"Si Luel at Kenneth nasa studio na. Anong oras ka pupunta roon? Hindi nila kuha 'yong bandang huling steps," sambit ng lalaki.

Nag-iwas ako ng tingin nang mapunta ang kaniyang mga mata sa akin. Ginala ko na lang ang aking paningin habang pinaglalaruan ng aking mga daliri ang laylayan ng damit ni Fear. Halos pandilatan ko ang mga taong nakatingin sa amin.

Embracing The Dauntless Fear [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon