Her Innocent Slave 58

99.9K 2.4K 177
                                    

(HIS) Chapter 58




“Alright. If I can’t stop you anymore, I’ll let you go, Mr. Sullivan. But, if you feel discomfort or get an infection, let me know immediately.”

Tahimik lang ako na nakikinig sa usapan nila ng Doctor niya. Pinatawag niya ito kay Rome at nagsabi na lalabas siya. Ni hindi niya sinimulan ang tanong sa kung puwede na ba siyang makalabas. Siya na ang nag-desisyon para sa sarili niya.

Pinigilan ko at sinabihan na kahit sa susunod na araw na siya umuwi pagkapahinga niya dahil naalala na hindi pa maayos ang lagay niya. Nagpumilit siya kaya ngayon ay nasa labas ako ng bahay at hinihintay siya.

Ihahatid siya ng isa sa mga tauhan niya dahil hindi pa niya kaya na magmaneho at hindi maaaring bumiyahe mag-isa. He’s injured at mahihirapan siyang igalaw ang balikat niya. Mas napanatag din ako dahil may kasama siya na taga-maneho.

"Isuot mo ito, apo, at malamig ang simoy ng hangin dito sa labas."

Lumapit ang Lola ni Lucas para abutan ako ng makapal na balabal. Tumabi siya sa inuupuan ko at itinuro ang duyan na nakakabit sa dalawang palm tree na nasa dalampasigan. Ilang metro ang layo nito mula rito sa bahay. Mas malapit iyon sa dagat.

"Noon, tuwing nandito si Lucas, palagi siyang nandiyan."

Ngumiti ako nang inayos ng Lola niya ang balabal na suot ko. Nagpasalamat ako at hinawakan at hinapit ang magkabilang dulo nito para hindi mahulog sa aking balikat.

"Hindi kayo magkasintahan noon, tama ba?"

Napalunok ako at marahan na tumango.

"Ang sabi niya noon nang tumawag siya’y pagkauwi niya raw ay may ipapakilala siya sa amin na babae. Pero inabot na ng ilang taon ay wala naman siyang dinala."

Kinagat ko ang loob ng ibabang labi ko. Now that I know it's me, I don't know what to say. It’s true that I don’t regret leaving but I also feel sad for Lucas and there are a lot of what ifs.

"Siya ang gumawa ng duyan na iyan. Sa tuwing nagtatanong kami kung nasaan na ang babaeng ipapakilala niya at kung kailan niya madadala, ang sagot niya palagi ay abala pa ito sa pag-aaral at sa susunod na niya dadalhin. Pagkatapos mag-dahilan, lalabas siya at uupo riyan sa duyan. Minsan hihiga, nakatanaw sa dagat o ‘di kaya ay sa kalangitan. Hanggang paglubog ng araw nandiyan na siya. Minsan pa’y diyan na nakakatulog at gigisingin ko na lang para pumasok sa loob.”

Tinanaw ko ang malayo na duyan at iniisip ko na nandoon siya habang nakaupo at malungkot. Ano ang iniisip niya tuwing nandiyan siya? O sino? Ako ba?  Lumabi ako. Huminga ako ng malalim at yumuko.

"Masaya ako na nandito ka na ngayon kasama niya at sa wakas ay naipakilala na sa amin. Matanda na kami. Hindi naman sa nangungulit kami noon. Gusto lang namin siyang makita na masaya sa isang babae na makakatuwang niya sa buhay bago man lang kami pumanaw ng Lolo niya.”

Maliit akong ngumiti.

“Matagal pa naman po siguro iyon, Lola.”

Ngumiti siya pabalik at muling tinanaw ang dagat. Ang kulubot sa mukha niya ay nakalabas kahit walang emosyon ang mukha. Some people buy skincare just to avoid wrinkles. Why, though? Can't they see that it looks amazing? It’s beautiful. Every and each line is full of wisdom, experience, respect, and story. Bawat guhit ng kulubot ay makasaysayan. Isang tingin lamang ay mababasa mo sa mga linya na iyon ang mga nakakamanghang naranasan nila sa buhay.

“Maikling panahon na lang kaming maglalagi rito, apo. At kapag nasa ganitong edad na, ang mga iniisip namin ay ang mga mahal namin na maiiwan dito. Nag-iisang apo ko si Lucas. Akala ko noon ay sila nang dalawa ng unang kasintahan niya. Nang maghiwalay sila ay hindi namin maiwasan na malungkot ng Lolo niya. Napalitan lamang ng tuwa iyon nang sabihin niyang may ipapakilala siya. Mabuti naman at totoo. Nang una’y akala namin ay hindi siya nagsasabi ng totoo dahil wala naman siyang dinadala.”

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon