Warning: Typographical and grammatical errors ahead. Please bare with me kasi bagong salta palang ako sa pagsusulat and not a pro gaya ng ineexpect nyo. Thankyou honeys ♡
-
"Sigurado ka bang okay ka lang dyan sa apartment mo?" nag-aalalang tanong ni kuya Zion sakin.
Inilibot ko naman ang tingin ko sa isang maliit na apartment na kung nasaan ako ngayon. Disente naman tingnan at ligtas rin ang kinatatayuan nito. Para syang mini subdivision na di katamtaman ang lawak at kasya ang dalawang tao. May mini kitchen, CR, maliit na sala at isang kwarto. Tamang-tama lang sa tulad ko na di naman space conscious.
Wala namang mali kung mag-apartment diba? Di naman kasi ako kasing-yaman ni Kuya Zion eh. Besides patay na ang parents ko at nalugi rin ang kompanya namin. Nag-iisa rin naman lang akong anak at umaasa nalang sa iniwang trust fund na di naman ganun kalaki ang halaga.
"Okay lang ako dito Kuya. Ayoko naman kasi dyan sa bagong bahay ninyo ni Calley. Like hello? Isang family kayo dyan at magmumukha lang akong kabit sa inyong dalawa." sagot ko at saka napasinghap.
"Grabe ka talaga Del. Di naman ganyan ang iniisip namin. Pero kung ayaw mo talaga dito sa bahay, how about in my condo? Tutal wala ng nakatira dun."
Napaisip naman ako. Oo nga nuh. Walang tao sa condo ni Kuya pero sa kanya naman nakapangalan yun. Malaki na rin ang natulong sakin nina tito mula sa pagpapalaki sakin hanggang sa pagpapaaral sa isang malaking university. Gusto kong maging independent at di na aasa sa iba.
Nasa tamang edad na ako kaya makakaya ko naman.
Nakaka-excite tuloy na maranasan ang ginagawa ng iba. Magtatrabaho, maggogrocery para sa sarili, gagala tuwing payday at makikipag blind date.
Impit akong napatili habang iniisip yun. Agad akong nagseryoso at binalik ang focus sa cellphone.
"No kuya. Ayoko. Okay na ako dito kaya don't worry. Pakisabi nalang kay tito na okay lang ako." sagot ko nalang at pinatay na ang tawag.
Actually, dalawang beses na akong lumipat ng apartment, pangatlo na to. Simula nang gumraduate ako ng college ay umalis na ako sa bahay nina tito at nag apartment at umasa na sa trust fund ko. Nag-apply ako bilang waitress sa isang restaurant kaso nasisante nang nahulog ko ang hawak na tray at nabasag ang pinggan at mga baso.
Tinry ko kasing hawakan ng iisang kamay lang kaso di ko nabalance. Malay ko bang may tamang paghawak pala at magtetraining pa dun.
Nag-apply rin ako bilang cashier sa department store at nasisante rin nang walang malay kong napalitan ang password ng lalagyan ng pera. Well, hangover kasi ako nung time nayun. Galit na galit yung manager sakin at minumura pa ako. Ewan ko lang kung nabuksan na ba nila yun ngayon.
To sum it up, lahat ng inaapplyan ko ay nasisisante ako agad. Bale labinlimang beses akong nag apply at labinlimang beses rin na nasisante.
Gusto ni Kuya Zion na dun ako mag apply sa kompanya nila bilang marketing manager para akma raw sa natapusan kong course. Pero ayaw kong mataas na posisyon bigla ang aapplyan ko, gusto ko yung sa mababa muna para magka experience din.
Kaya kailangan ko nang mag-isip kung ano ang susunod kong papasukan.
So far, di pa ako nakakapag-ipon ng pera kasi napupunta sa bayad ng apartment at mga pagkain ko. Malagay nga sa reminders ko ang pag-apply ng trabaho.
Habang busy ako sa pagpipindot sa cellphone ay may biglang kumatok sa pinto.
Wala naman akong binigyan ng bagong address ko ah since sinadya kong itago para wala akong matanggap na mga ayuda mula sa mga kaibigan ko at kina tito o kuya Zion. Ayokong maawa sila sa lagay ko ngayon.
Agad akong tumayo at dahan-dahang binuksan ang pinto.
Bumungad naman ang isang mukha ng babae na nakabestida na gray. Mahaba ang nakawagayway nyang buhok at nakalight make-up rin sya. Sino naman to?
"Uh. Am. H-hi." nahihiyang bati nya at nilahad sakin ang isang tupperware.
"Ano yan?" nagtataka ko namang tanong na nakatingin sa hawak nyang tupperware.
Di sya sumagot pero ngumiti sya at binuksan.
Cookies pala ang laman.
Pero di naman ako mahilig sa matamis eh. Nakakaumay kasi ang lasa. Mas bet ko pa ang maaasim."Sa tuwing may bagong lipat kasi dito, nagbibigay talaga ako ng mga cookies. Wag kang mag-alala wala tong lason." nakangiting sambit nya at pinapakita talaga ang maputi at pantay nyang mga ngipin.
Mukhang nakakahiyang tanggihan kasi maayos naman ang pagkakaluto ng cookies at mukhang nag effrot talaga.
Maingat kong kinuha at nagpasalamat.
"Di kana sana nag-abala pa." tugon ko pero ngiti lang ang sagot nya.
Palagi syang ngumingiti, masayahin ata.
Umalis na sya at kita ko naman ang pagpasok nya sa kabilang pintuan na medyo kaharap lang ng pinto ko.
Ang weird nya ha. Lalo na ng mga ngiti nya.
Nag-umpisa na akong maglinis at nag-ayos ng mga gamit.
Itong bago ko kasing apartment ay kalahati lang ang laki kesa sa dati kaya madali lang mag-ayos ng mga gamit.
Palagi ko ring bisita si Gabbi sa dati kong apartment at nakakaumay na ang pagmumukha nya.
Mamamatay lang rin ako ng maaga sa kakulitan nya. Makulit naman ako pag nasa mood ako kaya keri lang, pero yung kaibigan ko na yun? Ewan ko nalang.
Nang matapos ako sa paglilinis ay bigla kong naalala na hiring pala ang bar na pagmamay-ari ni Gabbi.
Legal naman ang papasukan ko kaya no worries.
Inabot ko ang cellphone na nasa maliit na mesa ko at saka tinawagan si Gab.
Sana naman kausapin nya ako ng matino. Makalipas ang ilang pagring ay saka naman sinagot.
"He-"
"DEEEELLL! Oemgee tamang-tama at napatawag ka! May sasabihin pala ako sayo!" agad na bungad nya.
Nailayo ko naman agad sa tenga ko ang cellphone at napa-iling. Minsan talaga mahirap intindihin ang mga baliw.
Nang natapos syang magsalita ay saka ko binalik ulit sa tenga ang phone.
"Gab, gusto kong mag-apply ng trabaho dyan sa ba-"
"Omg! Alam mo bang dumagsa ang mga tao dito sa bar ko kasi may papable na dito na tumatambay! As in ang gwapo, mukhang jowable, eto na ang chance mo para sa lablayp mong parang sementeryo! Ano magtatrabaho ka ba?!"
Suko na ako. Nakalunok ata sya ng megaphone at sobrang sakit sa tenga ng sigaw nya.
Napabuntong hininga ako bago nagsalita.
"Yun na nga, mag aapply ako, and yes magtatrabaho ako sa bar m-"
"Good, good. I'll see you later at 9pm then. Wear something sexy and sassy ha? Byeeee Del. Muaah!"
Aba't ambastos talaga. Napanganga nalang ako nang naibaba na ang linya sa kabila.
Something sexy and sassy?
Ano ako magpoprosti? At 9 pm? Oras yun ng pagtulog ko ah.
Wow. Kung di ko lang kelangan ng pera sa pagkain, tatambay nalang sana ako dito sa bahay ng buong araw.
Napahiga ako sa kama at napagdesisyunang matulog pero bago tuluyang dinalaw ng pagod at antok ay napatanong ako.
"Mom, Dad, bat nyo ba ako iniwan na ganito? Wala man lang kayong pamana na iniwan."
Jusko.
-
Hi honeys. Thank you for reading my story! If you find this story amazing and is worth to read, drop a comment below or tap the vote button. Para mabigyan ko rin kayo ng kunting pasasalamat dahil sa oras na nilaan niyo sa pagbasa ng mga gawa ko at maidedecate ko rin sa inyo ang susunod na chapters na ma-iuupdate ko. Keep safe honeys and God Bless♡
Hany, 18
![](https://img.wattpad.com/cover/232182668-288-k532481.jpg)
BINABASA MO ANG
Against Inside
Mystery / Thriller"I might kill you if you'll know my name." (On-going)