Warning: Typographical and grammatical errors ahead. Please bare with me kasi bagong salta palang ako sa pagsusulat and not a pro gaya ng ineexpect nyo. Thankyou honeys ♡
(This chapter contains mature scenes and vulgar words which is not suitable for young readers. Read at your own risk.)
-
8:45 pm
Matapos kong mag ayos at magpakasexy and classy, gaya ng sabi ni Gabbi ay lumabas na ako ng apartment ko at saka kinandado ang pinto.
Hahakbang na sana ako paalis nang madatnan ko yung kapitbahay kong namigay ng cookies kanina na nakasandal sa pinto ng apartment nya.
Ngumiti sya sakin at alinlangan rin akong ngumiti sa kanya saka tuluyan nang naglakad.
'Ba't ba palagi syang ngumingiti? Oo na, sya na maganda ngumiti pero ang weird talaga nya eh.'
Pagdating ko sa 'fabulous' bar ng bestfriend ko ay agad akong bumaba sa bulok kong sasakyan. Oo bulok na, eh sa di ako richable eh. Regalo pa to sakin ni tito nung naggraduate ako ng high school at todo alaga ako syempre kasi niregalo na nga lang, sisirain ko pa diba?
Papasok na sana ako nang may isang bouncer ang humarang sakin. Nagtataka akong tiningnan sya napataas ng kilay.
"Ilang taon kana Miss?" tanong nya at pinasadahan pa ng tingin ang medyo kita kong cleavage.
Medyo lang naman, di kasi ako boobsable eh at ano naman kaya ang problema ng bouncer na to eh matangkad naman ako at mature rin tingnan. Palagi naman akong pumupunta dito ah. Bago lang ata.
"72 na po ako."-sagot ko at nagkunwaring hinahaplos ang balakang ko.
"Huh? Eh bat-?"
"Pwede ba?! Wala kang pakialam kung ilang taon na ako okay? Masyado ng moderno ang panahon ngayon kaya wala kang pake kung mukhang bata ako, tabi!" pagputol ko sa sasabihin nya at saka tinabig sya.
Padabog naman akong pumasok at di sya pinansin na tinatawag pa ako.Ipatanggal ko kaya yung bouncer na yun kay Gabbi? Hmp.
Nang tuluyan na akong nakapasok ay bumungad sakin ang sobrang malakas na tugtog. May pa usok-usok pa. Gusto ko sanang magparty kaso wala na akong pera pambili ng drinks. Ang hirap ko na talaga.
Andami ring nagsasayawan sa dance floor at naglalaplapan naman sa may bar counter.
Gross.
Di ko nalang sila pinansin at agad akong dumaan sa gilid, papunta ng VIP room kung saan tumatambay ang reyna ng bar nato.
Pagdating ko sa harap ng pinto ng VIP room ay kumatok muna ako. Mahirap na, baka may anaconda pala sa loob, malalagot ako.
"Pasok!" sigaw ng mula sa loob at alam kong boses yun ni Gabbi.
Pinihit ko naman ang doorknob at saka pumasok. Bumungad naman sakin si Gabbi, na umiinom kasama ang jowa nyang 7 inches. Foreigner pero nahulog sa mukhang palaka kong bestfriend.
Shet. Nahahawaan na ako ng kamanyakan ni Gabbi.
"Ohmy Del! Buti naman at on time ka! Oh advance pala hahaha , wala pa kasi si papable eh." baliw na sambit ni Gabbi sabay tungga ng drinks na nasa harap nya.
Inirapan ko lang sya at umupo ako sa couch na nasa harap nya.
"Anong trabaho ko?" agad na tanong ko.
Medyo matagal pa bago sya sumagot kasi lumalandot pa sa jowa nya, pasubo-subo pa, mabubulunan din naman. Subuan ng pagkain yun.
"Hmm, actually, di ko pa alam kung ano ang ipapatrabaho ko sayo eh, kung entertainer ba o prosti." sagot nya at nakatanggap naman sya ng nakamamatay na tingin sakin.

BINABASA MO ANG
Against Inside
Mystery / Thriller"I might kill you if you'll know my name." (On-going)