Warning: Typographical and grammatical errors ahead. Please bare with me kasi bagong salta palang ako sa pagsusulat and not a pro gaya ng ineexpect nyo. Thankyou honeys ♡
-
Del's POV
"Huuuuyyyy bruhaaaaa!"
Ayan na naman. Yan na yan ang di ko gustong marinig eh. Yang boses na yan. Ilang years ko talagang pinagtyagaan ang boses na yan kaya wag na syang mabibigla kung matatahi ko man ang bibig nya.
Agad akong nagtalukbong ng kumot at tinakpan ng unan ang tenga ko.
"Huuyy bruhang Del! Gumising ka na dyan! Diba sabi mo sasamahan mo akong mamili ng groceries?! Huy sige na!" dagdag nya pa.
Walang epekto tung unan ah. Lakas pa rin ng boses.
Bigla ko namang naramdaman ang paghila nya ng kumot ko."Ano ba Gab!" reklamo ko at sinubukang hilahin pabalik ang kumot pero di ko na alam kung san nya tinapon yun. Agad akong napamulat ng mata at tiningnan sya ng masama.
"Ang aga aga pa eh!" reklamo ko na naman.
Tinaasan nya lang ako ng kilay. "Alam ko. Mas mabuti na yung maaga nuh para madaling matapos. Bilis na! Baka mamaya hanapin na ako ni hubby. Sarap na sarap pa naman yun sa pagkain ko ng banana-"
Di ko na sya pinatapos at tinapunan ko sya ng unan. Lecheng bibig yan. Di mapreno. Ambastos pa. Kaya minsan nagtataka ako kung bakit ko pa sya kinaibigan eh.
"Huuy! Bat mo ako tinapunan ng unan ha?! Ikaw ah. Green minded ka pala ha. Suuss Del. Hahahahaha. Patapusin mo kaya ako nuh? Di pa ako tapos sa sasabihin ko eh!" satsat nya ulit at tinapon pabalik sa kama ang unan.
"Kitang natutulog ako eh!" asik ko.
"Sus. Mawawala rin yang kainosentehan mo pag may lalaking maghahard core sayo!" asar nya sakin at kaagad na tumakbo palabas ng kwarto ko.
Napamaang naman ako sa hagupit ng mga salita niya.
"Punyeta ka talaga to the highest level Gabbbiiiiiiii!!!!!!!" inis naman na sigaw ko.
-------------
Kanina pa kami nakatigil dito sa harap ng mga gatas.
Gusto raw kasi ni Gabbi, fresh na fresh yung tipong mahihiya yung bagong ligo sa sobrang fresh ng gatas.
Bagot na bagot naman ako kasi ilang minuto na akong nakatayo dito. Di sya masakit sa paa ha.
"Bat walang fresh?" rinig kong bulong ni Gabbi.
Para talaga syang timang."Gabbi. Kung gusto mo ng fresh na fresh dun ka pumunta sa ranchuhan ng mga baka, nandun yung fresh na gatas, okay? Kaya tara na." sagot ko at akmang aalis na pero hinila nya ang buhok ko pabalik sa kinatatayuan ko.
"Sandali lang. 10 minutes." sambit nya at nagtitingin uli sa mga gatas.
10 minutes?! Alam ba ng babaeng to na ilang oras na kami na nakatayo dito? Aist. Imbyerna.
Inis akong napacross arms at tumalikod saka pinagmasdan ang mga tao na namimili rin.
Sa sobrang inis ko. Feeling ko magdidikit na ang kilay ko.Haharap na sana ako pabalik nang may nahagip ang mata ko.
"Wow." bulalas ko at pinagmasdan ang babae na palabas ng grocery store.
Ang ganda nya.Yung curves nya. Talagang kitang-kita dahil sa hapit ng damit nya. Ang blonde nyang buhok. Bagay na bagay kasi ang puti nya. Yung light make-up nya. Hiyang-hiya tuloy ang bagong gising na mukha ko.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa paglabas nya at pagpunta nya sa isang black na sasakyan.
Buti nalang at glass wall ang grocery store at talagang mapagmamasdan ko pa sya.
May lumabas naman na lalaki na naka black suit at tinulungan ang babae sa pagbubuhat.Wow. Boyfriend nya ata. Ang swerte naman ng boyfriend nya.
Sumakay naman ang babae sa kotse samantalang yung lalaki ay nilagay sa likod ang mga pinamili ng babae. Nang papasok na ang lalaki sa driver's seat ay napatingin sya sa gawi ko.
Teka. Sa gawi ko nga ba? Andami namang tao so siguro hindi sakin.
Kitang kita ko mula dito sa kinaroroonan ko ang pagngisi nya na syang nakapagpatindig balahibo sakin. Ang weird naman siguro kung nakita niya ako eh marami namang tao dito.
Pumasok na sya sa kotse at tinanaw ko naman ang pag-alis ng kotseng yun.
Teka. Yung pagngisi nya. Familiar. Parang nakita ko na dati. San ko nga ba nakita ang ganun?
Baka guni-guni ko lang. Sa dami ba namang lalaking ngumisi sa akin, bat ko pa matatandaan kung alin sa kanila dun?
"Tara na Del." rinig kong sambit ni Gabbi.
Napalingon naman ako kay Gab at agad na sumunod. Pero habang naglalakad, iniisip ko pa rin ang familiar lalaki na yun. Feeling ko kasi talaga nakita ko na siya, di ko lang alam kung saan.
-
Hi honeys. Thank you for reading my story! If you find this story amazing and is worth to read, drop a comment below or tap the vote button. Para mabigyan ko rin kayo ng kunting pasasalamat dahil sa oras na nilaan niyo sa pagbasa ng mga gawa ko at maidedecate ko rin sa inyo ang susunod na chapters na ma-iuupdate ko. Keep safe honeys and God Bless♡
Hany, 18
BINABASA MO ANG
Against Inside
Mystery / Thriller"I might kill you if you'll know my name." (On-going)