Prologue

7 0 0
                                    

"I don't have a time of that," walang emosyon kong sabi at ibinalik sa locker ang Laboratory Gown ko. Humarap ako kay Caver at kunot noo siyang tinignan.

"Pet's is not allowed here, let that cat out of this Lab." sabi ko, tumungo siya at laylay ang bikat na lumabas sa Lab. Humugot ako ng malalim na hininga at inayos ang mga ginamit kong Tube.

Pinatay ko ang Aircon at kinuha ang bag bago lumabas doon, naka-salubong ko ang iba't-ibang mga Chemist at Trying-to-be-Scientist. Ngumiti sila sa'kin at bahagyang tumatango, tango nalang din ang naisasagot ko.

"Heather!"

Huminto ako at kunot noong tinignan ang Intern na hindi manlang ako ginalang, hindi kami close para tawagin niya ako sa una kong pangalan. Hindi ko siya binigyan ng permisong ipagsigawan ang pangalan ko sa Hallway.

"Ay, sorry po!" nag-peace sign siya sa harapan ko dahilan para mas kumunot pa ang noo ko.

Sa tingin niya, anong ginagawa niya?

"Miss Heather po, may naghahanap po pala po sainyo po doon po sa VIP room po." mas magalang pa sa magalang na sabi niya. Binasa ko ang sariling labi at taas kilay na tumingin sa kaniya.

"Why there?" kunot noo kong tanong. Ngumiti naman siya na para bang kinikilig, pinaglapat niya pa ang sariling mga palad at inilagay 'yon sa ilalim ng baba niya na para bang nagde-daydream.

"Kasi naman, napaka-gwapings! Sobra! Maglalaway ka talaga!" kinikilig niyang sabi, tumaas ang kilay ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

She's look like an idiot.

"Who I am?" taas kilay kong sabi, umayos naman siya ng tayo at gulat na tumingin sa'kin.

"Hala, sorry po Miss Heather po. Hindi po ko po sinasadya po! Sabi niya po kasi po, kilala ka daw niya po, kaya po pinapasok namin po siya doon po sa VIP room po, hindi naman po ako ang naghatid sa kaniya po, eh. Sorry po..." nakayukong sabi niya, umikot sa hangin ang mga mata ko at nilagpasan siya.

Lumiko ako sa kanang Hallway kung saan ang daan papunta sa VIP room. Kunot noo kong binuksan 'yong pinto. Awtomatikong tumaas ang kilay ko ng makita ang iilang Intern at babaeng Chemist na nando'n. Nakapalibot sa lalaking hindi ko naman kilala. Kaagad silang natigilan at gulat na tumingin sa'kin, iginewang ko ng kaunti ang sariling ulo pakanan at tinaasan silang lahat ng kilay.

"Go back to your work and stop flirting." taas kilay kong sabi at sinulyapan ang lalaking hindi pamilyar sa'kin. Sabay-sabay silang tumungo at isa-isang lumabas sa VIP room.

Sinundan ko sila ng tingin, alam kong kung anu-ano ang sinasabi nila sa kanilang isip o binubulong-bulong sa hangin patungkol sa'kin.

I don't care.

Dapat mas may focus sila sa kanilang trabaho kaysa sa mga lalaki. Nang sumara ang pinto, doon ko tinapunan ng tingin ang lalaking naka-upo sa pang-isahang sofa.

Pinatunog niya ang kaniyang dila at tumingin sa'kin, natigilan ako sa ganda ng kulay ng kaniyang mga mata. Kulay Abo 'yon, talagang nakaka-akit 'yong kulay.

Nag-iwas ako sandali ng paningin sa kaniyang mata ng tumayo siya para hindi matulala sa gandang mayroon siya. Tumaas ang kilay ko ng titigan niya ako habang naka-pamulsa.

"What are you doing here and who are you?" direkta kong tanong. Gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi at naglakad papalapit sa'kin.

"I am Commander Raidon Jimenez." pakilala niya at inilahad ang palad sa'kin.

Kunot noo kong tinignan ang kamay niyang naka-lahad at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Okay." tipid kong sabi at hindi tinanggap ang kamay niyang naka-lahad. Umupo ako sa isa pang pang-isahang sofa na nandoon. Tinignan ko siya na natuod sa kinatatayuan. Tumaas ang kilay ko ng makitang naka-ngisi siya at umiiling-iling.

Dominating the Innocent (Madcap Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon