Chapter 1

2 0 0
                                    

"Miss Heather po, heto na po 'yong examination po nang grupo ko po. Sa'min po napunta po 'yong Dengvaxia Vaccine po, heto na po 'yong result ng examination po namin. Promise po! Hindi po kami gumamit ng technology po!" pumikit ako ng mariin at inis na tinapunan ng tingin ang Intern.

"Where's your Senior?" tanong ko sa kaniya.

"Ano po, Busy daw po siya eh." nakayuko niyang sabi, tumaas ang kilay ko at ibinaba ang salamin sa lamesa.

Saan siya busy? Wala akong ibinibigay na trabaho para sa kaniya.

"Tell him that we need to talk." walang emosyon kong sabi at kinuha ang magnifying glass.

"Yes po." yumuko siya ng bahagya sa'kin pagkatapos mailapag ang folder ng Team niya sa gilid. Tinigilan ko ang page-examinate sa gamot na galing sa isang Team.

Nakakasiguro akong ginamitan nila ng Narcotics at Hallucinogens ang gamot na ginawa. Binase ko 'yon sa mga pinasa nilang Characterization ng gamot maski ng mga Ingredients. Mayroon silang hindi nilagay na nandoon sa gamot.

Narcotics, are drugs which relieve pain and induce sleepiness. Hindi ko hahayaan ang ganito nilang gamot lalo na sa Hallucinogens na kapag kumalat sa utak ng tao, ay delikado. Hallucinogens, it disort what is real. Kaya naman, hindi dapat ito nasa gamot nila.

Tumayo ako at ibinalik sa Tube nila ang gamot, tinanggal ko ang sariling surgical mask at lumabas sa Lab dala-dala ang tube at folder nila. Lumiko ako sa Hallway kung nasaan ang Lab ng Team na 'to.

Walang sabi-sabing binuksan ko 'yon, kaagad naman silang naalerto at kani-kaniyang umayos ng tayo sa harapan ko. Tinignan ko sila isa-isa hanggang sa tumigil ang paningin ko sa babaeng malikot ang mga mata at mukhang hindi mapakali, tinaasan ko siya ng kilay kaya ng masulyapan niya ako, umayos siya ng tayo.

"Did you followed my rules?" istriktang tanong ko at tinignan ang Team Leader nilang lalaki.

"Where's your Senior?" tanong ko ulit, hindi ko 'to palalampasin, kaya't sinadya kong ako nalang ang pumunta dito kaysa kausapin ang Senior nilang wala manlang dito. Hindi ko rin siya palalampasin, pagkatapos sa mga batang 'to, ay siya naman ang mananagot.

"O-On the S-Solar Lab po..." sagot ng Team Leader nila. Tumaas ang kilay ko at matalim siyang tinitigan.

"If you want to be succesful, don't stammered even you're scared." payo ko, yumuko siya. Mas tumaas pa ang kilay ko ng maintindihan ang sinabi niya.

Anong ginawa no'n sa Solar Lab? Hindi niya 'yon Trabaho. Wala siyang pakialam do'n, labas siya do'n dahil hindi naman siya nag-aral patungkol sa ganoon.

Bumuntong hininga ako, mamaya ko nalang 'yon iisipin, ang prayoridad ko ngayon, ay ang mga batang nasa harapan ko at hindi sinunod ang paalala ko.

Lumakad ako sa harapan nila at ini-angat ang Folder na hawak ko, natigilan naman sila at nagulat, mukhang tensyonado sila at kinakabahan sa posible kong sabihin. Kinabukasan nila ang nakataya ngayon, kung sino ang may kasalanan. Siya ang mananagot.

"Aside from Narcotics and Hallucinogens, I found Depressant and Stimulant, too." anunsyo ko, huminto ako sa paglakad at inihagis sa sahig ang folder. Tinignan ko silang lima na pare-parehong nakayuko at nag-aabang sa posible kong sabihin.

Matunog akong bumuntong hininga at ini-angat ang Tube mula sa bulsa ng white gown ko.

"Eyes on here, Interns. Be Professionals!" paalala ko sa kanila, kaagad silang tumingin sa'kin at umayos ng tayo. Taas kilay na pinakita ko sa kanila ang Tube kung nasaan ang gamot na ginawa nila.

"You know what Depressant and Stimulant is, right?" istriktang tanong ko at pinagkatitigan sila, sabay-sabay at napapraning silang tumango.

"I said, you can use Depressant because It can slow down a person's Central Nervous System. But not the Stimulant!" inis kong sigaw, yumuko ulit sila kaya hindi ko mapigilang hindi suminghal sa gilid.

Dominating the Innocent (Madcap Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon