Chapter 3

0 0 0
                                    

"Hey, what you called this?" tanong ulit ni Raidon at itinuro ang SPM.

Bumuntong hininga ako at hindi siya sinagot. Halos araw-araw siyang nasa labas ng bahay, kung hindi lang umulan, eh hindi ko siya papa-pasukin. Kina-career niya ata ang maging Guard sa labas, hindi ko alam kung anong Droga ang ininom niya.

"Hey, I'm asking, right?" pumikit ako ng mariin at inis siyang tinignan.

"Ask all you want to ask," kunot noo kong sabi, nagliwanag naman ang mukha niya dahilan para mas kumunot pa ang noo ko.

"There, here and that. What you called that Microscope?" tanong niya. Umirap ako sa hangin at tinignan ulit ang folder na pinasa ng Interns.

"That is TEM, SEM and SPM." sagot ko, kumunot ang noo ko ng makatanggap ng Emergency text kay Wilma. Umawang ang labi ko ng makatanggap din ng Emergency text kay Stuffins.

Damn!

"This what is this?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Raidon at binuksan nalang ang Email. Natuod ako sa kinauupuan ng mabasa ang kabuuang texts.

Sa Hospital ko kung saan pinangangalagaan ni Stuffins, may pasyente daw na kinukumbulsyon at kalaunan namatay dahil sa hindi pa malaman na Virus.

Samantalang si Wilma, i-sinend sa'kin ang identification ng Virus. Nang-galing iyon sa Wuhan, China dahil sa pagkain nila ng iba't-ibang uri ng pagkain, kabilang na ang mga insekto at dagang hindi nararapat kainin kung walang pagsasabi ng mga tagapangalaga ng kalusugan nila.

Hindi iyon pu-p'wede lalo na kung hindi nila nalilinis ng maayos at hindi pa na i-examine kung may maidadalang sakit ba ang pagkain ng ganoon.

"Hey, what's wrong?" tanong ni Raidon, kunot noo akong tumingin sa kaniya bago sa bintana kung saan umuulan pa.

"Are you...I'm leaving, it is okay to you? I mean, are you alright on this house?" inaayos ang mga folder na tanong ko. Inilagay ko 'yon sa drawer at tinignan siya. Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang kumukislap ng paghanga ang kaniyang mga mata.

"Are you worried?" umikot sa ere ang mga mata ko at iniwan siya doon. Narinig ko naman ang yapak ng pagsunod niya sa'kin.

"You're leaving? But, it's raining," rinig kong sabi niya, nang makarating ako sa pinto ng kwarto, tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm changing my clothes, are you joining?" taas kilay kong sabi, pilyong kumislap ang mga mata niya kaya nama'y umikot sa ere ang mga mata ko. Pinagsarhan ko siya ng pinto, hindi ako umalis doon at pinakinggan ang binubulong-bulong niya.

"She said, 'are you joining?' but she closed the door over my face! She didn't wait for my answer, I'm willing to joined her, I can change her clothes. Tsk."

Umiling-iling nalang ako at kumunot ang noo ng makita sa vanity mirror ang sarili na nakangiti.

Ngumiwi ako at bumuntong hininga bago pumunta sa closet para maghanap ng panibagong damit at jacket. Naligo muna ako bago lumabas sa kwarto dala-dala ang selpon at susi ng kotse. Kunot noo kong tinignan si Raidon na nagwawalis sa sala, nag-angat siya ng paningin sa'kin at ngumiti dahilan para kumunot lalo ang noo ko.

"I'm cleaning the house after you left, I'll sanitize it, too." sabi pa niya.

Tumaas ang dalawa kong kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Marunong pala siya maglinis? Paano niya masa-sanitize 'tong bahay?

Nagkibit balikat nalang ako at binuksan ang pinto, umaambon pa. Kunot noo kong tinignan si Raidon na naka-ngiti sa gilid ko habang inaabot ang payong sa'kin.

Dominating the Innocent (Madcap Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon