"Caver, how's your research?" tanong ko habang ang paningin ay nasa Folder kung saan may kani-kaniyang research ang mga Interns patungkol sa Virus. Gusto kong isipin na nagkopyahan sila dahil pare-pareho lang ang sagot pero ganoon din ang sagot ko ng mag-research.
"Here," ibinigay niya sa'kin ang Folder na kinuha ko naman kaagad. Pareho lang din ang kinalabasan ng research niya. Bumuntong hininga ako at napahilot sa sariling sentido.
Halos isang buwan na rin simula ng sumabog ang Virus na 'to, at kada-araw, may naidadagdag na confirmed cases, halos lahat mga turista at galing sa labas ng bansa. Ang mga nasasamang Pilipino naman, ay ang mga naka-sama o interaksyon ng mga Positibo. Mabilis ang pag-ikot ng Virus na ito sa buong bansa, kaya naman, pinag-uusapan na ng Presidente at Senador ang malawakang Lock Down sa NCR sapagkat dito daw ang pinakamaraming Confirmed Cases.
Sa ibang bansa, lalo na sa China kung saan ito nagsimula, mas marami ang Positibo sa Corona Virus. Wala pang magandang balita sila Zachary at Mendez kasama ang teams nila. Matatagalan ang pag-iimbistiga nila sa gamot o bakuna, bukod sa pahirapang pagsuyod sa examination, nahihirapan din silang tukuyin ang posibleng bakuna, kung tama ba iyon o hindi. Maski ako at ibang Chemist na nandito sa Laboratoryo ko.
Ang balita kay Ms. Alarcon, nahihirapan din daw ang iba't-ibang Scientist sa paghahanap ng gamot at pag-gawa ng bakuna. Maski siya, kahit hindi siya batikan sa mga gamot o pag-gagamot, tumutulong din siya sa abot ng kaniyang makakaya.
Sa loob din ng isang buwan na iyon, nang malaman ko ang sinabi ni Wilma, hindi pa pumapasok dito si Sabrina. Gusto ko mang mag-alala, pero naalala kong wala pala akong pakialam sa buhay niyang mas maiitim pa sa itim.
Kinuha ko ulit ang injection na nasa gilid at itinusok iyon sa sealed tube. Nang maubos ang liquid na nandoon, tumayo ako at lumapit sa Microscope. Ipinatak ko doon ang sariling bakunang nagawa at pinagkatitigan ang mga living cells na nakikita.
Sa ilang oras na paulit-ulit na pag-tingin doon, hindi pa rin siya lunas para sa Virus. Bumuntong hininga ako at sumandal sa swivel chair habang hinihilot ang sariling sentido.
Noong isang linggo pa ako gumagawa ng ganitong bakuna kung saan inaakala kong pu-p'wedeng ipabagal at pang-kontra sa Virus, pero lahat wala. Palpak lahat at hindi nagma-match sa classification na mayroon ang Virus sa bakunang ginagawa ko. Ganoon din ang balita nila Zachary at Mendez kahapon. Hindi ko masasagot ang tawag nila ngayon dahil nandito ako sa Laboratoryo at wala sa bahay.
"Miss Heather, may naghahanap po sa inyo sa baba." kunot noo akong tumingin sa pinto ng sumilip doon ang mukha ng isang Intern base sa coat na suot niya. Bumuntong hininga ako at humurap ulit sa mga papel na nasa lamesa.
"I don't accepting visitors right now. Please, don't disturb me." masungit na sabi ko at iniabot kay Caver ang isang Folder.
"Paki dala sa Solar Lab. At silipin mo na rin ang Lab Room ni Sabrina, kapag nandoon na siya, papuntahin mo dito." walang emosyon kong sabi, tumango lang siya bago tumayo at lumabas.
Bumuntong hininga ako at tumayo ulit para tignan naman ang isa pang bakunang nagawa ko. Kumuha ako ng panibagong panturok at itinusok iyon sa sealed tube kung nasaan ang pang-apat na bakunang nagawa ko. Nang maubos, ipinatak ko 'yon sa panibagong Microscope at doon tinignan ang living cells.
Narinig ko naman ang pag-bukas at sara ng pinto, hindi na ako nag-abalang tumingin dahil paniguradong si Caver lang iyon at may naka-limutan.
"The folder under my drawer, paki-dala na rin doon sa Intern Lab." titig na titig sa living cells kong sabi.
Napatigil ako sa pagtitingin doon ng marinig ang pamilyar na tawa. Lumunok ako at kunot noong tumingin sa mesa kung nasaab si Raidon at naka-halukipkip.
BINABASA MO ANG
Dominating the Innocent (Madcap Series #1)
RomanceHeather was not totally inoccent. Having a boyfriend, flings, fuck buddies, arrange marriage and whatsoever are not cup of her tea. Dahil nga sa sobrang walang kainteres-teres na buhay niya, gumawa na ng paraan ang kaniyang mga magulang para manlang...