Prologue

5 0 0
                                    

*Dug-dug! Dug-dug! Dug-dug!*

“Ano ba yang ginagawa niyo?? Tigilan niyo na yan!!”

*Dug-dug! Dug-dug! Dug-dug!* (Heart beat intensified)

“Gago ka!”
“Ano bang ginawa ko sa’yo?!”

*Bugsh! Bugsh! Bugsh! Bugsh!*

*Prrrrrt!*

“Hoy! Tama na yan!” *Prrrrrt!*

“Tigilan monako Imo!” *Bugsh*

*Prrrrrt!*

“Sabing tama na yan!”

“Tama na yan, David!”

*Dug-dug! Dug-dug! Dug-dug!*

Naabutan ko silang dalawang nagrarambulan sa loob ng auditorium. May dalawang sekyu na ng school yung umaawat, pati yung mga kapwa namin squadron umaawat nadin pero ayaw tumigil nung dalawa.

*Dug-dug! Dug-dug! Dug-dug!*

“….”

May biglang humagis na kwintas dito sa kinakatayuan ko. Kinuha ko yon at nagdesisyon nakong pumasok sa eksena. Kailangan nang matapos ‘to…

“SABING TAMA NA YAN! MAGSITIGIL NA KAYO!” naawat na sila nung dalawang sekyu, saktong paglapit ko din sa kanila. Napatingin silang lahat sakin.

*Dug-dug! Dug-dug! Dug-dug!*

Mabilis na lumapit sakin si Kathryn, dala ng galit niyang mukha.

“Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito!” pwersahan niya kong tinulak “Kasalanan mo lahat ng ‘to!” then sinampal niya ko ng malakas. Napapikit nalang ako. I deserved it..i do deserved it..

*Dug-dug! Dug-dug!*

Sasampalin sana ulit ako ni Kathryn pero bigla siyang pinigilan ni Jerome.

“Bitawan moko Jerome! Hayaan mok—” tinulak siya ng malakas ni Imo at napaupo siya sa sahig.

Binalik ni Imo yung tingin niya sakin. Yung tingin niyang gigil na gigil. Hindi ko magawang tumingin sa kanya kaya ang nagawa ko nalang ay tumungo. Hanggang sa…

*BUGSH!*

“Hoy, Imo!” mabilis akong nilapitan ni David.

Parang dumadungdong yung mundo ko dahil sa suntok niyang yon sakin. Sobrang sakit..namanhid yung kalahati ng mukha ko.. Nung pagdilat ko ng dalawang mata ko nakita ko nalang na may dugo yung nanginginig kong kanang kamay… nagdudugo na pala yung bunganga ko..

“Aish!” mabilis siyang tumayo at lumapit siya ulit kay Imo.

“Ano ba talagang problema mong gago ka, HA?!” sasapakin na sana niya si Imo pero mabilis siyang nilapitan ni Gelo at inawat.

“David, tama na yan!”

“Hindi, Gelo! Hindi ko talaga siya maintindihan. Kung may problema ka, sabihin mo ng diretsahan, hindi yung dinadaan mo sa karahasan!”

Nagtatalo nanaman silang dalawa..hindi ko alam gagawin ko.

“Gusto mo talaga malaman kung ano yung problema?”

“OO! Nang matapos na ‘to!”

Mas lumapit sa kanya si Imo, tapos kinuha niya yung phone sa loob ng pantalon niya at ibinigay kay David.

“Ngayon mo tanungin sakin kung ano yung taalaga problema?” kinuha ni Gelo yung phone na hawak ni David.

“Teka..David?” lumingon siya sakin “Joseph?” binaling niya ulit tingin niya kay Imo “Anong meron sa inyong dalawa?”

Bigla akong nagulat sa tanong ni Gelo kaya nagdesisyon nako tumayo at lumapit sa kanilang tatlo. Putragis! Sineryoso nga ni Kathryn yung banta niya!

“Maniniwala ka talaga diyan—”

“David!”

“…..”

“Simula ngayon magkalimutan na tayo!”

Then tumingin siya sakin.

“At ikaw—”

“….”

Tinanggal niya yung singsing sa middle finger niya.

“Simula ngayon tapos na tayo!” then binato niya sakin yung singsing na hawak niya.

My Cheerleader (Tentative)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon