CHAPTER FOUR: "#FeelingProud"

5 1 1
                                    

*Flashback—way back 2011*

I wasn’t afraid this time will come. Hindi ko lang talaga akalain na kakalat ‘to sa school ganong wala akong pinagsasabihan ng tungkol sa sexuality ko maliban kay Nessa na bestfriend ko kasi kilala ko na siya kahit papano. Not even David.. wala. Wala akong clue kung sino nagpakalat.

“Uy! Ayan na yung bading!”
“Hi, JosepHINAAA! Kiss mo naman ako!!”
“JosepHINAAAA! Hug mo naman din ako!!”

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magkulong sa isang lugar na madilim at walang makakakita sakin kahit sino. Kahit saan ako magpunta pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa school. Kahit saan, may bulungan. ANO BANG NAGAWA KO PARA DANASIN KO ‘TO?? >__<

“Seph!” isang pamilyar na boses yung tumawag sa pangalan ko mula sa likod. Paglingon ko sa kanya si David pala. Nilapitan niya ko tapos hinatak niya ko papunta sa garden.

Feeling numb sinusubukan akong kausapin ni David pero hindi ko siya sinasagot. Nakatulala lang ako sa mga oras na ‘to. Naririnig ko padin sa utak ko yung mga pangungutya ng mga tao dito sa school. Malapit na ata ako ma depress.

“Seph! Pakinggan moko. Hindi mo kailangan pansinin lahat ng sinasabi ng tao sa school na ‘to. ‘Wag kang magpaapekto sa mga yan.”

“Akala mo ba madali ‘to? Wala ka kasi sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ikaw yung nahihirapan.”

Dito sa school na ‘to maraming homophobic. Hindi ko alam bakit parang akala mo dito lahat nag tipon yung mga ayaw sa third sex. Mga hindi tinuruan ng magandang asal ng mga magulang nila.
“Ok sige. Ganto nalang. Kakausapin ko sila lahat isa-isaat pagsasabihan ko… wala nadin akong ibang alam na paraan eto nalang naiisip ko—” pinigilan ko siya

“Hindi mo na kailangang gawin yan… sige aalis nako. Salamat nalang” nagsimula Nakong maglakad palayo pero hinabol lang ako ni David. Hinatid na niya ko sa classroom namin.

Hanggang dito sa kwarto ko rinig na rinig ko padin sa utak ko yung mga sinasabi ng tao. Hindi ako makafocus sa mga ginagawa ko. Tinakpan ko yung magkabilang tenga ko gamit ng dalawang kamay ko pero hindi ko maintindihan bakit nakakarinig padin ako ng boses. AYOKO NA!!!

“Joseph! Joseph! Si Mama ‘to. Ano bang nangyayari sa’yo anak??” Si mama ‘to!! Hindi ko na napigilang umiyak nung makita ko si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Feeling ko sa mga oras na ‘to naibsan yung mabigat sa dibdib ko.

*End of flashback*

“Joseph, okay ka lang ba? Kanina kapa nakatulala diyan” hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Bigla ko nanaman naalala yung nangyari sakin dati. Yung time na nadepressed ako dahil sa past issue na naranasan ko. Dafuq!! Minumulto nanaman ako ng nakaraan ko!

“Grabe ‘tong mga tao sa social media ngayon no? Kung makalait kala mo mga may naiambag na sa buhay ng ibang tao! Grabe kung makapanglait eh!” Si Patricia. Naging friend namin ni Nessa sa Economics since iisang section lang naman kami. Wala kasi siyang kasama pa kaya kami na nag first moved ni Nessa para makipagfriends sa kanya. Mukha naman din siyang mabait at mapagkakatiwalaan.

“Nako! ‘Wag mo na pagpapansinin yang mga yan! Maiistress ka lang lalo sa kanila!”

Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa.
“Hindi ko lang magets bakit kasi ganito sila. Ang weird! Tignan mo ‘tong isa kung makalait sa mga bakla…kala mo may nagawa sa kanyang masama yung tao! Tawagin daw bang inutil at salot sa lipunan yung mga bakla? Nakakalurkey!”

“Patingin nga niyan!” hinablot niya yung cp ni Patty “Asuuus! Waing kiber! Wala nang pag-asang mag bago yang mga yan!”

Ibinalik niya ulit yung phone kay Patty.

“Teka, nagawa niyo naba yung mga assignment niyo sa Nat sci?” nag agree lang kaming dalawa ni Patty “Pakopya nga!” sabi na nga ba!

Pinalo ko siya ng very light sa ulo ng hawak kong rolled bond paper.

“Paraa saan naman yon Joseph?!” habang nakahawak sa part na pinalo ko.

“Cheater!” inambaan naman niya ko ng librong hawak niya pero dinilaan ko lang siya.

1 new messaged received
From: FEA Cheering Squad
FEA Cheering Squad advisory:
Re: FEA Cheering Squad – Squadron members

ATTENTION to all Squadron auditionees! Today is the last and crucial part of your audition. Please do come @ the auditorium, 5:30 pm in the afternoon. Please don’t forget to wear your proper training attire. ATTENDANCE IS A MUST!
-Jerome “Imo” Dela Cruz, FEA Squadron President.

“Seph, nag gm yung president niyo sa squadron. Pupunta kaba?” nag nod lang ako sa kanya.

Hanep din ‘tong CS ng FEA. May sariling official registered number sa school para sa sa mga advisory nila kagaya nitong kakareceived ko lang mula sa number nila. Malaki siguro budget.

Sabado na sabado ngayon pero may audition kami. Required din pumunta. Sinabihan ko si David kagabi na hindi nako magpapatuloy kaso ayaw niya. Tumawag pa nga sakin at nagmamakaawa. Kala mo magulang ko para pagbawalan ako. Badtrip kasi pinasa pako sa second part! Ay, may I correct myself—lahat kami nakapasa kasi sabi ni Ma’am Leonor kailangan ng full force sa squadron. So, they call us now “The LUCKY 30”. Sows! PRIVILEDGE my ass!

Auditorium | Pagpasok na pagpasok namin sa entrance, unang bungad palang nakita namin lahat ng seniors ng team naka form ng 2 to 3 lines, tapos in full costume sila. Yung mga drummers nasa may gilid naka ayos din. Humarap samin si Mr.President.

“Welcome auditionees. First of all, congratulations sa inyong lahat na nakapasa sa second part ng audition. Pero ngayon, it’s time for the most crucial part ng audition niyo. As you can see lahat ng officers at at seniors ay naka linya ngayon according to their seniority.” What? Medj hindi ko nagets “Kung naguguluhan kayo. Sige.. All of them, your seniors, are ranked kung kalian sila sumali sa team na ‘to. Bawat linya nila ay may katumbas na kahulugan. Ang nakikita niyong tatlong linya ay sumisimbolo sa tatlong CORE VALUES ng squadron. Ngayon,I will give you 10 minutes to choose your leader na magrerepresent para sa inyong lahat and bring him/her to him after. I will explain to him kung anong gagawin niyo.”

Nagsimula na kami magtipon. Medj nahirapan kami kasi hindi pa naman kami ganon kaclose sa isa’t-isa so ako na nag suggest na si Aldwin na yung maging leader since siya lang naman yung oldies dito samin at may experience na sa mga ganito. Pagkatapos pumunta na siya kay Mr. President at may ibinulong kay Aldwin. Bumalik din siya afterward.

“Ano daw gagawin kuya?” Si Sheena.

“Ok. Makinig kayo. Kailangan lang natin i-convince yung bawat leader ng bawat linya na ibigay satin yung hawak nilang necklace na nag ssymbolized sa tatlong core values ng org. Meaning ipapapakita natin sa isang performance yung meaning ng Passion, pride and spirit. Huhulaan pa natin kung sino yung team leader bawat line. So medj mahirap” Explain niya samin. Ano bayan! Parang ang hirap naman non!

“Kilala mo naman siguro kung sino-sino sila no?”

“Actually..hindi. Hehe!” awtsu!

“Auditionees! You only have 1 1/2 hour to perform your duty! Tumatakbo ang oras, ‘wag niyo sayangin!”-Jerome

Si Aldwin na yung nag choreograph sa gagawin namin since siya naman yung leader tapos ginawa naman niya akong assistant niya. Eme niya!

Passion – meaning how strong yung interest namin sa pagsali sa org na ‘to. Yung passion to be more creative and enthusiastic sa mga ideas on how to create a formation na may wow factor na mag bibigay ng energy sa crowd na ieencourage namin once kasali na kami sa team. Bale ang ginawa sa performance namin ay pahangain ang mga seniors sa first line sa gagawin namin. At first hindi siya naging maayos dahil sa unfamiliarity. Pero sa pangalawang atake nakapasa kami at nakuha namin yung unang necklace. Lahat kami natuwa. Si Senior Gelo yung leader ng Passion line.

“Squadrons! You only have 1 hour and 10 minutes left”

“Anong susunod kuya Aldwin?” si Simon, isa din sa kapwa auditionee namin.

“Pride, tsong.”

Pride – meaning how can we handle the name of our team and FEA in general. Paano namin maipapabatid sa lahat na proud kami bilang member ng squadron at gaano kami kaproud bilang estudyante ng FEA. Ang ginawa namin dito is nagperform kundi nag dramatization how the word “Pride” represents the org. Pagkatapos namin iperform yung dramatization pumunta naman si Aldwin sa second line. Yung leader doon is si David.

“Rejected?” nag nod si Aldwin, “Daming alam ni David! So pano na Aldwin?”

“Pinapahirapan tayo ni David. Pero! May isa pakong alam na gawin”

Ang pangalawang ginawa namin ay mag form ulit ng dalawang linya na may 10 persons at nag assigned kami ng tatlong speaker para magsalita what is the meaning of Pride for us then pinerformed nila atleast 3 chants with movement. Nakipagkuntyaba nadin kami sa mga drummers for the beats. Sa huli naawa din naman si David samin kaya nakuha namin yung Passion necklace.  Lahat ulit kami natuwa.

“You only have 42 minutes left!”

And lastly..

Spirit – eto ang hindi ko talaga magets hanggang ngayon since sabihin sakin ‘to ni David nung nakaraan. Spirit? As in Kaluluwa? Ang tanging inexplain samin ni Aldwin ay combination lang daw siya ng Passion at Pride pero in a unique way. So paano yon? Ang ginawa ni Aldwin is nilapitan niya si si Mr.President para kausapin na hiramin yung Spirit necklace kaso mukhang hindi siya pinayagan.
“30 MINUTES LEFT! Squadrons, hindi niyo makukuha ang kahulugan kung hindi niyo susubukang bumuo ng isang planong magdurugtong sa tunay na respresentasyon at simbolismo ng salitang SPIRIT. Uulitin ko, you only have 30 minutes left!” sigaw ni Mr.President. Jusko!! Ang lalim ng sinabi niya.

Lahat kami naguguluhan na at the moment. Si Aldwin wala na din maisip na gawin maliban sa una niyang naging plano kasi yun yung ginawa nila last time nung unang sali niya. After 5 minutes…

“Alam ko na!”

O yes! Alam ko na talaga! Ngayon ko lang narealized! Kaya pala may napapansin ako sa mga necklace na yan. Katulad ng gustong mangyari ni Aldwin para masagot yung salitang spirit, hiniram ko muna yung dalawang necklace at tinignan ko ulit bawat isa. Sabi na! Magdurugtong. Yung mga necklace ay parang isang puzzle pieces na dapat pagkabitin para mabuo yung pinaka necklace talaga ng squadron. Spirit necklace. So, dahil medj bida-bida ako at ewan ko kung etong naisip ko ay tama, hiniram ko yung dalawang nakuha namin na necklace at naglakas loob nadin ako para harapin din si Mr.President.

“Bakit nandito ka? Anong kailangan mo?”
Wish me luck! I take a deep breath.

“Mr.President, pwede ko bang hiramin ang spirit necklace na hawak mo?”

“At bakit ko naman gagawin yon?”
Itinaas ko yung dalawang necklace na hawak ko at tinignan lang ni Mr.President.
“Anong gagawin ko diyan? Diba ang sabi ko isang—”

“—isang planong magdurugtong sa tunay na respresentasyon at simbolismo ng salitang SPIRIT. Pagdugtungin ang mga necklace na hawak ko para mabuo yung pinaka design ng necklace. Nandito ako sa harap mo ngayon Mr.President para hiramin and necklace na hawak mo, para patunayan na tama yung naisip namin” inabot ko sa kanya yung kanang kamay ko sa kanya pero..

“Ayoko. Hindi mo padin talaga nakukuha? Sige, gusto kitang icommend sa naisip mo kasi tama ka. Pero, hindi mo padin talaga nakukuha yung pinaka meaning ng salitang SPIRIT. Ngayon, maari kabang bumalik na sa mga kapwa mo auditionee at isipin kung anong—” pinigilan ko siya sa pagsasalita nung mabilis kong nilagay yung right hand ko sa chest niya. Nagulat siya sa ginawa ko
.
“Hoy! Ano yang ginagawa mo?”

“Mr.President, alam ko nung una hindi ka bilib sakin dahil sa pagkakamali ko nung unang part audition ng team. Yung kapalpakan ko dahil late ako sa audition at hindi ko alam talaga yung gagawin ko. Pero, nandito ako sa harap mo ngayon, pinapatunayan na deserving ako maging member ng team na’to. Determine ako para maging isang bonified member ng Squadron. Naniniwala ako na determination fuels our spirit, and with our determination and eagerness kahit na kami ay auditionees palang—” tumingin ako sandali sa mga kapwa ko auditionees “lahat kami ay determined patunayan na iisa kami sa hangarin namin”

Dahan-dahan kong inalis yung kamay ko sa chest niya. Ang tigas!

“Mr.President, may I request to borrow the last piece of the necklace and—” pinigilan niya ko sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay niya.

“Magaling. Mahusay ka, Mr.Castillo” he shookt his head “Pero hindi ko ibibigay sa’yo ‘to. Hindi mo nakuha talaga yung pinaka hinahanap ko. Ngayon, ang gusto ko, bumalik ka na sa mga kapwa mo auditionees at mag-isip pa kayo ng mas malinaw na paraan para makuha niyo ‘tong Spirit necklace”

What?! Ano pa bang gusto niya?? Grabe yung level of confidence ko para lapitan at magpaka bida bida tapos hindi pala siya convince? Yung dignidad ko jusme!

Gaya ng sabi niya, sinunod ko siya sa gusto niya. *Roll eyes*

Pinat ng mga kapwa ko auditionee yung likod ko for a job well done daw. Ibinalik ko kay Aldwin yung dalawang necklace. Ngayon, wala na kaming maisip na gagawing iba. We’re done na.
Maya-maya lumapit samin si Mr.President.
“Auditionees. Please fall in line!” luminya kami ulit in two lines kagaya ng pinagawa niya samin kanina. Tinignan niya kami isa-isa.

Lumapit siya kay Aldwin tapos inangat niya yung kanang kamay na may hawak na necklace at nagsmile. OMG! So tama nga ako sa hula ko? Kasi hawak niya na yung totoong necklace ns nasa isip namin ni Aldwin kanina pa. Isinuot niya yung necklace kay Aldwin at bumalik siya kung nasaan siya nakapwesto kanina. Lahat kami natuwa ulit. TAPOS NA!!

Biglang humataw yung mga drummers at sumabay yung mga seniors sa pamamagitan ng pag chant ng mga cheers ng FEA. 
“Congratulations Auditionees! Welcome to FEA Cheering Squad Squadron. Please give us a chance to wear this necklace to all of you as a sign that you are now a bonified member of this team. Laban Condors! Laban Squadron!” Lahat ng seniors. Lumapit sila isa-isa para isuot samin yung mga necklace na hawak nilaa at nagkaroon lahat ng chance para makipagcommunicate with each other.

“Joseph” napatingin ako sa kanya. Lumapit siya at isinuot niya sakin yung necklace na hawak niya.

“Congrats. Napahanga moko sa ginawa mo. Hindi ko inasahan yung ginawa mo. Naniniwala ako magiging isa kang magaling na member ng team natin in the near future. Sana magpatuloy ka lang sa team hanggang sa grumaduate ka. Makakaasa ba ako?” nag nod lang ako. Ang soft spoken niya ngayon. Ang sarap sa ears nung ganitong tone ng boses lang niya.
Pinat niya yung left shoulder ko then pinuntahan niya yung ibang kapwa ko auditionees para basbasan nadin.

Nakaramdam ako bigla ng saya dito sa puso ko nung inannounce na official member na kami ng squadron. Bigla akong naging interested sa team at nawala yung pag aalinlangan ko na sumali dito. Na uplift yung spirit ko kasi tingin ko naman masaya sa group na ‘to. This is it! Official member nako! From this day on I will now offer my whole college years para sa org na ‘to!!
Maya-maya pinatugtog ng drummers yung university hymn. Just like kung anong ginagawa every after training.

#FeelingProud

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Cheerleader (Tentative)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon