*Kriiiiiiiing! Kriiiiiiiiiing!*
Ang sakit talaga sa tenga nitong alarm clock ko! Anong oras naba? Pucha! 6:30 na pala! 7:15 start ng klase ko! Late nanaman ako!
Nagmadali nako maligo. Hindi nako nakapag almusal sa sobrang pagmamadali. Actually, malapit lang naman 'tong dorm sa school kung may sarili kang vehicle pero malayo-layo naman kung lalakarin. Imaginin mo kung lalakarin ko mula Espana hanggang Morayta. Ganon kalayo. Kaya sobrang nagmamadali ako tuwing papasok. Leche kasing alarm clock yon nadelayed nanaman!
"Tara! Samaha moko!" mabilis niyang hinawakan yung kanang kamay ko.
"Saan naman? Hoy Nessa. Baka nakakalimutan mo may klase tayo ngayon. Puro ka ditch."
"Eme ka! Activity period ngayon kaya walang klase mula 11:30 am hanggang 3 pm noon. May org fair ang school, remember? At tsaka hindi mo ba binasa mga text ko sayo?"Chineck ko yung phone ko at may 13 new messages siya sakin. Totoo nga sinasabi niya.
"Oo nga. Hehe!"
"Ayan sinasabi ko sa'yo eh! Tara na! May ipapakita ako sa'yo sure akong mag eenjoy ka dito."
Takte! Activity period lang pala ngayon. Hindi ako naging updated sa mga kaganapan dito sa school dahil sa sobrang busy ko sa mga school works. Mga feeling major kasi yung ibang mga minor eh. Kung alam ko lang na may event na ganito edi sana natulog nalang ako. Halfday lang naman din pasok namin ni Nessa ngayon. May valid reason pala yung alarm clock ko sa pagkakadelayed tumunog.
Haba ng tinakbo naming dalawa yun pala dito lang kami sa booth ng Bamboo band pupunta. Palibhasa member ng bamboo band yung crush niya pero wala yon dito sa booth nila ngayon. Nakalimutan ko lang yung pangalan pero nagsisimula sa letter "V" yon, e. Makakalimutin na talaga ako.
Habang nanunuod ako ng performance ng Bamboo Band, may biglang sumanggi sakin dahilan para mahulog yung mga hawak kong libro.
"Sorry, schoolmate! Sa'yo ata 'to.." bakit sobrang familiar ng voice niya?
Pag-angat ko ng ulo ko...
Sa lahat talaga ng makakasanggi sakin siya pa?
'David??' I mumbled.
"Joseph.."
Siya pala si David Carino. "Dave" for short. I usually call him sa palayaw niyang yan kasi yun yung gusto niyang lagi ko itawag sakanya. Yes, lagi. School mate ko kasi siya last 2 years ago sa dating school na pinapasukan namin parehas. Pero we're not in the same year level 'coz ako 3rd year lang noon at siya naman 4th year na, in short graduating. As far as I remember, naging close lang kami since co-officer ko din siya noon sa student council na pinaglilingkuran namin. Siya yung Vice president then ako naman yung Secretary. Well, close as in naging bff ko siya and then later on...
Nevermind! Past is past, never discuss!
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Sobrang laki ng pinagbago niya, bakit ganon? From emo style na parang yung lead vocalist ng 'My Chemical Romance', ngayon heartthrob na datingan niya. In short, mas pumogi siya. Nagulat ako kasi hawig niya pala si Leonardo Di Caprio. Legit! No Joke. Half American nga pala siya.
"David! Magsisimula na yung performance natin. Tara na!" may lumapit sa kanya. Ang cute niya! Friend niya ata 'to?
"Sige, Joseph. Mauna nako. Catch up nalang next time. Nuod ka ng performance namin!" then sabay na silang tumakbo papunta sa may entrance papunta sa likod ng grandstand.
Performance? Ano kayang klaseng performance yon?
"Uy! Magsisimula na mag perform cheering squad!"
"OMG girl! Tara nuod tayo!! Nandoon si David!"
Cheering squad? Doon siya talaga kasali? Iba din.
Nagsitakbuhan yung mga tao sa may gitna ng grandstand grounds. Karamihan puro babae at lahat sila mukha talagang excited. Ang gara. Ganito ba talaga sila kasikat?
Tinignan ko si Nessa. Tapos na din magperform yung Bamboo band kasi kinakausap na niya yung mga members. Teka? Kailan pa sila naging close sa isa't-isa? *Kamot Ulo*
"...ladies and gentlemen! May we present to you-the FEA cheering squad, together with the FEA Squadron and Drum squad!" Mas nagtilian yung mga tao.
Cheering Squad? Squadron? Drumsquad? So iba-iba pala ng category or division so to speak? Kala ko sayaw-sayaw lang talaga meron diyan.
Full costume 'tong mga dancers. Light yellow na skinny dry fit habang naka head dress ng ewan ko kung ano yon. It comes to my mind na hindi nga talaga belong si Dave dito sa dancers. Iba kasi yung suot niya. Naka jacket kasi siya na kulay dark green tapos may malaking logo ng school sa may right side at may maliit na logo ng condor, school mascot ng FEA, sa may upper left side ng chest, plus naka loose pants na white and then white shoes na may signature name ng Cheering Squad. Pwedeng sa squadron or sa drum squad siya kasali.
Pagkatapos mag perform ng mga dancers sabay pumasok yung squadron. Tama nga nasa isip ko, dito belong si Dave, sa Squadron. Nakita ko din kasi sa may likod ng jacket nila nung sabay-sabay sila tumalikod, nakalagay yung name ng group nilang: 'FEA Cheering Squad: Squadron'. Nasa unahan si David and FYI, kaharap ko siya. Punyemas! Kinindatan niya ko! Argh! Napatingin tuloy sakin yung mga tao sa paligid ko. Shit! Bakla ka ng taon David!
"Wala ba kayong mga kamay diyan?!" sigaw nung lalaking MC.
Ang cool din nitong performance ng squadron. Kung cool yung sa mga dancers, mas cool 'tong kela Dave. Nagchicheer and chants sila ng mga cheers ng FEA with matching hand movements plus formation din katulad sa mga dancers. Cute. Parang mga transformers. Buong performance nginingitian at kinikindatan ako ni Dave na parang walang nakakakita sa ginawa niya. Feel ko talaga kanina pako namumula sa pinag gagawa niya. Bilis din ng tibok ng puso ko. Bakluuuuuuh!
Beep!
BINABASA MO ANG
My Cheerleader (Tentative)
RomanceTBA - On going series. :) Paalala: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons...