Anong petsa naba at bakit feeling ko isang taon na ang nakakalipas? Mag tutwo weeks palang naman at halos kaka simula lang ng schoolyear pero bakit parang pagod nako?
Nandito lang kaming dalawa ni Nessa sa tech building canteen habang kumakain ng lunch. Kakatapos lang kasi ng Economics class namin at pagkatapos ng nitong break may last 2 subjects pa. Marami naman ibang canteen dito sa school pero bet lang talaga namin dito sa tech canteen ni Nessa kasi tingin naming dalawa, mas kumpleto dito. Maganda din ang ambiance dito. Imaginin niyo lang kung anong meron sa cafeteria ng High school musical kung napanuod niyo na yon? Ibang kulay lang ginamit nila kasi imbis na red and white, green and white naman sila dito. Parang sa La Salle lang. May pasounds din sila dito at fully airconditioned kaya nakakarelaxed. Ibang klase!
“Oy, Seph. Ano-ano nalang ba natitirang subjects para sa araw na ‘to?” Chineck ko yung English notebook ko. Dito ko kasi nilagay yung sched namin for the whole week.
“English AN at Speech 1 nalang tapos uwian na."
“Dalawa pa pala. Baka hindi nako pumasok ng speech class natin. May aasikasuhin lang akong mahalagang bagay.”
“Ano naman yang pagkakaabalahan mong importanteng bagay?”
“Ano—” inilayo niya yung tingin niya sakin, “mag auaudition lang ako sa FEA Cheering squad” whuat??
Cheering squad talaga? Kala ko mas bet niya sa Bamboo band kasi nandoon yung crush niyang si Vin. Ayun! Vin! Naaalala ko na yung name nung crush niya sa org na yon!
“Haaa? Talaga? Bakit doon? Bakit hindi nalang sa Bamboo band? Diba nandoon yung crush mo?”
“Bakit? Ano bang akala mo sakin? Dahil lang nandoon crush ko susundan ko na agad siya? Kaw talaga!” Sabi ko nga eh! “Pati, hindi ko na siya crush! Babaero pala yung Vin na yon. Wit! Cancel!” then nag pout siya.
“Sorry naman! So, kung sasali ka sa cheering squad, sa anong division ng Cheering Squad ka naman sasali? Dancer? Squadron? O drummers?”
“Bakit parang alam mo tungkol sa division ng CS? Balak mo din ba sumali? Sa Dance squad ako. Try mo sa squadron bagay kadon kasi sobrang lalim ng boses mo”
Ngumiti ako, “Ayoko…feel ko hindi ako fit. Sa sobrang payat ko baka pagtawanan lang nila ako don. Sabihin nila napaka trying hard ko”
“Arte neto! Hindi ka payat, fit ka. Try mo na din para naman may koneksyon ako sa squadron ka at once natanggap ako sa cheering squad. Pati, tangek! Maganda benefits sa cheering squad! May pascholarship plus food and sports allowance. May access din sa mga special facilities ng athletics like swimming pool, gym area, and everything under the sun. Then may chance kadin makasalamuha yung mga varsity athletes ng FEA! Bongga diba? Kaya Sali na!” Bongga nga!
Bago ko din makalimutan, dancer nga pala talaga ‘tong si Nessa kasi former member siya ng dance troupe ng dating school namin. Nirerepresent din nila yung school pero for regional lang kasi hindi kaya ng budget ng school para isabak sila sa ibang bansa. Hindi dn lahat may kakayahan magkapassport. Sa mga representative lang ng academic quiz bee sila nagfocus na pondohan kasi hanggang doon lang kaya. Sayang, para sakin one of the best teams yung club nila.
“Hindi ko lang alam kung kailan yung audition nila pero sure ako ASAP yon kasi may cut-off din sila na hinahabol. Pati sakto!” uminom muna siya ng iced tea, “Nandoon din si David! May Hatak ka agad! Bestfriend mo din yon diba? Ay! May I correct the term—” she clears her throat, “EX-BOYFRIE—" bago pa niya ituloy sinubuan ko agad siya ng brownies sa bunganga niya. Pakadaldal!
Ok! Since nasabi na ni Nessa… Yes! Naging ex ko si David. Siguro mga months lang? Pero para sakin fling fling lang yon. Mutual Understanding. Nothing more, nothing less. Just…fling. Malungkot kasi kami parehas noon. Nadamay din siya sa issue ko noon kasi pati ‘tong simple MU namin sa isa’t-isa ibinunyag nung putragis na pinagkatiwalaan ko talaga! Yung bwiset na yon? Naaalala ko nanaman!!
“Grabe ka sakin ha??!” hehe!
May 30 minutes pa bago matapos yung lunch. Mag-isa akong naglalakad dito sa may freedom park papunta na sa next assigned room for our next subject. Si Nessa naman pumunta muna sa registrar’s office para asikasuhin yung HS Form 137.
Calling…
David Carino
Tumatawag nanaman sakin si David. Kanina pa siya tawag ng tawag, hindi ko lang pinapansin kasi may klase kami. Kaya sinagot ko na habang may time pa ako.
“Seph! Free time mo ngayon no?”
BINABASA MO ANG
My Cheerleader (Tentative)
RomansTBA - On going series. :) Paalala: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons...