Harana

981 0 0
                                    

Isang dalaga, sa bintana’y nanungaw, Sa pispis na dilim siya’y tumanaw

Hatid ng gabi ay pamamanglaw, Liwanag ng buwan sana’y bigyang tanglaw

Ang kanyang pusong uhaw, tinataglay na damdaming nagmamaliw

Umaasam na di papanaw

Walang anu-ano’y may tunog na narinig

Nanambitang tinig, pamimintuho gamit isang awit

Sa saliw ng gitara’y pag-ibig ayaw iwaglit,

Mga salita ng pangako gaganaping pilit

Klasikong mga linyang, bituing marikit at Susungkutin mula sa langit

Mga talata’y kakantahin, nilapatan ng malamyos na melodiya

Sa pandinig ay tunay na nakakahalina

Ginoo’y patutunayan, Hangarin walang kawangis

Walang bahid na pag-ibig, siya nawa’y di maghinagpis

Pagmamahal na wagas sana’y may katugon

Mula sa dalagang, Sa bintana’y naroroon

Binibining nasiyahan, Sulsol ay pinakinggan

Sabi ng iba’y sundin kanyang kalooban,

Sa kanyang puso’y tingnan, Damhin ang katotohanan

Bibigyan bang pag-asa, Binatang gamit ay harana

Nagpaunawa ng mga katagang “Mahal Kita”

Ngayon at tuwi-tuwina, at hanggang ako’y lagutan ng hininga.

Mga Tula mula sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon