Mga Liham

142 0 0
                                    

Malalim na ang gabi,

Ilang oras na lang at ang haring araw sisikat na

Ngunit ang aking diwa ay gising na gising pa

Mag-isang nakahiga sa aking kama

Kinakapa ang bawat nadarama

Katatapos ko lang magbasa

Mga liham na mula sa mga taong nagpaligaya

Mula sa aking kabataan…mga kaibigan sa paaralan

Hanggang sa katatapos lamang na pakikipag-ugnayan

Sa mga ka-ibigang ako’y nilisan

Hapdi at sakit ng kanyang pag-iwan

Sa aking isipan at puso’y di makayanan

Sa bawat nasambit sa sulat na para sa aking itinatangi

Isang liham pag-ibig na nais sanang ibahagi

Hindi na matutupad dahil siya’y may iba ng pinili

Gustuhin ko man magalit

Puso ko’y tumututol at ayaw siyang iwaglit

Datapwa’t ako’y hindi na umaasang siya’y babalik

Tanging hiling ko lang kaligayahan niyang walang maliw

Habang kalungkutan, ako'y hindi alipinin

Mga Tula mula sa PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon