PROLOGUE

2 0 0
                                    

"It's late, kanina pa ang uwian ng elementary. Why are you still here?" tanong ko sa batang babae na nasa harapan ko ngayon at nakaupo. Namumula pa ang kaniyang pisngi dahil siguro sa lamig, Alas otso na ng gabi. I am sure that I am older than her dahil elementary ang school uniform niya maybe grade 5? salamantalang grade 8 naman ako. Gusot ang kwelyo niya at medyo magulo din ang buhok niya. She just stared at me intently with her cold eyes.

"Why do you have to know? Are we close?" her voice was even blank. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at inayos ang bag niya. Hahakbang na sana siya pero sa hindi ko malaman na dahilan, pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pag hawak sa balikat niya. Her gaze immediately went into my hand and then to me.

For the second time our eyes met, my heart started to beat in abnormal manner.

"Let go" utos niya sakin at naguguluhang binawi ko ang kamay ko. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. "Next time, You shouldn't stop someone to leave if you don't have the guts to make them stay" Saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.

Nakadikit lang ang mata ko sa likod niya. From that moment I told myself that I won't let her walk alone but I never had a chance to meet her again and I don't know if I'll have a chance to.

Through SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon