I: The Girl Who Admires The Moon

1 0 0
                                    

"Shaine, 'Di ka pa ba uuwi?" tanong sakanya ni Ace habang inaayos ang mga gamit nito sa table niya.

"Maya-maya" sagot ni Shaine nang hindi parin lumilingon sa katrabaho niya at pinagpatuloy ang pag-check sa mga gawa ng studyante niya.

"Sige mauuna na ako ha" paalam ni Ace at umalis na.

Ilang minuto pa ay natapos na ang ginagawa niya at inayos ang mga papel saka ito inilagay sa ilalim ng lamesa niya. Hinilot niya ang batok niya at hinubad ang sandals niya. Sinuot niya ang flat shoes na dala niya saka tumayo at dinala ang bag niya. Kakaunti nalang ang mga studyante sa at teachers sa campus dahil alas-syete na nang gabi.

Umupo siya sa bench ng waiting shed para mag hintay ng bus.Umihip ang malamig na hangin at napahawak siya mga braso niya. Malapit na ang December kaya lumalamig na din ang klima. Napa-ngiti nalang siya nang maalala niya ang isang ala-ala na hindi dapat. May huminto na Bus at sumakay siya kaagad.

Buong byahe ay nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Blanko ang mga mata niyang nagmamasid sa mga dina-daanan ng Bus. Ganito lagi ang halos routine niya. Trabaho Studyante at Bahay. Ayaw niyang wala siyang ginagawa dahil kapag nagiging tahimik na ang paligid niya at wala siyang iniisip o ginagawa ay binabalikan siya ng mga ala-ala na matagal niya nang pilit kinakalimutan.

Nang makarating siya sa bahay niya ay agad siyang nahiga sa kama at pinikit ang mga mata niya. Hindi niya namalayan na nilamon na siya ng antok dahil din sa pagod mag hapon.

"Saan ka pupunta!?" sigaw ng ama niya sa panaginip niya. "Hindi ka makatakas sakin!"

Pagod na pagod siyang tumatakbo sa kalsada habang hawak ang sapatos niya na ibinigay sakaniya ng kaniyang Ina.

"Sabay tayong mamamatay! Susundan natin ang nanay mo! Bumalik ka dito!" palakas ng palakas ang boses ng tatay niya pero hindi siya makagalaw dahil natagpuan niya nalang ang sarili niya sa luma nilang bahay at nakahiga niya sa dati niyang kama. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya maibuka ang mga bibig niya.

"Anak, Shhhh! Magsasama-sama na tayo" napatingin siya sa tatay niya na naka-upo na na ngayon sa tabi niya habang hinihimas ang buhok niya. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak dahil sa takot na nararamdaman niya.

Hinihingal siyang naupo sa kama nang saksakin siya sa panaginip ng kaniyang tatay. Agad na bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata at napahagulhol siya sa takot. Niyakap niya ang mga tuhod niya at nilunod ang sarili niya sa katanungan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin maalis alis sakanya ang takot na naidulot ng pangyayaring iyon labing-dalawang taon na ang nakakalipas.

Nang mapakalma ang sarili ay hindi niya na din magawang makatulog sa pag-iisip na mapanaginipan niya nanaman ulit ang bagay na yun. Nagtimpla na lamang siya ng kape at umupo sa hagdan ng pintuan niya. Dinama ang lakas hangin at lamig nito.

Maliwanag ang buong hardin niya dahil sa ilaw na nagmumula sa buwan. Hinahangaan niya ang buwan, dahil kaya nitong maging ilaw sa buong dilim kahit pa mag isa lamang ito. Itinaas niya ang kaniyang kamay na tila ba kaya niyang abutin ito.

"Sabihin mo sakin, hanggang kailan ko pa kailangan maging ganito?" umaasang makakakuha siya ng kasagutan. "Hanggang kailan ko kailangan maging katulad mo?"

Umupo lang siya duon hanggang sa napalitan ang buwan ng araw. Sabado ngayon at wala naman siyang gagawin kaya naisipan niyang linisin nalang ang buong bahay niya. Isang palapag lamang ito at may isang kwarto. Tamang tama lang sa tulad niyang mag-isa. Hiwalay ang kusina sa hapag kainan.Hindi mawawala ang pinaka pabotiro niyang sofa set at TV. Nabili niya ang bahay na ito sa nang makuha niya ang mana niya matapos mamatay ang tatay niya. Mag mula noon ay namuhay na siya mag isa at dahil subdivision naman ang lugar ay panatag siya na ligtas siya roon. Nakapag tapos siya ng kurso na Secondary Education major in Science at apat na taon na siyang nag tuturo sa Berington University.

Through SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon