Part 39 - The Dream

455 13 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Blake sa sala... 70 years old na kaming pareho. Uugod-ugod na talaga.

Matagal na ring ikinasal ang anak namin kay Kara. Sa States sila nakatira for the meantime para sa negosyo. Madalas din naman ang bakasyon nila rito. Ngayon nga ay pauwi na ulit sila para sa linggohang dalaw nila sa'min.

Yung mga katropa namin andito rin sa bahay. Sobrang ingay na naman. Andito rin kasi ang mga anak nila. Hehe... kami ni Blake ay masaya lang na nakatingin sa kanila. Nandito sa lap namin ang mga photo albums. Puro magagandang memories.

Abala naman sila sa kakapanood ng videos ng mga gatherings, outings at mga kalokohan namin noon.

"Masaya ako at magkasama pa rin tayo hanggang sa ganitong sandali, love."

"Ganun din naman ako, love. Salamat sa pagmamahal all those years." Ako

Patuloy pa rin ang mga katropa namin sa tawanan, asaran at iyakan... namimiss siguro nila yung mga panahong yun. Ang kukulit pa rin kasi. Parang hindi matatanda kong kumilos. Pati rin yung mga anak nila naiiyak na rin tuloy sa mga pinagsasabi nila.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang pinakahihintay namin... ang aming si Eira at ang asawa niyang si Kara. Sobrang namiss namin ang mga ito.

Halos hindi makapagsalita si Eira nang makatingin sa amin. Sobrang namiss niya rin kami syempre. Nakahawak lang sa braso niya si Kara. Papalapit na siya sa amin ni Blake...

"Mom... Dad..." 😭😭😭😭😭😭😭

Naiyak kami sa reaction niya. Pero may ngiti sa aming mga labi kasi alam naming masaya siya kay Kara at nasa stable disposition na siya ng buhay niya.

Agad niya kaming niyakap at humagulgol. Humagulgol na rin si Kara.

 Humagulgol na rin si Kara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Eir..." at niyakap ako ni Tita Casley. Nakasuporta pa rin sa akin ang asawa kong si Kara.

"Ang daya niyo naman... sana hinintay nyo muna kami ni Kara." Sabi ko habang nakatunghay sa mga magulang ko. Grabe na ang iyak ko. Palipat-lipat kong niyayakap ngayon ang dalawang kabaong kung saan nakahimlay ang dalawang pinakamamahal kong tao sa buhay ko maliban kay Kara. Alam ko namang papunta tayong lahat rito pero hindi ko matanggap na wala na talaga ang mga magulang ko. Ang sakit; ang sakit-sakit! 😭😭😭😭😭😭😭🙏🏻✨

 Ang sakit; ang sakit-sakit! 😭😭😭😭😭😭😭🙏🏻✨

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
IT'S IN MY BLOOD (GIRLxGIRL - MATURE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon