Part 2 - Beginning

2K 53 0
                                    

Patuloy pa rin ako sa pag-inom nang biglang tumugtog yung banda ng bar na'to. May live band nga pala rito tuwing Saturdays. They're currently singing 'I want something just like this', yung mala Cooper Lee ang version. Paborito ko ang kantang 'to kahit paulit-ulit lang naman yung lyrics. Sumasayaw na yung ibang mga lasing. At ako dala na rin ng nainom, tumayo na at nakisayaw na rin.

But she said, where'd you wanna go?
How much you wanna risk?
I'm not looking for somebody
With some superhuman gifts
Some superhero
Some fairytale bliss
Just something I can turn to
Somebody I can kiss

I smoothly and seductively swayed my body... sinasabayan ko lang yung kanta; wala akong paki sa mga tao sa paligid ko nang biglang may humawak sa bewang ko para alalayan ako.

"Tsk. You're drunk I can say." Tiningala ko sya kasi medyo matangkad siya sa'kin.

"Akala ko umuwi kana." Imbis na tarayan siya ulit, medyo natuwa pa'ko sa idea na andito pa pala siya. Napansin kong naging malamlam ang tingin nya sa'kin.

"I can't leave you like this." And she winked. Pati ba naman pagwink ang hot nya parin?! Sinabayan nya nalang ako sa pagsayaw. Kung ako sexy, siya naman yung tipong parang lalaki lang makipagsayaw; pero magaling din naman sya. Ang cute lang.

"You're gorgeous." Sabi ko sa kanya. Medyo may landi na yung pagkakasabi ko. What the heck?! Halata naman siyang nabigla pero nagsmile pa rin. Pinulupot ko yung mga kamay ko sa batok nya at siya naman mas inilapit yung katawan ko sa kanya by grabbing my waist closer. Nakatitig lang siya sa'kin at ganun din ako sa kanya. Bigla akong nainitan. Feeling ko kasingpula ko na yung paborito kung shade ng lipstick ko na 'pussy red'. At bakit naman kaya?

"I just hope na hindi lang dahil sa ininom mo kaya ka nakakapagsalita ng ganyan." She murmured. Hindi ko pinansin ang mga sinabi nya at nagpatuloy nalang sa pagsasayaw. At nang chorus na...

I want something just like this
Doo-doo-doo, doo-doo-doo
Doo-doo-doo, doo-doo-doo
Doo-doo-doo, doo-doo-doo
Oh, I want something just like this
Doo-doo-doo, doo-doo
Doo-doo-doo, doo-doo-doo
Doo-doo-doo, doo-doo-doo

Panay na ang indak ko. Siya naman ay hindi pa rin binibitawan ang bewang ko. Yung mga kamay ko winawagayway ko na pataas. Feel na feel ang moment eh. Siguro sa sobrang likot ko kaya bigla nalang ako nahilo ng sobra at biglang nagdilim yung paningin ko.

Paggising ko...

"Aaraayy..." sabi ko at hinang-hina na iminumulat ang mga mata ko

"Buti naman gising kana, Miaka." Sabi ni Casley na nakaupo (seryuso ang mukha) at nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

"Babe?" Nagulat pa ako kasi andito pala ako sa kwarto nya.

Hinay-hinay akong naupo sa kama habang hinihilot yung sentido ko. Grabeng hangover naman 'to. Fuck! Ilan ba nainom ko?!

"Nasobrahan ka kagabi. Hindi ka naman sana brokenhearted." At napabuga pa ng hangin

"Brokenhearted lang ba pwedeng magwalwal? At teka, paano ako napunta rito sa kwarto mo?"

"Hinatid ka ng pinsan ko. Loka-loka ka, bigla ka nalang nagcollapsed sa dancefloor. Buti nalang nakaalalay siya sa'yo."

"Ganun ba?" Nag-isip ako sandali. Medyo nagsisink-in na rin sa'kin yung kagabi. "So pinsan mo pala yung hot na babae kagabi?"

"Exactly. Buti nalang talaga andun siya. At kung anu-ano pa pinagsasabi mo nung nasa kotse na ka'yo. Tawa lang ng tawa yung pinsan ko. Pasalamat ka, mabait yun. Halos ayaw mo pa bumaba sa kotse. Para ka na ngang unggoy kakalambitin sa kanya. Hinayaan ka lang nya. Umiiyak ka na parang bata at bigla ka nalang magsusumbong sa kanya. Ang labas tuloy eh para mo akong mama mo na pinapagalitan ka kagabi. Ganun ka kabaliw. Tss..." Mahabang sermon nya

IT'S IN MY BLOOD (GIRLxGIRL - MATURE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon