Part 37 - Offsprings

424 12 0
                                    

"Oyyyyy..." tudyo ni Reva kay Eira. She's the 8-year old daughter of Dahryl and Eva.

"Ito, gusto mo?" Pabirong pinakita ni Eira kay Reva ang maliit na kamao niya.

"Asuzzz... ou na, happy birthday, Eir!!!" Reva

Natatawa lang kami sa gilid habang nakamasid sa kanila.

"Mana talaga yang anak mo sa'yo, Dani." Blake

"Syempre!" Dahryl

"Sumasakit nga ang ulo ko Kei sa mag-amang yan." Eve

"Yaan mo na, saan paba magmamana?" Napapangiti kong sabi.

Tinutukso kasi ni Reva si Eira kay Kara. Mga batang 'to! 🤦🏻‍♀️💆🏻‍♀️

Bigla namang lumapit sa kanila ang anak nila Babe na si Cassie. Kaedad lang niya si Reva.

"Hoy, tigilan mo nga yan si Ate Eira, Reva. Halika rito at kunan mo ako ng magandang angle." Sabay abot niya sa cp niya.

"Naman Cas oh, hindi kaba nagsasawa sa mukha mo?"

"Sige, mang-asar kapa, hindi kita tutulungan kay Faye." Tukoy niya sa 7-year old na anak nila Faith at Hope. Aba-aba! Ang haharot lang ng mga ito. Sumbong ko nga ang mga ito sa mga magulang nila.

"Hmp! Pinagsasabi mo." Reva. Pero kinuha na rin ang cp na iniabot ni Cassie at kinunan ito ng pictures. Hahaha! Ngiting tagumpay ang anak ni Babe.

Busy naman na nag-uusap sila Cas, Emj, Faith at Hope. Hindi na napapansin ang bangayan ng mga bagets.

"Cassie, ako nalang magpipicture sa'yo, baka pagod na rin si Reva." Sabi ni Lowen, ang kaedad lang ni Faye na anak nila Charlotte at Wynken. She's a 7-year old beauty.

"Huhu. Salamat, Low... pinahirapan ako ng husto ng babaeng 'to." Reva

Inirapan naman siya ni Cassie. Mana lang kay Babe. Haha!

"Okay. Sabi mo eh. Thanks ah." Cassie

"Sure!" At ngumiti ng pagkatamis-tamis si Lowen kay Cassie. Aba, may namumuong LPA (Low Pressure Area) rin sa mga 'to. Parang nasa dugo rin lang nila ang pagiging baluktot namin. Hehee.

Lumapit naman sa'min sila Karen at Shiela kasama ang anak nila.

"Oh, ayaw mo ba lumapit sa kanila Kara?" Tanong ko sa bata.

"Ayoko po, Tita. Kainis po kasi 'yang si Reva, tinutukso kami ni Eira." Nakanguso pa ito pero hindi naman masasabing disgusto talaga siya sa pang-aasar sa kanya.

"Boto naman kami sa inyo ni Eira, anak." Karen

"Dada naman eh..." namula pa si Kara. My gosh! Sa murang edad, kinikilig na.

"Ang harot mo, budz! Mga bata pa yan." Shiela

"Ou nga naman, Karz. Ang harot mo rin ano?" Ako

"Excuse me, Kai. Sinabi ko lang na boto ako nuh. Hindi ko naman sinabing jojowain na agad ni Eira si baby ko. Dadaan muna siya sa butas ng karayom. Hahaha!"

"Ikaw ang tutusukin ko ng karayom." Blake

Natawa pa ako. Natawa rin ang munting si Kara.

"Kara..." tawag ni Eira

"Ayan naaaa!!!" Reva

Pinandilatan naman ng mata ni Eva ang anak niya. Agad naman itong tumakbo at nilapitan sila Lowen at Cassie.

IT'S IN MY BLOOD (GIRLxGIRL - MATURE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon