Chapter 1 (My friends)

21 0 0
                                    

"Aya's POV"

Naglalakad ako papasok ng school, mas gusto ko talaga maglakad kaso hindi ako pinapayagan ni daddy. Kaya nga daw may kotse kami para hindi ako mahirapan papuntang school. Exercise na din naman 'to, para naman mabilad ako pag umaga lagi nalang naka Kotse,Kotse,Kotse. Gusto ko din ma-experience na maglakad.

So, this is my first time walking from my house to school. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil marunong naman akong lumaban, kaya kung pagtitripan man ako ay diretso suntok.

Natatanaw kona ang gate ng school kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko, para mauna ako sa classroom. Btw, this isn't the first day of school, halos isang buwan na ng mag simula ang school year. Tapos ngayon ko lang naisipan mag lakad papuntang school.

May kaibigan naman ako dito kaso isa lang dahil nasa ibang school yung dalawa. You'll meet them later.

Ang friend ko dito sa school ay si Fiery Ginalyn, I call her "MAYA" because she always say the word "MAMAYA NA".

The other two is Cattaleihya
Elaine and Hazel Clarinette.

Maya is the type of friend na kalog, maingay, super clingy, nagger and the laging sawi sa pag-ibig. While Elaine and Hazel is the type of friend na mahinhin pag sa ibang tao pero pag kami ang magkakasama ay daig pa ang may rally, super makulet, magaganda din. Actually, lahat naman ng friends ko ay maganda.

After so many years!!. Nakarating din sa School. And there I saw my crazy friend running like a kid with open arms. FACT THIS!

*HUK*
Aguy!. Ang dede ko naipit...

"BWISET KA TALAGA MAYA!!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil literal na naipit. Kawawa naman tong dibdib ko, tiningnan ko ng masama si Maya at ang gaga tumawa lang, hmp, kung hindi ko lang 'to kaibigan baka kanina ko pa nasapak.

"Chill, wala ka namang dede remember?" Tang*na neto. Saaming dalawa eh, mas may laman pa nga dibdib ko kesa sakanya.

"Hoy!! Sa ating dalawa ikaw ang walang dede" tumawa lang ay.
"Kaya ka iniiwan kase walang makapa!" Sabay tawa ng malakas, napatigil din naman ako kaagad dahil nakatikim ako ng napakalakas na kaltok galing sakanya.
"TANG*NA MO TALAGA! ISINUSUMPA KO SANA WAG KANA MAGKAROON NG JOWA!." Luh, gagong toh sinigaw talaga.
"Maya walang ganyanan. Iloveyou na! Mwaps!"
With matching finger heart
"Halika na nga, pasok na tayo..."

Pagpasok namin sa classroom ang nandon palang is yung Class President and the Class Monitor. Syempre, kelangan dapat maaga sila dahil sila nag checheck ng attendance at kung sino ang late.

Umupo agad kami ni Maya sa unahan. Maaga pa naman kaya kinuha ko muna ang cellphone ko tsaka yung earphone ko.
"Babae, may dalaw ka ano?" Tiningnan ko lang sya at sumagot.
"Oo, bakit??"
"Wala lang hehe" Pinagmasdan ko lang si Maya habang may kinakalikot siya sa bag niya.

"Pst. Aya, selfie tayo" Tumango lang ako at humarap sa camera. Naka ilang shots muna kami bago tumigil. Nagsi datingan nadin ang mga kaklase ko kaya inayos ko na ang mga gamit ko, linabas lahat ng kakailanganin at itago ang mga hindi naman kailangan.

After few minutes, bumukas ulit ung pinto at inuluwa non ang aming guro.

"Goodmorning Class!!"
We all stood up to greet our teacher.
"Goodmorning Mr.Caña!!" Ngumiti siya ng napakalapad, kasing lapad ng noo niya, hehehe.
"PFTTT" I looked at Maya na halatang nag pipigil ng tawa. Etong babaeng toh makatawa ay. Dumukwang siya ng konti sakin para bumulong.

"Kintab ng noo ni ser. Hehehe" Huminga ako ng malalim dahil gusto kong tumawa. Well, totoo naman kase mukhang nagmamantika ang noo ni sir. Naglagay nanaman siguro ng baby oil. Dumukwang din ako palapit kay Maya at bumulong "Tang*na mo. Please, shut up" gagi, hirap magpigil ng tawa huhu.

FOREVER YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon