Chapter 4 (Girlfriend)

8 0 0
                                    


Nasa tapat ako ngayon ng Coffee Shop malapit sa school para bumili ng coffee. Hindi na'ko nag breakfast dahil nagmamadali akong umalis ng bahay, bigla kasing nag text si Maya na nasa school na daw silang tatlo at ako na lang ang hinihintay. Excited eh, ang aga pa naman watdapaking pak its only 7:00 in the morning tapos 8:30 pa magbubukas ang mga clubs. Walang mga klase ngayon kase ngayong araw din kami pipili ng mga sasalihang clubs, maghapong audition 'to buti na lang at dalawa lang ang club na sasalihan ko. Swerte ng dalawang buang, nag transfer kung kelan intramurals, ang bongga ha!.

Nag park na'ko sa katabi ng kotse ni Hazel, magkakatabi ang kotse naming apat iba't ibang uri ng kotse ang nasa parking lot ng school. Hindi kona iisa-isahin dahil tinatamad ako basta ang kulay ng kotse ko ay Black BMW, Hazel's car is White BMW, Maya's car is Gray BMW and Elaine's car is White also.

Gaya-gaya sila charot lang, eto talaga ang gusto naming apat, pinapili kaming apat ng parents namin ng kotse na gusto namin kaya tada! Lahat naka BMW.

Nakita ko silang tatlo na nakasandal sa kotse ni Hazel.

"Tagal mo! Ano teh lumandi ka nanaman noh! Btw, I have- I mean we have a bad news" Gago, ke aga-aga landi daw ba unahin, wala ngang goodmorning ampota.

Umagang umaga bungaga ni Maya ang nabungaran ko.

"Ano yon?" Tanong ko habang inaayos ang buhok ko.

"May jowa si Theios"-Maya/Elaine/Hazel

"Ahh jowa lang naman pal- JOWA?!" Wtf! Ano bayan broken nanaman ako. Crush na nga lang ang meron ako nasasaktan padin, charot lang. ok lang naman sakin crush ko palang naman si Theios, hindi ko pa naman mahal kaya okay lang.

Tumango lang silang tatlo

"Katabi ng kotse mo, yung kotse ng girlfriend ni Theios" inginuso ni Hazel yung kotse ng jowa ni Theios.

"Ayos lang yan, pero ba't ang aga niyo ata?" I asked them

"Kukuhanin namin ang schedule namin sa Office, tsaka magpapalipat din kami sa section niyo kung hindi tayo magkakaklase diba." Si Elaine ang sumagot dahil busy ang dalawa sa paglalagay ng liptint

"Oh, okay, let's go!" Hyper na hyper ata ako ngayon. Pero ba't naman ako malulungkot diba? Dahil ba sa nalaman kong may girlfriend si Theios?, ang babaw ko naman. Pero simula ngayon hindi kona papansinin si Theios noh.. oh diba mababaw nga.
But its ok,madami naman akong crush noh!grrrr

Pumasok kaming apat sa Principals Office para kuhanin nga ang schedule at kung saang section sila nailagay.

"Goodmorning Mrs. Gavez" We greeted the school principal.

My auntie is the principal of this school. Auntie ko siya sa side ni Mommy, Her full name is Kassandra Gavez.

"Goodmorning Ladies, You guys are so early"

"Para maaga din po makapag audition." Sagot ko

Ngumiti siya at inabot sa dalawa ang folder na hawak niya

"Anjan na ang schedule niyong dalawa Miss Elaine and Miss Hazel. Parehas lang naman kayo ng schedule ni Aya at Fiery, linagay ko din kayo sa iisang section 'coz I know magpapalipat din kayo, kaya inunahan kona. Welcome to the University girls! Enjoy this school year." Ngumiti lang ang Principal saamin bago tumalikod at bumalik sa upuan niya.

Pagkalabas namin ng Principals Office ay pumunta muna kami sa field para tignan ang schedule ng dalawa, though sinabi na ni Tita pero wala namang mawawala kung iche-check diba?.

Umupo agad ako sa ilalim ng puno.

"Parehas lang talaga ang mga schedule natin, walang naiba."- Maya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FOREVER YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon