Nandito kami ngayon sa Starbucks para mag meryenda. Si Elaine ang umorder para saaming apat, treat niya daw dahil may good news sila ni Hazel.Bumalik naman kaagad si Elaine dala ang order. Pag upo niya ay tinanong kona kung ano ang good news nilang dalawa.
"What's the good news??" Tanong ko habang sumisimsim sa inumin ko.
"Oh about that. Me and Hazel will transfer to your school, pumayag na ang parents namin at bumili sila ng condo malapit sa school" napatingin ako kay Maya na biglang nagtitili kaya pinag titinginan siya ng mga tao."Really?!" Tanong ni Maya na may kasamang palakpak. Sabay na tumango ang dalawa..
"Grabe ang saya siguro ng School Year na 'to kumpleto tayong apat!" Nakaka excite dahil nakumpleto ulit kaming apat, humiwalay kase silang dalawa saamin ng tumungtong kami ng grade 10.After 2 years nagsama ulit kami sa isang school.
"Papasok na kami sa Monday!!" Hindi ko na napigilan, tumayo ako para yakapin silang dalawa. I'm very happy.
Napatingin kaming tatlo kay Maya ng bigla itong dumukdok sa mesa. Bumalik ako sa upuan ko habang nakatingin kay Maya.
"Hoy! Anyare sayo?" Sumilip siya saakin at sinenyasan ako na tumahimik.
"Nakikita niyo yung apat na lalaking pumasok?" Tumango kaming tatlo
"Crush ko ang isa jan si Rio. Kaya ako nagtago kase nag send ako ng DM sakanya kaso sineen lang ako, sinabi ko lang naman na crush ko siya grabeng kahihiyan. Shit" na seen mode pala ang gaga.
"Pakilala mo naman sila samin" mukhang nagka interes si Hazel dahil kanina pa nakatingin sa counter kung nasan yung apat na lalaki. Bruh, lahat sila gwapo, pero isa sakanila ang pumukaw sa atensyon ko.
His eyes are gray, pointed nose, thick eye brows, perfect jaw line and his fcking red lips. Parang ang sarap i-kiss, charot. His hair is color brown na messy, ang gwapong nilalang naman neto.
"Okay, The guy with the white shirt is Rio"- Maya
"Gaga lahat naka puti"-Hazel
Natawa kaming tatlo sa turan ni Hazel.
"Okay sorry. Kita niyo yung lalaking black na black ang hair? That's Rio. Yung lalaking may hawak na phone ay si Cross. That guy the one who's on the counter is Cloud. And the last one is Theios yung lalaking naka earphones" nice names."Akin si Cloud!"- Hazel
"Akin si Cross!"- Elaine
"Akin si Rio!"- MayaThey all looked at me.
"What are you looking at??" Tinaas baba nila ang kilay nila.
"Jan kana kay Theios, gray eyes si Papi Theios." Napailing nalang ako sa mga kabaliwan nila.
"Pano mo sila nakilala Maya?" I asked
"What?! Hindi mo sila kilala!" Umirap ako."Hindi sana ako magtatanong kung kilala ko diba?" Umiling iling si Maya na parang dismayado sa tanong ko.
"Girl, sila ang heartthrob sa school natin! Oh my gosh! I thought kilala mo sila. Nasa kabilang building lang, STEM students." Tumili si Hazel tsaka si Elaine.
"Tama ang desisyon natin Elaine na mag transfer sa school nila Aya. Everyday natin silang makik-" napatigil sa pagsasalita si Hazel dahil naka tuon ang tingin niya sa isang grupo ng lalaking umupo sa tapat ng table namin. Pasimple akong kinurot ni Maya dahil sa kilig, inismiran ko lang siya at nag phone.
"Aya"-Hazel
"Yes?" Tumingala ako para tignan si Hazel dahil tinawag ako.
"Si kuyang gray eyes kanina pa nakatingin sayo" inginuso niya si Thieos. Pasimple akong sumilip sa table nila, and Hazel's right nakatingin nga ito sakin. Isinawalang bahala ko nalang dahil wala naman akong makukuha sa tingin niya. Buti nalang kung jojowain niya ako diba, baka sakaling makipag titigan pa ako sakanya.
BINABASA MO ANG
FOREVER YOURS
Fanfiction"ISA LANG ANG MAIPAPANGAKO KO SAYO, THAT I WILL BE "FOREVER YOURS". SAYO AKO NGAYON, BUKAS, AT SA DARATING NA MGA ARAW," ~THEIOS