Prologue

5 4 0
                                    

Maddie's POV

Kagagaling ko lang sa trabaho ko at ngayon ay pauwi na ako. 5 pm na rin kasi ako natapos.

Naglalakad nalang ako dahil kakababa ko lang din naman sa jeep saka malapit lang naman yung bahay namin.

"Maddie!" Napalingon ako sa likod ko dahil sa kung sino mang tumawag sakin. Napangiti nalang ako nang malaman ko kung sino ang tumawag sakin.

"Faye" nakangiti kong tawag sa kanya. Agad naman siyang naglakad ng mabilis palapit sakin habang nakanguso.

"Bakit Di mo ako hinintay kanina?" Nakanguso pa rin niyang sabi kaya napatawa nalang ako.

"Maaga kasing natapos yung trabaho ko kaya naman nagpunta na muna ako sa mall para bilhin yung pinapabili ni ate"

"Edi sana sinama mo ako sa mall!" Pagmamaktol pa niya kaya napailing nalang ako.

"Paano kita isasama? Eh diba nga kasama mo yung bf mo?"

"Manliligaw ko palang yun"

"Sus, dun din pupunta yun. Kunwari ka pa eh halata namang may gusto ka sa kanya" tawa ko pa. "Saka ayokong maging third wheeler niyo nanaman. Saka nasa trabaho ka pa that time together with your 'soon-to-be-boyfriend'"

"Kahit na! Dapat hinintay mo pa rin ako! Dapat sabay tayong nagmall!" Nagpapadyak pa siya na parang bata kaya napailing nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad at siya naman ay sumabay sakin.

Napailing nalang ako. Wala na akong magagawa. Ganito talaga si Faye, Di marunong magpatalo.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at abot pa rin ang pangaral--- wait, pagmamaktol pala--- niya sakin na dapat daw ay hinintay ko siya kanina para kasama ko siya magmall. Tsk, Di ko talaga alam kung paano ko ba naging kaibigan 'tong si Faye eh.

Abot naman ang sabi ko sa kanya na tapos na yun kaya magmove on na siya pero ang loka trip yata talaga akong guilt-ihin. Wala na talaga akong magagawa sa kaibigan kong 'to.

"----kaya nga dapat hinintay mo ako! Paano nalang kung may mangyaring masama sayo? Paano kung may mangholdap sayo? Paano kung may kumidnap sayo? Paano kung may mangrape sayo? Tapos wala kang kasama kung mangyari man yun?! Tsk, kaya nga dapat sinama mo ako! Para at least may magtatanggol sayo!" At sa sobrang daldal niya ay nagiging OA nanaman siya. As if naman na may gumawa sakin nun?

"OA ka nanaman, Faye"

"OA na kung OA! Basta sinasabi ko lang yung mga posibilidad na mangyari sayo kapag wala kang kasama!"

I looked at her flatly. "At sino naman ang gagawa nun?"

"Aba'y malay!" Pagkatapos ay bigla na lamang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Puno ng karahasan ang mundo, Maddie. Di lahat ng tao mapagkakatiwalaan. Di mo alam kung baka isang araw ay bigla nalang may mangyaring masama sayo. Lahat may inaasam at yung iba, gagawa ng karahasan para lang makamit ang kanilang inaasam" seryoso niyang sabi kaya napangiwi nalang ako. Ayan nanaman siya sa mga matalinhaga niyang mga sinasabi. Napahinga nalang ako ng malalim saka tumingin sa daan habang naglalakad pa rin.

Di nalang ako nagsalita kasi mukhang seryoso na talaga this time si Faye. Oo, OA siya kung minsan at sira-ulo pero kapag seryoso siya ay lahat ng mga sinasabi niya ay talaga namang mapapa-'wow' ka nalang.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa nagpaalam na siya kasi iba na yung dadaanan niya kaya naman ay ako nalang mag-isa ang naglalakad.

Nung malapit na ako sa bahay namin ay may nakita akong kausap ni Ate kaya naman napahinto at napakunot ako ng noo.

GhosterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon