Chapter 2

6 1 0
                                    

AN: Para po hindi malito sa pangyayari sa chapter na ito ay nangyari po ito kasabayan ng POV ni Winston nung gabi na. Basta basahin niyo nalang para magets niyo ko hshs. Feeling ko kasi mas magulo pa ako kesa sa part na 'to eh HAHAHAHA

Maddie's POV

Habang nangangalikot ako sa aking cellphone ay bigla namang tumabi sakin si Ate kaya naman ay napalingon ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya at tipid niya naman akong nginitian.

Simula nung araw na iyon ay ganito na siya. Laging tipid kung ngumiti. Tsk, pinagsabihan ko na kasi eh pero Di pa rin nakinig sakin.

Pero Di ko naman siya masisisi. Tutal choice naman siya 'yon at hindi naman niya hawak ang mga mangyayari.

"Pwede mo ba akong ibili ng chocolate sa 7/11?"

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa wall clock namin at nakangusong tumingin ulit sa kanya.

"Ate, malapit na mag-alas dyes oh" turo ko pa sa may orasan.

Napatingin naman siya dun at napabuntong hininga.

"Sorry, gusto ko lang kasi kumain ng chocolate ngayon. Di bale, ako nalang ang lalabas para bumili" akmang tatayo na siya nang pigilan ko siya.

Tsk, nangguilty pa 'tong si ate. As if naman na payagan ko siyang lumabas ng bahay ng ganitong oras eh alam ko namang mag-eemote siya sa labas dahil sa lamig ng gabi. Pustahan, titigil siya sa isang tabi tapos ay iiyak ng iiyak. Tsk, alam ko na yung mga ganun ni Ate. Di kasi naniwala sakin noon eh! Ayan tuloy.

"Oo na, ako na ang bibili!" Sabi ko dahilan para ngumiti siya kaya naman ay naiiling na tumayo ako at kinuha ang shoulder bag ko saka lumabas ng bahay.

Pumunta ako sa bike ko at saka ako sumakay doon at nagpidal. Since tinatamad akong maglakad ay magbibisikleta na lamang ako at saka medyo malayo kasi dito yung 7/11 eh.

Bumisita ay este nakitira na rin pala kami ni ate dito sa bahay ng pinsan namin dahil miss na rin namin siya saka para naman sumaya na rin si ate. Tama na ang kakadrama niya tsk.

Siguro ay five months kami dito ni ate since yun na rin naman yung napag-usapan naming tatlo saka pumayag na rin yung parents namin dahil nga sa nangyari kay ate at para naman daw ay tuluyan nang makalimot si ate. Saka para makapagbakasyon na rin ako, ganun ma rin si Ate. Pero I still need a work.

Kaya eto, naghahanap na rin ako ng trabaho dito kahit na five months contract lang para naman Di nakakahiya sa pinsan namin at saka nakakabored sa bahay eh.

Sumama nga rin si Faye samin dito para daw matakasan niya yung manliligaw niya. Sus, alam ko namang in love din siya dun kahit Di niya aminin habang si Geo naman ay bibisita nalang raw dito kapag may oras siya kasi nga ay busy siya sa trabaho niya pero Di daw siya sigurado dahil baka hintayin nalang daw niyang umuwi kami nila ate dun sa lugar namin. Pero sana nga ay makabisita siya dito kasi miss ko na rin siya. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ako. Kakaisip ko 'to kay Geo eh!

Nang makarating ako sa 7/11 ay agad kong pinarada ang bike ko at agad na pumasok sa loob para bilhin yung chocolate na gusto ni ate. Nang makakuha na ako ay napagawi naman ako sa may merong mga alak. Napalabi nalang ako nang makita ko yung soju. Geez, gusto ko talagang matikman 'yon pero wag na muna kasi Di nga pala ako umiinom ng alak.

GhosterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon