Nung nakauwi na ako sa bahay, nilabhan ko kaagad yung jacket na pinahiram sakin nung lalaki kanina pagkatapos ay nagshower muna ako at nagbihis ng pambahay.
Nagluto ako ng kanin at tsaka ulam. Bukas ng umaga pa kami magskaskype ni Rei kasi may trabaho pa yun ngayon. Kumain nalang muna ako at nanuod ng tv sa sala.
Cartoon network!!!! Tehe!
Kumuha ako ng chocolate ice cream sa ref at kinain yun. Hmmm!!! Ang sarap talaga..
Habang busy ako sa panonood, bigla nalang tumunog yung laptop ko. Tinignan ko kung ano, nagmessage lang pala si Rei.
'Skype tayo :)'
Akala ko ba may trabaho siya ngayon???
Naglog in ako sa skype at ilang seconds pa nga ako nakapagonline, tumawag na agad si Rei at agad ko din naman ito sinagot.
"Hi maam" bati niya sakin.
Sa itsura niya ngayon, parang pagod na pagod siya.
"Okay ka lang ba sir?" -ako-
"Oo. Okay lang ako medyo napagod lang ako sa kanina" -Rei-
Habang sinasabi niya yun ay di siya makatingin sakin ng deretso.
"May problema ka ba sir?" -ako-
"W-wala naman" nauutal niyang sabi.
"Alam kong may nililihim ka sakin sir kaya sabihin mo na" -ako-
"Wala nga sabi e!" -Rei-
"E ba't ka sumisigaw?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
"Mabuti pa bukas nalang tayo magskype kasi wala ding patutunguhan ang usapang ito" -Rei-
"Okay" -ako-
Inend na niya yung video call namin. Ano bang problema niya at pati ako dinadamay niya ha?! Tsk! Ganito ba talaga kahirap ang LDR??!
Nakakabad mood talaga!! Naglaro nalang ako ng zombie tsunami sa cellphone ko at dun nilabas ang pagkabad mood ko. Kainis siya!! Leche flan kang bomba ka!!
Pagkatapos kong maglaro ay inoff ko na yung laptop pati yung tv at lahat ng mga ilaw. Matutulog nalang ako.
ZzzzZZZZzzzzzZzzz
Kinabukasan..............
*Yawnnn!!!!*Inayos ko muna yung higaan ko at naligo at iba pang preparation sa umaga. Nagantay akong magmessage si Rei sakin pero walang dumating e. Tsk! Pinapaasa lang niya ako sa wala. Naupo nalang ako sa sofa at naglaro na naman ng zombie tsunami.
Laro lang ako ng laro hanggang sa naalala ko yung jacket. Tama! Since 6am pa ngayon at mamayang 8qm pa yung klase ko, iuuwi ko nalang tong jacket na to kay jay romero yata yung pangalan niya. Bagong empleyado ba siya sa coffee shop na pinagtatrabahoan ko?? Hmm.. di bale na nga! Nagbihis na ako at nilock na yung pinto at sumakay na ng jeep papuntang **** coffee shop.
Nung dumating na ako sa **** coffee shop, agad akong pumasok dito.
"Oh sena, diba mamaya pa yung shift mo?" -manager-
"May ihahatid lang po sana ako" -ako-
"Para kanino?" -manager-
"Jay romero daw. Kilala mo po ba siya?" -ako-
"Oo. Nasa office siya ngayon e" -manager-
Tinuro niya sakin yung office ni jay romero at pumunta naman ako dun.
Tok! Tok! Tok!
"Pasok!"
"Uhm, isasauli ko lang sana yung jac-" di ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla niya nalang akong niyakap.
"Sena!!!"
"Huh? Kilala mo ako??" -ako-
Kilala ko ba tong jay romero na toh??
"Di mo ba akl natatandaan??" -jay-
Umiling lang ako sa kanya.
"Si jay to yung palagi mong nililigtas kapag binubully ako nung mga tabachoy noong kinder pa tayo!" -jay-
Halos lumabas na yung dalawang mata ko dahil sa gulat.
"Ikaw si jay payatot at yung jay na napakaliit??!" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Yup! Macho na ako ngayon at mataas na ako" pagmamayabang niya sakin.
Nagkwento pa kami tungkol sa mga nangyari sa amin simula nung umalis sila ng pamilya nila papuntang states. Naikwento ko din si Rei sa kanya at di siya makapaniwala sa nangyari sa amin ni Rei. Habang busy siya sa pagsasalita, may napansin ako sa kanya..
Parang mah kamukha siya na kilala ko.. hmmm sino ba yun?? Parang si
.
.
.
.
.
.
REI???!!! KAHAWIG NIYA SI REI!!!!
Vote & Comment
BINABASA MO ANG
My Sadist Prince II
Teen FictionBook 2 of My Sadist Prince. Ngayong nagcollege na silang dalawa, marami ng mga pagbabago sa buhay nila. Marami ding mga tao ang dadaan sa buhay nila. Makakayanan kaya nilang lagpasan ang mga Temptasyon?? ngayong nasa isang LONG DISTANCE RELATIONSHIP...