Kahawig niya talaga si Rei.. Di ako pwedeng magkamali. May Kapatid kaya si Rei na lalaki?? Pero imposible e kasi same age lang si Jay at Rei at yung kapatid na lalaki ni Rei ay 11 years old pa. May kambal kaya siya? Pero Romero yung apelyido na Jay.
"Hoy Sena! Ganyan na ba ako kagwapo para titigan mo ako ng ganyan?" -Jay-
"Anak ng leche flan ka! Di ka gwapo noh! At tsaka kaya ako nakatitig sayo kasi may kahawig ka kasi na kilala ko. May kambal ka ba?" -ako-
"Pft! Hahahaha wala akong kambal noh!" Sabi ni jay sakin habang tawa parin siya ng tawa.
-_-
Habang busy kami sa paguusap, di ko namalayan na malapit na palang mag 8am kaya nalate ako sa first subject ko. -_-
At by the way, hinatid pala ako ni jay sa school kasi siya naman yung dahilan kung bakit aka nalate. Tsk!
Umupo ako sa upuan ko malapit sa bintana! Yey!! May mga bagong classmate din pala ako.
Nagmasid ako sa mga kaklase ko sa first subject/math subject ko.
May kambal, may mga nerd at iba pa. Hayy! Bakit ba kasi wala pa akong naging kaibigan dito sa school :(
Natapos na yung first subject namin kaya inayos ko na yung mga gamit para pumunta na sa next subject ko.
Lalabas na sana ako ng bigla nalanf humarang yung kambal sa pintuan ng room.
"Di ka pwedeng lumabas" sabi nung isa
"Hangga't di mo sinasabi ang pangalan mo" sabi naman nung isa.
Hayst! Akala ko naman kung ano. Pangalan lang pala.
" Sena Rodriguez" -ako-
"Nice to meet you Sena Rodriguez" sabay nilang bati sakin.
"Ako pala si Catherine Roselyn Joon"
"Ako naman si Katherine Roseann Joon"
"And we are the Joon sisters" sabay nilang sabi.
"Nice to meet you din Catherine at Katherine" -ako-
Nagtinginan silang dalawa at bigla nalang tumawa.
"Tawagin mo nalang kaming Roselyn at Roseann para di ka mahirapan" -Catherine-
"Okay" -ako-
Pinalabas na nila ako sa room. Ano kaya ang nakain ng mga magulang nila at catherine at katherine ang pinangalan sa kanila??
Si Roselyn yung nasa left side ang bangs habang nasa right side naman yung bangs ni Roseann.
Identical twin kasi sila. Pumunta na ako sa second classroom ko at nung nandun na ako, nakita ko ang note ng professor namin na absent pala siya -_-
Pupunta nalang ako sa locker ko para iwan tong ibang libro ko. Ang bigat kasi e!
Ang crowded naman ng hallway! Tsk. Nakisiksikan ako hanggang sa makaalis na ako sa pagkakaipit. Inayos ko muna yung damit ko at lalakad na sana ako ng
Bogsh!!Arayy!!
"Aray!" -ako-
"S-sorry" sabi nung nakabangga sa akin.
Lumipad yung mga flyers na hinahawakan niya at yung isang flyer at napunta sakin.
Binasa ko ito
Come join us!
SuGee Band ClubBand???
Tinulungan ko siyang tumayo at sa pagkuha nung mga flyers na nakakalat sa hallway.
"Salamat ah! Ano pala ang pangalan mo" tanong niya sakin
"Sena. Sena Rodriguez" -ako-
"Ahh.. ako pala si Jamille Salvador" -jamille-
Tinignan ko ulit yung isang flyer.
"Gusto mong sumali?" -jamille-
"Pwede ba?" -ako-
"Oo naman!" -jamille-
"Sige!" -ako-
Nilagay ko muna yung mga libro ko sa locker at sumama na kay Jamille.
Hmm.. wala namang masama kung sumali ako sa isang club diba? At para namang mageenjoy ako nito! :)
Vote & Comment
BINABASA MO ANG
My Sadist Prince II
Novela JuvenilBook 2 of My Sadist Prince. Ngayong nagcollege na silang dalawa, marami ng mga pagbabago sa buhay nila. Marami ding mga tao ang dadaan sa buhay nila. Makakayanan kaya nilang lagpasan ang mga Temptasyon?? ngayong nasa isang LONG DISTANCE RELATIONSHIP...