"Para yan sa ginawa mong pang-iwan kay Rei!!!" Sigaw ni Eunice sa akin.
Sasampalin na naman sana niya ako kaso pinigilan siya ni Jay.
"Tama na yan Eunice! Walang kasalanan si Sena." Sabi ni jay.
"A-anong kasalanan? Pwede bang sabihin niyo sa akin?" Nanginginig kong sabi.
Tinabig ni Eunice ang kamay ni Jay at tinignan ako ng masama.
"Alam mong mahal na mahal ka ni Rei pero anong ginawa mo?! Sinaktan mo siya at mas malala pa-"
"Stop it Eunice!!" Sigaw ni Jay.
Walang masyadong tao dito sa cafeteria kaya okay lang na magsigawan kami.
"Kailangan niyang malaman Jay!" Sagot naman ni Eunice.
"Ano ba ang dapat kong malaman?!sabihin niyo sa akin pakiusap" Naguguluhan kong tanong sa kanila.
"See, pati siya gustong malaman. Ano ba ang ikinatatakot mo Jay?" Seryosong sabi ni Eunice.
Humarap sa akin si Jay ag hinawakan niya ang dalawang kamay ko sabay sabi ng, "Ako mismo ang magsasabi sa'yo Sena pero pakiusap 'wag muna ngayon."
"Ano pa ba ang hinihintay mo Jay?! Hindi pa ba sapat ang ginawa niya kay Rei?!" Sigaw ni Eunice habang iyak lang ng iyak si Hannah sa tabi niya.
"Bigyan mo ako ng isang linggo Eunice. Isang linggo lang ang hinihingi ko please," pagmamakaawa ni Jay kay Eunice.
"Sige, bibigyan kita ng isang linggo para sabihin sa kanya ang nangyari pero pagkatapos ng isang linggo na 'yan, sasama kayong dalawa sa amin sa ayaw at sa gusto niyo." Huling sabi ni Eunice sa amin bago siya lumabas ng cafeteria.
Wala akong alam kung ano ang sinasabi nila. Ano ba ang dapat kong malaman? Ano ba ang nagawa ko na sobrang ikinagalit ni Eunice? Naguguluhan ako. Para akong isang bata na wala kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid niya.
"Jay," tawag ko sa kanya.
Humarap siya sa akin na parang hindi mapakali.
"Ano ba talaga ang nangyayari?" Nag-aalalang tanong ko.
"Ah malapit na ang next subject mo. Pumunta ka na baka ma-late ka pa," pag-iiba niya ng topic.
Napabuntong hininga nalang ako at tumango sa kanya. Iniwan ko na si Jay mag-isa sa cafeteria at pumunta na sa next subject ko. Iniisip ko nalang na may magandang dahilan siguro siya kaya hindi niya masabi sa akin ngayon.
Buong araw wala akong ibang ginawa kundi ang nakatunganga lang habang nagsasalita yung prof sa harap. Kahit kinakausap ako nila Jamille puro 'ha?' Lang ako.
Nang matapos na ang huling klase ko sa araw na ito, nakita ko si Jay na naghihintay sa akin sa labas ng room.
Ningitian niya ako ng matamlay at lumapit na ako sa kanya."Hatid na kita," sabi niya at tumango lang ako sa kanya.
Nang nasa may gate na kami nagkasalubong ang mga mata namin ni Hannah at Eunice ngunit imbes na ngumiti ay inirapan nila ako. Naguguluhan pa rin ako kung ano ang dahilan sa pagbabago ng ugali ni Eunice sa akin.
Tahimik lang kami sa kotse ni Jay habang nagmamaneho siya at nang nasa tapat na kami ng bahay ko ay bigla siyang humarap sa akin.
"Sena, kalimutan mo muna ang mga nangyari ngayon. Kalimutan mo pansamantala si Rei o kaya kalimutan mo na ng tuluyan si Rei," seryoso niyang sabi.
"B-bakit mo nasasabi 'yan Jay?" Tanong ko.
"Hindi ba talaga pwedeng ako nalang Sena? Si Rei lang ba talaga ang laman ng puso mo?" Sabi niya na para bang maiiyak na siya kapag nagsalita pa.
"Ano ba ang nang-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya.
"Ayokong gawin ito Sena pero let's make a deal." Sabi niya.
"Deal?" Tanong ko.
"For one week, kalimutan mo ang lahat nang nangyari sa inyo ni Rei. Isang linggo lang Sena tignan mo naman ako. Papasukin mo ako sa puso mo, sa buhay mo at pagkatapos ng isang linggo sasabihin ko sa'yo ang dapat mong malaman," pagpapaliwanag niya.
Paano ko naman makakalimutan si Rei kung siya lang ang laman ng puso ko sa una pa lang hanggang ngayon. Siya lang ang laman ng puso at utak ko. Kung kapalit ng isang linggo na hindi ko siya iisipin ay ang katotohanan na ako lang ang hindi nakakaalam, gagawin ko.
"Deal," deretso 'kong sabi.
BINABASA MO ANG
My Sadist Prince II
Teen FictionBook 2 of My Sadist Prince. Ngayong nagcollege na silang dalawa, marami ng mga pagbabago sa buhay nila. Marami ding mga tao ang dadaan sa buhay nila. Makakayanan kaya nilang lagpasan ang mga Temptasyon?? ngayong nasa isang LONG DISTANCE RELATIONSHIP...