Pagmulat ng mata ni Marko ay bumungad sakanya ang mukha ni crishna na mahimbing na natutulog, Her hand was still wrapped around his waist, para itong batang ayaw maiwan mag isa sa kama. Malinaw sakanyang alaala kung paano sya nito inalagaan kagabi habang may sakit sya kaya hindi na sya nagulat o nagtaka man lang kung bakit nasa kwarto nya ang asawa.
Ito ang unang pagkakataong nagkatabi sila mula nung maikasal sila dahil sinasadya nya talagang iwasan ito. Hindi dahil sa galit sya at sinisisi nya ito sa mga nangyare kundi dahil guilty sya at natatakot syang baka mas lalo nya itong masaktan. He knows that crishna's pain is already too much kaya ayaw nya ng dagdagan. He didn't even realized na sa ginagawa nya ay mas nasasaktan nya ito.
After the conversation with his friend, Jared. Ang daming naging realization ni Marko. It was really his fault dahil hindi sya nag bigay ng chance for the both of them to work things out, Maybe now is the right time to be open with each other, that way at least kung ano mang mangyare sa relationship nilang dalawa, siguro wala ng maiiwang what ifs. Iyan ang nasa isip nya sa ngayon. "I'll try to make it up to you and to rence crishna" marahang bumangon si Marko upang hindi magising si crishna. Batid kasi nito na hindi nakatulog ng maayos kagabi ang asawa
Agad na tinungo ni marko ang pintuan when he heard the door bell rang. "Kuya! How are you na? You okay?" nag aalalang tanong dito ng kapatid na si madyl habang buhat ang kaniyang anak.
"Daddy!" dali dali itong bumaba kay Madyl para magpabuhat sa ama.
"Okay na ako. Kulang lang talaga sa pahinga. Do you want to go inside? Crishna is still sleeping in my room" Her sister gave him a teasing look. Nakangisi ito na para bang may gustong sabihin. Bigla tuloy nagsisisi si marko na sinabi nyang nasa kwarto nya ang asawa.
"Hindi na. Kailangan ko na din kasing umalis kasi i have a meeting with a client today" she said and gave rence a kiss bago tuluyang umalis
"Dika po papasok sa work today daddy?"
"Hindi. Do you want to play with me?" Marko said then pinched his son's nose tumango tango naman kaagad ang anak nito. Bakas sa mukha ng bata ang labis na kaligayahan because this is the first time na magkaka bonding ang mag ama. "Have you eaten?"
"Yes daddy! Tita mads buy me mcdo! I ate chicken, burger, and fries!"
"Naubos mo ba lahat ng food mo?"
"Yes po. Mimi said not to waste food kasi madami daw pong kids na nagugutom at walang makain, so i should be greatful na may food na naka ready for me. Kaya dapat kainin ko yun lahat. Look daddy oh. My stomach is big na" Napangiti nalang si marko, Mukhang namana ng anak nya ang kadaldalan ni crishna.
"Let's go inside na. Let's play after i drink coffee okay?" Rence nodded with a wide smile
Nagulat si Crishna ng madatnan ang nagtatalong mag ama sa sala, hindi sya makapaniwa sa nakikita. Narito ba talaga si marko ngayon kasama ng anak nya o nananaginip pa sya?
"Look daddy. It's Pooh! I look like Pooh daddy right?!" Giit ng anak nila habang itinuturo si Barney sa TV, umiling naman ang ama.
"Do i look like Pooh?" Marko asked frowning. Napangiti nalang naman si Crishna. Pinag biyak na arinola nga naman kasi ang mag ama, tanging kulay ng mata lamang ang nakuha nito sa ina. Marko's eye is dark black like mady's while chocolate brown naman ang kay Crishna
BINABASA MO ANG
A Wife's One Sided Love (Revised)
Romansthis story is about someone who can sacrifice everything for her love one