Tin wants to get away from her manipulative family wala na syang ginawa to please everyone, and she realized she couldn't stay that way at all. She want her life, her freedom that's why she decided to go in place na walang gaanong nakakakilala sa kanya. Nag punta sya sa isang probinsya simple ang buhay, tahimik.. wala ang pamilya nya. The place was like a paradise for her, bago ang lugar at bago sa kanya ang pamumuhay doon, bagong pakikisalamuha... bago ang lahat. Malapit sa tabing dagat ang bahay na tinutuluyan nya, hindi sya nagsisi nang ipagpalit nya ang buhay na marangya sa payak ngunit masaya at payapang buhay na iyon. Halos mag kakalahating taon na syang naninirahan sa lugar. Marami na rin syang kakilala roon. Nakaugalian na nya na tuwing umaga ay maglakad lakad sa tabing dagat.
Makulimlim ang araw na iyon pero nagpatuloy pa rin sya hanggang sa mamataan nya ang isang lalaki, nag iisa lang ito... nakatanaw sa malayo at di alintana ang pag hampas ng may kalakasang alon sa talampakan nito. Hindi ito mukhang taga roon. Moderno ang kasuotan nito nakasuot ito ng Hoodie na kulay abo at puting trouser na tinupi lamang ang dulo. Nagpasya syang lapitan ito.
" Hi! ?" bati nya ng tuluyang makalapit sa gawi nito, ngunit hindi ito sumagot. Ni hindi man lamang sya nito nilingon.
" Ang kulimlim nuh? Uulan kaya?..." patuloy na aniya di alintana na hindi man lang sya nito tinatapunan ng tingin. Nakatingin pa rin ito sa malayo na animo ay may tinatanaw roon.
" Hmm.. bago ka ba rito?.." tanong naman nya rito. Ngunit hindi pa rin ito sumagot, hindi pa rin nya makita ang mukha nito kaya nagpasay syang magpunta sa harap nito at inilahad ang isang kamay rito.
" Hi, I'm Tin." nakangiting pakilala nya rito. Tumingala ito sa kanya blanko ang mukha. Gwapo ito, maputi, tsinito. Maamo ang mukha ngunit may napansin sya rito... malungkot ang magagandang mata nito. Nakatingin lamang sila sa isa't isa nang maya maya ay tumayo ito. Ipinagpag ang mabuhanging trouser at walang lingon likod na iniwan sya sa kinatatayuan nya. Sinundan lamang nya ito ng tingin. The man seems a mystery to her, she used to be a brat before and wala pang tao na di nagkaroon ng interes sa kanya kaya di nya pwedeng palagpasin ang pagkakataon na di nya makuha ang atensiyon nito.
" Hey wait!! Do you think it's so rude na talikuran mo ang isang tao na gustong makipagkilala sayo?.." habol nya rito. Hindi pa rin ito tumigil sa halip ay binilisan pa nito ang paglalakad. Ngunit hindi sya sumuko, kumaripas sya ng takbo hanggang sa maabutan nya ito, hinarang nya ito. Napatda ito sa paglalakad at tila hindi nito inasahan ang ginawa nya. Magkaharap na sila nito, nakatingin lamang ito sa kanya na blanko ang expression sa mukha.
" Pipi ka ba? Bingi ka ba?.. hindi ka naman bulag, nakakapaglakad ka naman.." naka crossed arm na tanong nya rito. Nakatingin lamang ito sa kanya, ewan kung namamalikmata lamang sya at bahagya nyang nakita ang pagka amused nito sa kanya.
" Go away!.." sa halip ay taboy nito sa kanya.
" Huh?.." nagtatakang tanong niya, hindi maintindihan ang sinabi nito.
" I said go away... hindi ka naman bingi di ba?.." anito na parang inulit lamang ang unang dalawang salitang sinabi nito at ang itinanong nya rito kung pipi o bingi ba ito.
" Why would I go..? dito ako nakatira... you cannot just tell me to go away." she doesn't know if she make sense pero para kasing nabatubalani ng marinig ang magandang boses nito.
" Then, stay away from me!.." makahulugang sabi nito.
" But why?.." nagtatakang tanong nya rito.
" Because you might fall inlove with me.." casual na turan nito. It was more on a warning kesa sagot sa tanong niya.
" But why?.. what's wrong with that?" hindi nya alam kung saan nanggaling ang tanong na iyon na bigla na lang lumabas sa bibig nya. But that was exactly the question she had in mind, right at that moment. She felt something with this man, a connection. Na hindi pa nya naramdaman sa kahit kanino noon.
" Just stay away, okay!.." at tumalikod na ito.
" May I atleast know your name?.." habol pa ring tanong nya rito.
" No! " tugon nito habang papalayo. Wala na syang nagawa kundi habulin na lamang ng tingin ang papalayong pigura nito.
Naroon pa rin sya sa kinatatayuan nya at di umaalis hanggat di nawawala sa paningin nya ang papalayong misteryosong lalaki. Nakuha na nito ang curiousity nya, at alam nya sa sariling hindi sya titigil hanggat di nakikilala ito. Saka lamang sya natinag ng maramdaman ang marahang patak ng ulan na tumatama sa mukha nya. Tumingala sya, hindi nga sya nagkamali at uulan ng araw na iyon. Imbes na kumaripas ng takbo at bumalik sa tinutuluyan nyang cottage ay nanatili sya roon, gusto nyang magtampisaw sa ulan...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
" Tin.. Tin.. Tin.. " paulit ulit na sambit nya, para iyong musika sa pandinig niya. Iyon ang pangalan ng magandang dilag na nagpakilala sa kanya kanina. Napangiti sya ng biglang lumitaw sa balintataw nya ang magandang mukha nito. Nang marinig pa lamang nya ang boses ng dalagang nag ngangalang Tin ng lapitan sya nito he knew it.. tulad ng malamyos at masarap pakinggan na boses nito ay nagtataglay din ito ng aking ganda. Akala nga nya kanina nasa langit na sya para syang nakakita ng aparisyon ng isang anghel ng bigla nya makita ang anyo ng dalaga sa harapan nya. Nakasuot kc ang estranghera ng puti na hanggang talampakan ang haba, habang nakalugay at nililipad ng hangin ang maganda at mahaba nitong buhok.
Hindi naman talaga sya aloof na tao, for some reason he became one. He used to be a party goer, not the party animal type but he is no, non-a -housebuddy type neither. Tatlong buwan na syang nagkukulong sa bahay nila sa probinsya. Ancestral house nila iyon, at kanina lamang syang nagpasya lumabas ng bahay at mag ikot ikot sa isla na di kalayuan sa tinitirhan niya kung saan natagpuan sya ng estrangherang dalaga. He is 25 single.. he owned a huge construction company at his young age. Masasabi nyang successful na sya sa larangan ng negosyo, but not in love life. At his age he never had a steady relationship, hindi naman sya playboy.. hindi lang talaga sya swerte sa larangang iyon. He never see's it as a bad thing, not having a steady relationship is more than okay with him specially in his case. Iyon ang makabubuti sa kanya... that's why he's not looking for someone, he's not even waiting for the right girl. Hindi rin sya naniniwala sa kasabihan na "may isang tao na darating sa buhay mo na makapag papabago sayo." Para lamang yun sa mga romantic movies na mapapanood sa TV o sinehan. But not in real life... not with him.
BINABASA MO ANG
HOW DO YOU HEAL A BROKEN HEART - SLATIN version
Fanfiction“Stories don't always have happy endings."