Nasa breakfast table si Tin ng umagang iyon... hindi naman nya inaasahan na magkaka sipon at ubo sya sa paliligo nya sa ulan kahapon. Mabuti na lamang at ipinaghanda sya ng matandang katiwala nya ng sopas at lugaw ng umagang iyon.
" Salamat manang." aniya sa katiwala.
" Walang anuman, Ineng. Tamang tama yan sa sipon at ubo mo, aba'y bata ka nagbabad ka pala sa ulan kahapo." sita ng matanda sa kanya.
" Opo nga po.. minsan na lang ako makaligo sa ulan kaya siguro nanibago ang katawan ko." tugon nya rito.
" O ay siya... maiwan na kita rine at mag aabang pa ko ng huling isda sa may pantalan." paalam nito, tatalikod na lamang ang matanda ng may maalala syang itanong.
" Ah Manang, may kilala po ba kayong bagong dayo sa isla? Ah matangkad sya, maputi at may pagka tsinito." nagbabaka sakaling tanong nya sa matanda.
" Matangkad, maputi at tsinito? Aba'y iisa lang naman ang may lahing intsik dito sa atin, siguro ang tinutukoy mo eh apo na ni Ayi Chen." sagot ng matanda sa tanong nya.
" Ayi Chen?" di nya maintindihang ulit sa sinabi ng matanda.
" Oo si Ayi Chen.. ang tawag kasi sa Auntie sa chinese eh, Ayi.. Chen naman ang apilyedo nila. Kaya Ayi Chen ang nakaugalian ng mga taga rito na itawag sa matanda na ngayon nga ay pumanaw na. Yung malaking bahay sa na makikita mo sa labas ng baybay kanya yun, wala ng nakatira ngayon doon. Maliban na lamang eh kung umuwi ang isa sa mga apo nya. Ang balita ko nga eh nag migrante na ang nag iisang anak at mga apo nun sa States simula ng pumanaw ang matanda." mahabang kwento nito.
" Ah ganun po ba.." ang tanging nasabi nya habang tatango tango.
" O sya Iha, napahaba ang kwento ko. Mauna na ako, wala ka na bang ibang kailangan rine?.." tanong muli nito.
" Ay wala na po Manang, sige po at naabala ko na kayo."
" O sya mauna na ako.. magpahinga ka."
" Sige po, salamat. Ingat ho kayo." paalam na nya sa matanda. Napaisip sya, so Chen pala ang surname ng lalaki. Kung tamang apo nga ito ng matandang Ayi Chen.. Chen din ang apilyedo nito. Kung walang nakatira doon sa malaking bahay na iyon, malamang ay kakarating palang ng binata sa lugar nila. Isinantabi na muna nya ang tungkol sa binata at masama talaga ang pakiramdam nya ng araw na iyon. Inubos na nya ang sopas at lugaw, hinugasan lamang nya iyon at bumalik na sa pagkakahiga.
Hindi nya inaasahang mauuwi pala sa trangkaso iyon, kung bakit ba naman ay hindi sya nagpabili ng gamot sa katiwala nya kanina. Halos hindi sya makabangon sa kinahihigaan pero nagpilit sya. Kailangan nya talaga ng gamot, magbabakasakali sya na baka may mautusan sya sa labas na bumili ng gamot para sa kanya. Paglabas nya ay walang tao sa baybay, nakalimutan nyang araw pala iyon ng huli kaya naman halos ang mga tao roon ay naroon at nag aabang sa may pantalan. Hinawakan nya ang sintido nya, ang sakit sakit niyon at parang umiikot pa halos ang paningin nya ngunit nagpumilit syang maglakad lakad at baka may makitang bata at yun na lamang ang uutusan. May sayawan sa isang gabi sa baryong iyon at sya ang naka tukang mag organize kaya di sya maaring magkasakit. Kaya kailangan nyang mag take ng gamot. Laking pasalamat nya ng may makasalubong na bata.
" Utoy..." tawag nya ritto, iyon ang nakaugaliang tawag sa batang lalaki ng mga tagaroon.
" Ano po yun ate?.." tanong naman nito.
" Pwede bang pautos, ibili mo si ate ng gamot. May sakit kasi si Ate, hayaan mo at bibigyan na lang kita ng pera. Pwede ba yun?" masuyong pakisuyo nya sa bata.
" Sige po, ano po bang gamot?" listong pagpayag ng bata. Iabot pa lamang nya ang pera at papel kung saan nakasulat ang gamot na ipapabili nya ng hindi na nya kinaya at magdilim ang paningin nya at mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
HOW DO YOU HEAL A BROKEN HEART - SLATIN version
Fanfiction“Stories don't always have happy endings."