Bwisit na babaitang yun ang tagal, tagal, talaga kahit kailan kumilos, kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng palengke dahil may nakalimutan siyang bilhin sa loob at habang nag hihintay ako sa kaibigan ko narinig ko ang sigaw ng matanda ilang metro lang ang layo sa akin
" tulungunan niyo ako may mag nanakaw! huhuhu!!! ano ba namang araw na ito kamalas malas, wala na! wala na! ang pang bayad sa hospital ng anak ko"
pag dradrama nung lola hay! nakakaawa naman si lola yung mga tao imbis na tumulong vinedeohan pa at nag tsismisan hay! buhay ganito na lang ba lagi gagawin ng mga taong gipit sa pera?, hay! naku huwag ko na ngang i-judge ung mag nanakaw baka na ngangailangan din siya pero bwisit parin kase magnanakaw pa siya doon din sa nangangailangan, pwede namang sa mga mayaman na lang atleast kahit manakawan ok lang huwag lang sila masaktan syempre ibang usapan na yun. buti na lang talaga at malapit na yung mag nanakaw sa bahagi ng kinatatayuan ko, syempre pinatid ko na lang siya duh! di naman ako si super girl na mag hahabol sa kaniya at makikipag agawan ng bag ni lola tapos ending masasaktan ako buti na lang talaga may katangahan tong magnanakaw at tatakbo na lang lilingon pa sa likod ayun patid tuloy abot niya tinignan ko ang mukha at bwisit bata pa to ah mga nasa 14 years old ata siya naka higa parin siya sa semento at kinuha ko naman agad ang bag ni lola.
" Ikaw ang bata bata mo pa natuto ka ng magnakaw alam mo bang masama mag nakaw ha!?"
" oo alam kong masama magnakaw!"
ay abat! sumasagot pa! pilosopo tong batang ito naku! kung kapatid ko lang ito pitik sa labi abot nito sa akin
" oh! alam mo naman pala bakit mo pa ginagawa ha?! mabuti kung nag nakaw ka sa mayaman siguro ok lang sa kanila pero ung mag nakaw ka sa nangangailangan din naku very wrong yun bata"
" oo na po ate sige next time mayaman na lang tatargetin ko"
ay iba rin umaattitude si bata
"hindi ka ba nakukunsensiya ha? halika mag sorry ka muna doon sa matanda at baka swertehin ka at hindi ka niya sampahan ng kaso kahit menor de edad ka hindi ka makakatakas sa batas"
hinigpitan ko ang hawak ko sa kaniyang damit sa likod habang hatak hatak siya papunta sa matanda para humingi ng tawad
" oh iyan humingi ka na ng tawad huwag ng pairalin ang pride at alam mo ang kasalan mo"
" oo na po! ito na nga po"
"oh? bakit parang galit ka pa?"
"tsk! sorry po lola kailangan ko lang po talaga ng pera eh sana po mapatawad niyo ako huwag niyo po ako isusumbong sa mga parak promise hindi ko na kayo pag nanakawan"
at ang loko parang ang dating nun sa akin ay lola huwag ka na mag alala tatandaan ko itsura niyo tapos next time na mag nanakaw ako sure na hindi ikaw yun.
" o sige pinapatawad na kita apo at hindi ako tatawag ng parak basta ba ay titigil ka na sa ganitong gawain at baka ito pa ang mag pahamak sayo"
" makinig ka kay lola batang to sa susunod na mahuli kitang nag nanakaw ako talaga ang mag hahatid sayo sa police station"
"oo na po! salamat lola babye na po baka mag bago pa isip niyo at sisibat na ako, at ate! hindi na ako mag papahuli sayo ito na ang una at huling mangyayari yun!"
ang bwisit na batang yon! humanda talaga siya sa akin makita niya
" salamat ineng sa pag tulong"
"naku! wala po yun lola sa susunod po ay mag iingat na po kayo"
sabi ko sa kaniya
"Maari ko bang hiramin ang iyon palad ineng? libre lamang ito at nasa sa iyo na kung paniniwalaan mo o hindi, basta ito lang ang paraan ko para kahit papaano ay makabawi man lang ako sa tulong mo."
naguguluhan man ay nilahad ko ang aking palad kay lola, tinignan niya iyon at hinaplos haplos.
" Mapait ang mga pinagdaanan mo kitang kita ko ang hirap na dinanas mo sa iyong buhay at ramdam na ramdam ko ang galit, lungkot at hinagpis na iyong nararamdaman"
nag tataka man sa kaniyang mga pinag sasabi ay hindi ko maiwasang mamangha dahil paano niya iyon nalaman sa haplos ng bawat linya ng aking palad
" ngunit lahat ng kalungkutan at pait ay mapapalitan din ng galak at tuwa sayong buhay may aalis man may bumabalik at may pumapalit, sobrang tibay mo apo dahil kahit na madami kang napag daanan nanatiling matatag ka sa buhay ipag patuloy mo yan dahil lahat ay may rason kung bakit nagyayari yun sa buhay natin"
anong ibigsabihin niya tungkol doon? pero bago pa ako makapag tanong ay nawala na siya sa aking paningin siguro hindi ko na malayan na wala na si lola dahil sa lalim ng aking iniisip dahil sa sinambit niya
ano ulit sabi ni lola lahat may rason kung bakit nangyayari yun sa buhay? ay shala ni lola maka quote unquote siya ah pero siguro totoo nga ang kasabihang
" Everything happens for a reason"
BINABASA MO ANG
Embrace Me While It Hurts
Romance"Make a wish", this phrase will always been heard in every birthday, before you blow your candle, if there was a wish that Diamond Shane Dela Rosa always wanted in her birthday that would be to have a normal life like how the other people had, compl...