Chapter 2

1 0 0
                                    


" shine bright like a Diamond!"

bwisit nandito na naman ang babaeng ito naiinis talaga ako pag ganiyan tawag niya sa akin hay kaya asar ako sa pangalan na yan eh

" awww yeah! nandito ka lang pala lagi sa garden niyo hahahaha at syempre hindi mo pwedeng makalimutan diligan ang pinaka ma mahal mong cactus"

" Alam mo Breena Faye Mendoza ang sarap sungalngalin ng medyas yang bunganga mo ang aga aga at dito ka na nag hahasig ng lagim sa pamamahay ko! wala ka bang bahay ha!?"

" easy lang my friend, syempre gusto ko lang sumabay ng breakfast sayo at syempre sabay tayo papasok sa pinaka mamahal nating eskwelahan"

" ewan ko sayo faye atska sumabay sa breakfast your face! ang sabihin mo wala nanaman si tito at wala din kasambahay niyo kaya dito ka makikikain sa akin kase wala kang future sa kusina"

"ouch! are you really my friend? how could you say that to me? don't you love me anymore?"

hay! ito nanaman tayo sa kadramahan niya minsan ang sarap din ihagis sa ilog pasig ng mga ganitong kaibigan buti na lang mahal ko siya at parang kapatid na turing ko sa kaniya pinandilitan ko siya ng mata

" echos lang friend hehehehe"

" pumunta ka na sa kusina at aayusin ko muna tong si rosa"

" alam mo friend ang weird talaga ng pangalan ng cactus mo ewan ko sayo anong trip mo at bakit yun pa napili mo at kahit anong dilig mo diyan hindi yan tutubuan ng flower"

" walang may pakialam at ano naman kung rosa pangalan ng cactus ko bakit may problema ka ba doon?"

" sabi ko nga pupunta na ako sa kusina"

dali dali siyang tumakbo papuntang kusina dahil alam niyang lagot siya sa akin pag may nasabi pa siyang mali tungkol sa cactus ko

Rosa tapos na kitang diligan ha, iiwan ka muna saglit ni moma dahil ako ay may pasok pa love you rosa hihintayin ko ang pagtubo ng bulaklak mo iingatan mo rin ang sarili mo habang wala ako, pakikipag usap ko sa cactus ko, sabi kase ng mga matatanda ang lahat ng bagay sa mundong ito na may buhay ay kinakailangan ng pag mamahal, pagaalaga, protection at higit sa lahat kailangan kausapin upang mas sumigla ito, hindi nalulungkot at matamlay.

pagka pasok ko pa lang sa kusina ay nakita ko ang maingay kong Bff na feel at home nakaupo siya sa isa sa mga upuan ng mahabang lamesita nakahalumbaba at bored na bored na napatingin sa akin at nakanguso pa na parang pato.

" magluto ka na bff gutom na ako!"

"ay spoiled ka te?, makautos toh! bahay niyo? bahay niyo? ginawa pa akong katulong"

kapit bahay ko lang itong babaitang ito kaya ganiyang siya umasta hay naku! mabuti na lang nasanay na ako lagi ba naman siyang nandito para gulohin ako pwera na lang talaga sa pagtawag niya ng diamond sa akin kahit ilang beses ko ng sinasabihan na huwag ako tawaging ganon wala hindi papa awat si ateng

"bilis na bff gutom na talaga ako"

"tsk! sige na, sige na ito mag luluto na nga po madam"

"yieee love mo talaga ako bff hindi mo ako matiis"

nag luto ako ng friend rice, ham, egg and hotdogs para sa almusal naming dalawa, siguro ibabaon ko na lang yung matitira sa kakainin namin sa totoo lang ako lang mag isa dito sa bahay na malamansyon na ito kaya kong mag hire ng mga kasambahay pero mas komportable ako na ako lang mag isa dito. Pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan ko ng maligo para makapaghanda na sa eskwelahan

" Faye umuwi ka na at maliligo na ako at ikaw din para makapaghanda na tayo papasok"

"ah sige sige see you later"

umakyat na ako papunta sa aking silid sa pangatlong palapag ng bahay na ito kung saan may iisang silid lang at iyon ang kwarto ko pumasok na ako at nilibot ang paningin ko sa loob ng silid ko paano ko ba ilalarawan ang aking silid siguro masasabi mong nasa silid ka ng isang prinsesa dahil sa sobrang laki nito kumpara sa mga normal na kwarto ang mga libro na masasabi mong collection dahil sa dami at naka organize ito ng parang nasa library ka may mga malalaking cabinet na nag lalaman ng mga ibat ibang brand ng damit, sapatos, bag at naka desenyo ang ibat ibang mamahaling perfume katulad ng channel, Victoria secret at iba pa.

Ang Queen size bed ay nasa centro ng silid may mga nakasabit pa ito mga mamahaling desenyo at ang gintong curtina na kumikinang na naka ayos sa bawat gilid ng kama ang mga unan na kulay puti ay malinis na naka lagay at ang kumot na kulay ginto rin pagkahiga mo sa kamang ito ay matatanaw mo sa kisame ang glow in the dark na mga bituin na may ibat ibang kulay. dumeresto na ako na ako sa aking banyo ang bathtub na kasiya lamang sa akin at ang glass room kung saan nandoon ang kubeta at shower pinili kong mag shower na lang para mabilis akong matapos pag ginamit ko kase ang bathtub sure ako isang oras akong nakababad doon pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng aking uniform.

Ang uniform namin sa eskwelahan ay maituturing kong katulad doon sa mga korean drama na pinapanood ng kaibigan kong si faye above the knee ang palda kulay red ito, kulay itim naman ang blazer at sa loob nito ay kulay puting long sleeve na may ribon na kulay pula rin, saktong pag kababa ko ay nandoon na nga ang babaita nakaupo sa sofa hinihintay ako.

" OMG! girl!"

ano nanaman kaya ang nangyayari sa babaitang ito at ganiyan makareact sa akin?

" oh? bakit anong problema mo?"

tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa

" Bff! did you check yourself in the mirror?"

" oo naman bakit ba ano bang problema may dumi ba ako sa mukha?"

" no! you don't have a dirt on your face but really bes? grade 12 na tayo hindi ka parin marunong mag ayos sa sarili mo. halika dito sa salamin yan! yan! ang dahil kung bakit hanggang ngayon single ka parin! look at those hair na tinali mo na lang basta basta! tapos hindi pa tuyo buhok mo! ano gusto mo sumakit ulo mo? tapos itong ribbon hindi rin maayos yung pagkaka tie at omg! look at your lips! it pale as a paper! nag lip balm ka naman sana o liptint bes yung totoo dalaga ka ba talaga?."

here she go again hindi niya talaga matake pag hindi ko inaayusan sarili ko

" ano ka ba ayos lang naman na ganito ako atska wala naman dapat ako pagandahan school lang naman pupuntahan natin wala rin akong balak mag boyfriend noh! as if naman may bayag yung mga yun para lapitan ako"

" no I cannot go to school with you while you're looking like that! babae ka bes! dapat lagi kang presentable sa paningin ng iba kahit sa school lang tayo pupunta, you dress like a tomboy you know that"

pag katapos ng ka artehan ni faye pag aayos kuno niya sa akin ay umalis na kami sa bahay at pumunta na sa school

Embrace Me While It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon