Chapter 3 - The Confession

18 1 0
                                    

Pagbalik ko sa dorm parang gumuho yung mundo ko, yung crush mo may crush ng iba.

Nakita nila ako na nagluluksa sa gilid. Niyaya nila ako mag basketball, kumain pero walang effect talaga. Parang nasira lahat ng plano ko sa pag diskarte sa kanya.

Nilapitan ako ni ker..

"Hoy! Anyare sayo? Mag open up ka Hindi Yung sinasarili mo Lang Yung problema mo baka ma depressed kapa dyan"

"Kasi pre, hmmp"

Parang nanghihina talaga ako noon.

"Sabi kasi nila Rey at Anne sa akin na may crush na pala si Marian"

"Sus! Iyon Lang pala! Crush lng yan, kaya pa yan"

"Baka Kasi mataas standard niya pre"

"Hindi yan, apaka OA mo Naman, Sino ba yang crush ni Marian"?

"Si Ed pre, Yung Captain ng basketball Team"

Nagulat si Ker..

"Ay Wala na! "

"Galing mo talaga mag comfort kupal ka"

"Syempre joke lang, mas magaling ka pa nga non mag basketball, bakit ayaw mo mag try out"?

"Magaling pala eh, ayaw ko mag varsity pre nakakapagod"

"Sa Intramurals mo nalang kalabanin, manunuod talaga yon si Marian"

"Oo nga no? Galing mo talaga pre Love you haha!"

Bigla akong nabuhayan, kaya ko pala kalabanin yung crush ni Marian. Pero may naisip si ker..

"Kiel? Diba kumakanta ka?"

"Oo pero ang panget ng boses ko haha!"

"Try nga natin kumanta, tayo nila Loyd at Jake,"

"Sige sige pero, bago yan Hahanap muna ako ng timing na mahulog si Marian sakin"

"Paano siya mahulog sayo? Eh di ka Naman umaamin sa kanya"

Napakamot si ker sa ulo Niya..

"Ako bahala, trust me haha!"

Swerte ko talaga sa tropa ko, binigyan ako ng energy.

Noong hapon na iyon pumunta kami sa bayan para magsimba at gumala. Habang nasa plaza palang kami, nakita ko sila Rey at Anne, tapos nilapitan nila ako..

"Kiel, saan kayo pupunta?"

"Sisimba kami, sama kayo?haha!"

"Bakit ka natatawa? Akala mo ata Hindi kami nagsisimba "

"Joke Lang hahaha"

Bigla silang change topic..

"Itutuloy mo paba Yung pangliligaw mo?"

"Tutulongan niyo ba ako? Haha!"

"Sure! No problem, una mong gawin kapag magbibigay ka ulit ng love letter, Hindi na yung punit na papel na galing sa notebook, try mo yung special paper mabango iyon "

"Oo nga no! Sige sige thank you sa tulong at support, Simba muna kami ingat kayo"

After namin mag simba, kumain kami , kwentohan tapos nag open up si ker..

"Gawa Tayo Banda pre!"

Mukhang maganda yung suggestion ni ker.

"Sige sige G kami"

"Loyd ikaw sa drums, Jake ikaw sa  Electric, Kiel ikaw kakanta then ako sa Bass"

"Ako? Kakanta? Panget ng boses ko"

Crazy Shit HappensWhere stories live. Discover now