CHAPTER 4 - Awkward Moment

4 0 0
                                    

Pagbalik namin sa dorm, agad kinuwento nila jake at dave sa ibang tropa yung nangyari kanina. Hindi ko alam kung mababadtrip ba ako or matutuwa.

"Kiel! haha! sa wakas umamin kana rin" sigaw ni Loyd.

"Haha! oo pre umamin nako, Salamat Dave ah !" sarcastic na pagkasabi  ko

Hanggang gabi sila nagtatawanan kasi hindi ako umiimik, nasa gilid lang ako. Natatakot ako pag dating ng Monday, 

"Ano kaya approach ni Marian sakin? lalayuan ba ako ng sobra? pagtatawanan ba ako?

Andaming kung tanong sa sarili,

 Then sabi ni Jake,

"Ano? practice naba tayo? haha!"

Nagulohan ako,

"Practice saan?"

"Syempre, prepresent tayo ngayong acquittance party" sabi ni ker.

"Paano yan isang buwan nalang practice natin kung ganon?"

"wala na yang problema, napasa ko na yung entry natin haha!"

sumigaw kami..

"Ano??????????" 

"May inspiration na si kiel na kumanta, para maakit si Marian sa artistic voice niya haha!"

Hindi ko alam kung bakit natutuwa si ker sa nangyari sakin na accidentally na pag amin or natutuwa siya kasi prepresent kami sa acquittance party.

"Hindi ako kakanta kung, hindi ko maamin kay marian ng harap-harapan na gusto ko siya." sabi ko sa kanila

"Kaya mo yan, basta ipakita mo lang na mas better ka sa crush niya" advice ni Jake sakin

"Putek na yan jake! Si ed pa pala problema ko, woah! paano yan?"

"Pre mauuna pa yung acquittance party kesa intramurals, makaka try out kapa, tiyaka madudurog mo yon, may tiwala kami sayo"

Ang ganda ng paguusap naming noong gabing iyon.

Through the weekend nilibang ko nalang sarili ko sa pag practice ng kakantahin namin , at paglalaro ng basketball , kesa isipin yung nangyare noong Friday.

Monday  na naman..

Pagpasok ko palang sa room naming, may malamig na hangin na sumalubong sakin.

"Hoy kiel! haha bakit ka nakatulala jan sa pinto?" Tanong ni Loyd sakin.

"parang kukunin na ata ako ng langit pre, sa sobrang lamig ng hangin"

"Malamig na hangin? eh ang sobrang init nga eh" Sagot ni Loyd sakin

Nasaisip ko noon, lahat ng mata sa room nakatingin sakin. Then all of a sudden, pumasok na sila Marian.

Napayuko ako, pinipilit ko talagang hindi tumingin sa kanya , The more I try, the more na kinokontra ng mata ko. Then,Napansin nila ..

"Marian, si kiel oh! ayiieee" Sabi ni Rey

"Oy Rey, wag kang ganyan" sagot ni Marian.

Hindi ko alam kung mahihiya ako or kikiligin sa nangyare.

Habang nag lelesson ni Maam Nataras, nakakatitig lang ako kay Marian. Tapos biglang hinarangan ni pej yung view ko. 

Nagulat ako kung bakit nandun yon, hindi naman siya doon naka upo.

"Dave, bakit nandun si pej malapit kela Marian?" Tanong ko kay Dave

"Hindi ko rin alam pre, nagulat din ako eh" sagot niya sakin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crazy Shit HappensWhere stories live. Discover now