Chapter 2 - Diskarte

22 2 0
                                    

Kinabukasan, di ko parin alam Kung ano task ko sa group namin. Pero wala na akong magawa kakapalan ko na mukha ko kesa ma itlog pa grades ko.

Dahil sa kapal Kung mukha naging successful yung groupings namin. Buti nalang malaki grades namin.

Napaisip ako...

"Di na kami busy, try ko nga kilalanin si  Marian"

Nasa dorm ako then nakita ko si Jake nag guitar. Sa time na iyon wala akong ginagawa, so pumunta nalang ako doon. Habang tumutugtog si Jake, na amaze ako sa pag guitar niya, strumming man yan or finger style. Siya yung master guitarist sa tropa. Nandon lang din naman ako, so nagpaturo nalang din ako mag gitara. Syempre Yung una nahihirapan ako ng sobra.

Napatanong ako sa kanya..

"Jake, bakit ang sakit ng mga daliri ko habang nag strumming"?

"Hindi kapa Kasi sanay, once nasanay ka, ma immune na yang mga daliri mo"

Patawa niyang inexplain sakin...

Simula noon, nagprapractice na ako mag guitar. Kahit na off tune Yung pag strum ko basta with feelings yung pagkanta. Minsan nga natatawa ako sa sarili ko habang nag guiguitar.

One afternoon, nagisip ako kung anong gagawin ko para malaman ko yung mga hilig ni marian sa isang lalake. Hindi pa Naman ako marunong mag gitara so nilapitan ko nalang si pej, Kasi siya Yung tahimik pero daming kalokohan Kung ma trigger mo siya,para din hindi mahalata.

"Pej, baka naman tulongan moko Kay Marian"

Nagulat si pej, sa dami dami ng nilapitan ko siya pa.

"Huh? Bakit ako? Haha nagkamali ka ata pre haha"

"Ikaw kasi yung pinaka pogi at mabait sa tropa natin"

"Sige na nga, magaling ka talaga mang bola pre haha!"

Simpleng bola lang nakuha ko loob ni pej at pumayag siya na tulongan ako mapalapit kay marian. 

Una kung ginawa, nagsulat ako sa papel ng love letter. Diko naman alam paano gawin iyon, so una kung ginawa is tula siya. Diko pinabasa sa kanila kasi alam ko na pagtatawanan lang ako. Noong time na iyon diko alam kung sa bond paper ba or sa papel ko isusulat. So nag improvise nalang ako na isulat sa notebook, sabay punit. The time natapos ko yung "love letter", binigay ko kay pej..

"Wag mo yang basahin ah, ibigay mo lang yan bukas kay marian, pero dapat hindi yung biglaan"

"Paano ba dapat haha!"

"Bakit ka natatawa? Wag naman ganyan, kinakabahan na nga ako sa gagawin mo bukas eh"

"Ako na bahala, hahaha wag kana umiyak"

"May tiwala ako sayo, kupal ka!"

Noong gabing iyon, di ako nakatulog ng maayos. Kinakabahan ako sa mangyayari bukas, kung ano reaksyon niya pag ibibigay na ni pej. Dahil sa lalim ng pagiisip ko nakatulog ako.

Yung nasa bus na kami papasok di ako mapakali, so ilang beses kung nilapitan at niremind si pej na wag gumawa or magsabi ng kung ano ano, Lalo na wag sabihin na ako gumawa nung ibibigay nya na papel.

"Pej! ikaw na bahala ah, Oy! pej ah?" Pej..."

"Hahaha ! oo na chill ka lang pre, alam ko na yung gagawin ko"

Nasa room kami, syempre sa isang table kami nagtitipon, yung mahaba na table sa TLE room. Then timing hindi pumasok teacher namin, so iyon na yung chance ni pej na ibigay yung letter ko. The problem is si marian kasama yung kalahati ng mga babae na kaklase namin na nagkwekwentohan sa gitna ng room. Akala ko hindi itutuloy yung pag bigay ni pej sa letter, kasi natutulog lang siya.

Crazy Shit HappensWhere stories live. Discover now