Chapter 7

4.7K 242 152
                                    

Sa mga sumunod na araw palagi padin akong naiinis sa kanya at palagi padin nya akong kinakausap na para bang isa akong batang paslit na kailangan ng aruga para lumaking matino.

Minsan nakakausap ko through video call sina Artem at Elaine.  Natatawa nga ako dahil nilagyan pa nila ng picture yung upuan ko para magmukha daw akong present tapos balak pa daw nila na pekein yung pirma ko sa attendance pero dahil labag yun sa rules hindi naman nila magawa gawa.

Namimiss kona pumasok. Nakakainis naman kasi e.

Sina Mama naman tinawagan ko isang beses pero nasermonan pa ako.

Kasi naman sinabi pala ni Ariella na pasaway ako.

Ang babaeng yun talaga.

Nababagot na ako dito sa bahay nya sa totoo lang.

Wala akong makausap.

Wow Cassandra ! Madaldal ka ha?, madaldal ka?!

Naiinis na bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto.

Tinahak ko ang tahimik na hallway at bumaba na ako sa hagdanan.

"Nagugutom ka po ba?"- tanong ng maid ng pumasok ako sa kusina.

"Hindi. Ano bang oras ang uwi nya?"

"Si Ma'am Yssa?"

Tumango naman ako habang nainom ng tubig.

"Baka po mamaya nandito na iyon. May tinatapos lang po kasi syang photo shoot ngayon"

"Photo shoot ng?"

"Cover po ng magazine"

Tumango tango nalang ako at nagdesisyon na umalis nalang duon.



Nag ikot ako sa loob ng bahay.

Madami pala syang guest room e. Siguro dito nya pinapatulog ang kapwa model nya kung sakaling may party sya.

Nakita ko din ang gym nya.

Pumasok ako sa loob at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Hindi ako nag g-gym kaya siguro wala akong muscles.

Saka bakit naman ako mag g-gym e kahit anong kainin ko ayaw akong dapuan ng taba.

I wonder tho what is she look like when she's in here?

Super hot din kaya nya habang pinagpapawisan?

Does she look sexy wearing her sports bra and leggings?

Ipinilig ko sa magkabilang sides ang ulo ko.

Ano ba tong naiisip ko. Hindi na maganda.

Lumabas na ako dun at maingat na sinara ang pinto.

Lumakad pa ako ng lumakad hanggang sa makarating ako sa may likod.



I silently walk in a small pathway that was surrounded by a grass that was climbing up the walls.

Tumambad sa harapan ko ang malaking swimming pool.

It's a rectangular shaped pool. At tantya ko na malalim iyon pero hindi naman siguro ako malulunod.

Naupo ako sa isang sun lounger at sumandal.

Tahimik na pinagmasdan ko ang kumikislap na tubig.

Unti unting bumuhos sa ala ala ko ang mga nangyari nitong mga nakaraan na araw.

From my Daddy's wrath and then now here I am in someone else house.

Napabuntong hininga ako at napapikit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Babysit by a SuperModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon