Chapter TWENTY-THREE

30 11 1
                                    

"Oh keps! Tapos naman na kayo kumain. Tara na mag sine!" pagyaya ni Andrea na punong puno ang excitement

"Ano naman panonoorin natin?" tanong ko

"Multuhan keps! Matira matibay!"

"Game kami ni Isabella! Diba boss?"

"Yes! Game kami ni Patricio" pero natatakot talaga ako huhu

"Kung ganon e tara na!" sa wakas ay nagsalita na si rence

"Patricio bili muna tayo popcorn saka shawarma tapos shake yung pinakamalaking cup na bilin natin share nalang tayo."

"Sige commander!" saka naman niya ako inakbayan na para bang magtropa lang kami

Mas maayos na ang ganito. Mas gusto ko ang ganito pag nasa publikong lugar kami. Marami kasing mga judgemental na tao at baka sabihin na anlandi landi namin. Respeto na din naman sa mga walang jowa haha...

Habang sila Rence at Andrea naman ay magkaholding hands.

___________________

Nang magsimula na ang pelikula.

Tamang chill at kain lang kamimg dalawa ngunit sila Andrea at Rence ay kanina pa namin pinakikiramdaman dahil mukang nagtatalo ang dalawa.

"Bubby di ako nagloloko." bulong ni rence na may pagka inis ang tono ng pananalita

"Rence huling huli ka na dinedeny mo pa! Ano ba!" pabulong man ay halatang galit na galit na si Andrea

Nagkatinginan naman kami ni Patricio na hindi malaman ang gagawin.

Nag iisip lang ako ng kung ano kanina pero parang totoo nga ang kutob ko.

"Isang, kanina pa ko may napapansin na babaeng ngingiti ngiti at kanina pa nakatitig kila Andrea, iba ang kutob ko mahal." ng biglang bumulong sakin si Patricio

"Patring baka naman sa iba nakatingin, baka nagkataong nasa gawi lang nila yung tinitingnan." pagpapalakas ko naman ng loob sa sarili.

Pati ako'y kinakabahan at nasasaktan sa kung ano mang mangyari. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko.

"Sabi mo ako lang Rence, sabi mo ako lang!" paluha ng sambit ni Andrea

"Mahal I think we need to fix this. Tara na lumabas ng sine!"

"Okay, but before that, ikaw ang sumamang lumabas kila Andrea. At sabihin mo na susunod ako.Ang target ko naman ay ang babae na sinasabi mo, pero siyempre sisiguraduhin ko muna kung tama ang kutob mo. Itext mo ko kung asan kayo at doon ko nalang kayo pupuntahan. Text mo din ako kung anong nangyayari mahal ha? " pagsabi ko ng plano

"Sigurado ka? Nag aalala ako sayo. Gusto mo ako nalang? " pag alok niya

"Hmmmm." malaki ang tiwala ako kay Patricio " Sige mahal! Mag ingat ka, wag mong sasaktan ha. Update kita para alam natin ang gagawin. Iloveyou!"

"Opo, Iloveyouto commander!"

"Code natin mahal pagka confirmed na babae ni Rence yung babae is 111118 and kapag nakipagbreak na si Andrea kay Rence ay kunin mo ang babae at dalin kung nasaan kami naroon. Sige na mahal simulan na natin. Ingat ka Patricio."

"Opo, sana magtagumpay mahal" matapos non ay kinausap ko na si Andrea

"Hmmmm Andrea, Rence tara na lumabas hindi ko na kaya yung takot eh. Please keps." pagkukunwari ko na wala kaming narinig ni Patricio sa pinag uusapan nila

A Love I Thought Will Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon